•••
BEA
Finals game na nga pala bukas laban sa La Salle at bigla ko naisip pano magiging connection namin ni Jia dahil sa sitwasyon ngayon. Tingin ko ay babalik kami sa una kung saan nahihirapan kaming mahanap ang rhythm sa mga plays.
I moved out of my bed, took my clothes and made my way to the shower. I can hear all of them three talking but I did not care to listen. Paglabas ko ay nagsusuot na si Jia ng bag and she took her car keys, dinala niya pala uli kotse niya dito. Aantayin sana kami ni Kim at Gizelle nang sabihin ni Jia na mauna na lang silang dalawa. At kaming dalawa na lang natira sa kwarto, at binalot kami ng katahimikan while I continued fixing myself before grabbing my bag. Seryoso lang si Jia na nag-ayos ng mga librong dadalhin niya, she might not be resting dito after training then.
I'm not blind enough to see her glancing at me from time to time. Halata ko siya mula nang lumakad ako papuntang banyo at hanggang ngayon na palabas na ako ng kwarto. We are walking towards the parking lot side by side, with a two meter space in between. Nagkalayo kami ng tuluyan pagdating sa gitna. Hindi ko namalayang magkaharap ang aming kotse, until I saw her staring at me matapos ko ayusin ang aking upo sa loob.
Umiwas ako ng tingin at nagsimulang magmaneho.
"Morado! De Leon! Talk!"
Galit na utos ni Coach Tai, and like what I predicted, wala na kaming rhythm ngayon pa lang sa training. Almost one hour na kami nag-struggle dahil walang communication sa scrimmage. Tapos problemado pa si Jia mag-set, pati ibang hitters hindi niya mabigyan ng maayos. And me, I'm also struggling on my own, I thought mawawala na pero katulad parin ng kahapon ang resulta, much worse today.
Hinila ni Ate Den si Jia papunta sa isang sulok matapos ang napaka-problematic na first half ng morning training. I saw Ate Den gazing at me before returning her attention to Jia, sa kabilang dako ay nakita ko si Mich na lumalapit sa kanila. I turned my back and walked to the other bench and sat beside Maddie and Therese. I'm mentally scratching my head, hanggang kailan ba ako maapektuhan? Sa ganitong panahon kailangan ko si Karen kaso she left the team and went back to her province. Hay, through phone ko na lang siya nakakausap tungkol sa amin ni Jia at alam ko na pag nalaman niya ang gulo ngayon ay magagalit 'yun sa akin, sa amin.
I bent my head down in frustration and felt Maddie massaging my back. Salamat at hindi na siya nagtanong dahil hindi na nila kailangan itanong pa kung may problema. Napigilan ko ang aking luha at agarang uminom ng tubig tapos pinakalma ang sarili by meditating.
Pagkatapos ng break bumalik kami sa court at nagsimula mag-ensayo. Kumpara sa kanina, umayos na ng onti ang laro namin dalawa. Nakatulong ata pagkausap nila Ate Den kanina at 'yung meditation.
"Good. Power!"
Sinunod ko ang sinabi ni Coach at hinampas ng malakas ang set niya sa akin. Nag-thumbs up sa amin si Coach before letting us carry on. I looked back at Jia and she had her serious blank face on again, signifying na hindi siya distracted. She gave me another set and I managed to make a quick hit.
"Ji, samahan na kita." Rinig kong sambit ni Mich. Tapos na ang morning training.
Nasa JSEC ako ngayon at kumakain mag-isa ng tanghalian. Hindi ako sanay na mag-isa at inaya pa ako nila Maddie na sumama sa kanila, subalit tumanggi ako. Napansin ko na may lumalapit sa lamesa ko kaya ako'y tumingala, nahagip ng aking mata si Thirdy at ngumiti ito sa akin, tumango ako kahit hindi pa siya nagpapaalam kung pwede maki-table.