Chapter 27

450 6 2
                                    

•••

JIA

Hanggang kailan mo ako ipatutulakan, ipagtatabuyan, at tatratuhin na parang hangin?

Ilang araw na akong nahihirapan. Ilang araw mo na akong pinapahirapan. Hindi mo ba ako kayang pagbigyan? Nilunok ko na halos lahat ng sakit na nararamdaman ko, araw-araw, pahirap ng pahirap. Bawat pagkilos mo tuwing iiwas ka sa akin, ramdam kong pinapatay ako sa loob-looban ko.

Alam kong ito ay kabayaran sa lahat ng sakit na binigay ko sa'yo, at gusto ko na lang mawala para huminto na.

Pinuntahan ko ang magulang mo sa bahay niyo, hindi ko pinaalam sa kahit sino dahil alam ko na pipigilan mo ako. Baka ako'y awayin mo pa dahil ano nga naman ang karapatan kong harapin ang Mama at Papa mo matapos kitang saktan, hindi ba? Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ako umalis papunta sa bahay niyo, dahil sa hindi ko sigurado ang kalalabasan ng lahat. Pakiramdam ko'y alam na nila ang kwento kung pa'no kita sinaktan.

Nagmatigas ako, dahil mahal kita at gusto ko humingi ng tawad, nabigo akong alagaan at ingatan ka tulad ng pinangako ko noon. Kinapalan ko ang aking mukha't nagtungo sa inyong tahanan. Hindi pa ako nakakalapit ay masama na ang pakiramdam ko, lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang Kuya at Daddy mo na nag-uusap sa labas ng pintuan ng inyong bahay.

Pagharap nilang dalawa ay nanlamig kaagad ako, lalo na sa paraan ng pagtitig sa akin ng Daddy mo. Mabilis na binalot ng galit ang mukha niya, at doon ay hinanda ko na ang aking sarili.

At hindi ako nagkamali, kung anu-anong salita ang mabilis niyang naibato sa akin kung kaya't napaiyak ako't lumuhod sa harapan ng magulang at Kuya mo. Hinayaan ko ang Daddy mo na sabihan ako ng mga hindi niya masabi mula nang malaman niyang sinaktan kita, palagay ko'y hinintay niya akong dumalo para masabi niya lahat ng hinanakit niya sa ginawa ko sa'yo.

Nang matapos na siya, ako naman ang nagsalita. Nakaluhod parin ako't basang-basa na sa mga luha, at sobrang hinang-hina ngunit pinilit ko parin humingi ng tawad sa kanila. Nakiusap ako, lalo na sa Mommy at Kuya mo na kung pwede ay mabago ang desisyon mong umalis. Hindi ko magagawang magpatuloy kung wala ka na sa tabi ko, at sinabi kong mas magiging maayos na ako at desidido na 'kong piliin ka. Sinabi ko sa kanila lahat ng nararamdaman ko para sa'yo, hindi ko na inintindi ang reaksyon nila dahil ang mahalaga ay malaman nilang hindi kita pinaglalaruan, na totoo ang lahat ng ito.

Hindi ako umasa na may sasabihin sila at agad akong nagpaalam pagkatapos ko magsalita, doon sinabi ng Daddy mo na napakalaki ng panghihinayang niya kaya ganoon katindi ang kanyang galit sa akin. Humingi ulit ako ng tawad at sinabi ko na handa kitang paghirapan 'wag ka lang umalis. Para akong tangang nakikiusap sa kanila pero 'di bale na, wala na akong pakealam.

Tumingin ang Mommy mo sa Daddy mo't sinabihan siya na pagbigyan ako. Bahagyang lumiwanag ang aking pananaw dahil matapos nu'n ay pinatawad na nila ako, pero nilinaw na sa iyo parin ang desisyon. Kung ano man maging resulta ay handa dapat ako na tanggapin, kahit masakit.

Magaan akong umuwi sa atin nung gabing 'yon at pagkarating sa kwarto ay nilapitan kita na mahimbing ang tulog. Tahimik kitang pinagmasdan at hindi ko mapigilang ngumiti pag natatanaw ka. Hinalikan ko ang noo, ilong at labi mo bago ako nagbihis para makatulog na.

At ngayon, nasasaktan nanaman ako matapos mo akong iwan sa tapat ng BEG. Nasa gitna na tayo ng paghahalikan natin at akala ko ay baka ito na, baka mababago ko na ang isip mo pero bigla kang huminto na parang may nag-udyok sa'yo. Tinanong kita, wala kang naisagot, tumitig ako at doon ko nakuha ang sagot kaya bumaba ang hawak ko papunta sa laylayan ng iyong damit. Kanina ay nagawa kong ibagsak ang mga harang na asa paligid mo at gano'n rin kabilis ito bumalik. Pagkatapos mong huminto sa paghalik sa akin ay nakita kong bumalik ang dating ikaw, 'yung ikaw na hindi halos namamansin.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon