11 - Baseball Cap

2.1K 187 150
                                    

11 - Baseball Cap



"He's not coming today. Nag-send lang pala siya ng resignation letter kahapon. Pinapapunta siya sa office nila ngayon for I don't know what. Siguro magpapasalamat sila kasi, sa wakas, aalis na siya." Sandaling tumigil si Yuan sa paglalakad nang makapasok sa gate ng Scitus University - Cavite Campus. Nasa tainga pa rin ang cellphone, inayos ng kabilang kamay niya ang pagkakasukbit ng kaniyang backpack. "Yeah, I'm already here. Sa room na lang."



Dumiretso ang dalaga sa paglalakad. Ilang minuto pa lamang lagpas alasdose ng tanghali kaya tirik na tirik ang araw. Kunot ang noo at nakasimangot niyang tinahak ang pathway na walang bubong. Noong una ay itinaas niya ang kanang kamay para takpan ang mukhang direktang nasisinagan ng araw, pero nang mangalay ay yumuko na lamang siya.



Malayo-layo pa sa kanilang department ay napansin ni Yuan na hindi na natatamaan ng init ang kaniyang ulo. Nag-angat na siya ng tingin, pero lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang bumungad sa kaniya ang malaking number 3 at na mayroong pamilyar na apelyido sa taas.



Napabuga ng hangin ang dalaga. Sinulyapan niya lamang kung nakabenda ba ang kanang kamay ng binata bago siya nagmadali sa paglalakad. Walang lingon na nag-overtake siya kay Lucas. Muli mang nakatutok sa kaniya ang init ng araw, mas okay na iyon kaysa maglakad siya na para bang nakasunod sa binata.



Sandali lamang ay namalayan ni Yuan na may dumaan sa gilid niya. Nang muling mag-angat ng tingin ay nakita niyang naglalakad na ulit si Lucas sa kaniyang harapan. Saktong-sakto siya sa anino nito.



Huminga si Yuan nang malalim at muli sanang o-overtake nang biglang lumiko si Lucas. Hindi sinasadyang nagkaharap sila ng binatang lilipat na ng daan patungo sa baseball field. Kapwa nakakunot ang mga noo nila nang magkatinginan.



Hindi nagsasalita at masama pa rin ang tingin, tila inis na tinanggal ni Lucas ang suot niyang baseball cap saka isinuot kay Yuan.



"What the—" reklamo ng dalaga habang inaangat ang sumbrerong halos tumakip sa buong mukha niya dahil sa tila galit na pagkakasuot ng binata. Naghahanda pa lamang siyang sumigaw ay nawala na ito sa kaniyang harapan.



*****



"What?" maangas na tanong ni Yuan sa mga kaibigang sinusundan siya ng tingin mula nang pumasok siya sa kanilang classroom. Huminto siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Mariz at ibinaba ang bag niya roon.



"Kayo na agad?!" tanong ni Jet.



"What?" naguguluhang tanong pabalik ng dalaga.



"Yuan, your cap," ani Kenzo saka isinenyas ang ulo ng kababata.



Doon lamang naalala ni Yuan na suot niya pa rin ang baseball cap ni Lucas. Parte iyon ng uniform ng baseball varsity team ng Scitus kaya alam niyang alam ng mga kaibigan kung sino ang nagmamay-ari niyon. Napabuntong hininga siya saka hinubad ang sumbrero. "Long story. I won't tell."



"Yes, may secret na sila," may mapang-asar na ngiting sabi ni Rina. "Nakaka-develop pala ang bandage."



"Yey, makaka-abay na!" sabi naman ni Mariz.



"'Pag na-feature sila Yuan at Lucas sa MMK, ang title ng episode nila: bandage."



"Hindi ba, baseball? Para mas mahirap hulaan ng mga texters."



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon