87 - Ninongs and Ninangs

1.2K 101 40
                                    







HAPPY BIRTHDAY, JUNMYEON!






87 - Ninongs and Ninangs



"You're what?"



"Your idiot friend got me pregnant!"



"Ano'ng—"



"Jet, you're going to be a daddy! Yey!"



Tulad ng girlfriend niya at ng mga kaibigan nila, natigilan din si Kenzo dahil sa narinig. Dahan-dahan siyang napalingon sa tinutukoy na binatang tila nanigas na rin sa kinatatayuan.



Gulat din sa balita, inuna ni Lucas na lapitan ang girlfriend niyang alam niyang apektado sa nangyayari. Hinawakan niya ang kamay nito at ramdam niya ang panlalamig niyon. Pinisil niya iyon pero ni hindi nag-angat ng tingin sa kaniya ang dalagang tila wala sa sarili, tulad nina Rina at Mariz.



Tanging si Andrew ang nakapagsalita sa mga binata. Hindi man alam ang dapat na sabihin, alam niyang kailangang basagin ang awkward na katahimikan. Lumingon din siya kay Jet. "Uh... dude, cong—"



"Everybody inside the house," biglang sabi ni Mariz sa malamig na tono.



Doon lamang tila natauhan si Kenzo at agad na lumapit sa girlfriend niyang nakayuko lamang pero mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. "Hey—"



"Get. In."



Halos mapaatras si Hanna dahil sa diin ng pananalita ni Mariz na ngayon niya lamang narinig. Naghihintay siya ng reaksyon mula kina Yuan at Rina pero hindi kumibo ang mga ito at tahimik lamang na pumasok sa loob ng bahay. Napasunod silang lahat.



Nanlilisik pa rin ang mga matang umupo si Pia sa isa sa mga single seater na sofa sa receiving area ng bahay. Sa kabilang single seater ay pumuwesto naman si Jet. Sa mahabang sofa, magkakatabing umupo sina Hanna, at Andrew. Hindi magawang umupo nina Mariz, Rina, at Yuan. Nanatili ring nakatayo si Lucas dahil nakatayo ang girlfriend niya.



Tila nag-echo ang tunog ng pagbukas ng sliding door sa veranda nang pumasok doon si Kenzo na pinatay muna ang apoy sa grill, alam na mahaba-habang usapan ang mangyayari dahil kilala niya kung paano mag-alala sina Mariz, Rina, at Yuan pagdating kay Jet. Huminga siya nang malalim habang papalapit. "Okay, game—"



"Putangina, Jethro," sabay-sabay na sabi ng tatlong dalaga na tila naghihintay lamang ng hudyat. Aakalain ding tatlong Yuan ang sabay-sabay na nagsalita dahil sa pare-parehong malamig na tono nila.



Hindi naman nakapagsalita si Jet. Nakatulala lamang siya sa sahig at tila pinoproseso pa ang balitang magiging ama na siya.



Naihilamos ni Mariz ang magkabilang palad sa mukha niya. Ilang ulit siyang humugot ng malalim na hininga at tila pinakalma muna ang sarili bago humarap kay Pia. "I'm sorry that I'm asking this but... are you sure it's Jet's?"



Tila nagising si Jet dahil sa narinig. Agad na napakunot ang noo niya sa kaibigan. "Mariz—"



"You're a bitch," ani Pia, diretso rin ang tingin kay Mariz habang pilit na pinapataray ang boses niyang halatang kinakabahan din. "But I'm not that girl."



"Alright. Alright," tumango-tango si Mariz na tila sinasabing hindi niya na kukuwestiyunin ulit ang bagay na iyon. Tumingala siya at muling bumuntong-hininga. "Alright..." sabi niyang muli na para bang kinukumbinsi ang sarili. Saglit lamang ay nag-init ang mga mata niya. Tumingin siya kina Rina at Yuan na tila humihingi ng tulong. "I can't think straight."



2025: RLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon