67 - First Day

1.5K 127 89
                                    

67 - First Day



Nagising si Yuan dahil sa pagri-ring ng kaniyang cellphone. Pinilit niyang imulat ang antok na antok pang mga mata na mabilis ding napapikit nang makita niyang alasdos pa lamang ng madaling araw. Sinagot niya ang tawag at ipinatong ang cellphone sa bandang tainga niya. "Someone better be dying—"



Bigla na lamang umalingawngaw ang mga kalabog sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Ignacio. Marahas na bumukas ang pintuan sa master's bedroom kung saan mahimbing pang natutulog ang mag-asawang Henry at Lucia.



"Mom! Mom!"



Napabalikwas ng bangon si Lucia dahil sa nagpa-panic na boses ng pangalawa niyang anak. "Yuan?"



"Please prepare some meds or anything that a sick person needs. I don't know—just anything!" dire-diretsong sabi ng dalaga na nagising na rin ang ama niya. "Dad, can you drive for me? I'm just gonna go take a bath and—"



"Yuan, anak, calm down." Hinawakan ni Lucia ang dalaga sa magkabila nitong balikat.



"Ano'ng nangyayari?" tanong naman ni Henry na bumangon na rin.



Napalunok ang dalaga. "Kenzo just called, Jet's sick!"



Wala pang dalawampung minuto pagkatapos niyon ay tumatakbo na ang bagong ligong si Yuan pababa ng hagdan. Nadatnan niya sa kusina ang mga magulang niyang nagkakape habang naghihintay sa kaniya.



"Baka may importante kayong gagawin sa school ngayon?" paalala ni Henry, alam nang hindi papasok ang anak niya at mga kaibigan nito dahil hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong pangyayari.



"We'll just cram the papers. We can't go to school while he's like that," may bakas pa rin ng pagmamadaling sagot ni Yuan habang pumapasok sa kusina. "Mom, the meds?"



"Here."



"Please tell Kuya Wawie na hindi po ako papasok. Dad, let's go."



*****



"May kasama na ba siya diyan?" tanong ni Henry sa anak nang matanaw nila ang bahay nina Jet.



"Kenzo, Mariz, and Rina are already there," sagot ni Yuan. Hindi pa tuluyang humihinto ang sasakyan ay nagtanggal na siya ng seatbelt. "Thanks, dad. Ingat po."



Hindi na nakapagsalita pa si Henry nang mabilis na isinarado ng dalaga ang pinto. Pinanood niya itong pumasok sa gate at tumakbo papasok sa bahay nina Jet.



"Yuan!"



Naibagsak ni Yuan ang mga balikat at halos mabitawan din ang mga dala niya nang makapasok sa kwarto ni Jet. Nadatnan niyang nakapalibot sa kama sina Kenzo, Mariz, at Rina—pare-parehong masama ang tingin sa nakahigang binata na ngising-ngisi sa kaniya.



"Why the fuck are you smiling?!" kunot ang noong tanong ng dalaga saka tuluyang lumapit. Sinapo niya kaagad ang noo ng binata at napasinghap nang maramdaman na sobrang init nito. "Are you alright?!"



"Kakatapos lang naming pakainin," bumubuntong-hiningang sabi ni Rina. "Uminom na rin ng gamot, 'di lang halata."



Humugot din ng malalim na hininga si Mariz. "Hindi pa ba natin dadalhin sa ospital 'yan?!"



"Relax, he seems fine," ani Kenzo sa kaniyang girlfriend.



"Ganiyan din ang sinabi niya dati tapos may dengue na pala!" Dumampot si Mariz ng isang unan saka ibinato sa kaibigang nasa kama. "Nako, Jethro, hindi ko makakalimutan 'yon!"



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon