"Bro, ingat ka sa training!" Sigaw ni Loel kay Bea sa labas ng sasakyan. Nginitian naman siya nito saka umalis.
Two days after ng Pasko ay babalik ulit ang Lady Eagles para sa training, ganun ang usapan nila Coach Tai at walang nag-reklamo sa kanila. Besides, kailangan din ng Team yun to be remain consistent.
So far, maayos na ang kalagayan ni Bea sa Family. They talked over a lot of things at naayos na ang gusot sa pagitan ng mag-Ama. Bea is already excited to let Jia know the news at alam niyang matutuwa si Jia para sa kanya.
Pagbaba palang ni Bea ay nag-tilian sina Maddie na akala mo nakakita ng Artista. Well, Artistahin naman si Bea. Nag-group hug silang apat at nag-tawanan sa mga kwentuhan nila. Mamaya naman ay dumating ang ibang girls tas nag-kulitan bago pumasok ng BEG.
Nilapitan ni Bea si Jia na busy makipag-usap kina Jamie. Tinakpan niya ang mata nito at pinahula kung sino siya. Samu't saring asaran ang naririnig ni Jia kaya't takang taka siya.
"Guess who I am." Utos ni Bea habang tinatakpan ang mata ni Jia. Mabilis na inalis ni Jia ang kamay tapos lumingon, "Hey!" Saktong niyakap agad siya nito.
"Akala ko kung sino, may ganyan ka ng nalalaman." Jia scoffed.
"Haha! I just missed you so much, baby Ju." Nang tawagin niyang 'baby' si Jia ay humiyaw ang ibang girls tapos sinundot nina Kim si Jia sa tagiliran. Tinampal siya sa noo bilang ganti.
"Baby ka dyan. Haha! I missed you too, so much!" Sambit ni Jia at hinalikan si Bea sa pisngi, sandaling natulala si Bea at nginitian siya ni Jia.
"Isa pa nga." Hirit ni Bea at tinuro ang pisngi niya. Kinurot lang siya ni Jia kaya nag-pout ito, "Ba yan."
"Sige na nga." Bumigay si Jia at hinalikan ulit ang pisngi nito, mas matagal kesa sa una. Pagkatapos nun ay halos mamula ang mukha ni Bea sa kilig, "Ayan na, happy?"
"More than ever." Kilig na sambit ni Bea tapos nag-yakapan ulit sila.
--
"Sa HK kayo mag-New Year? So rich ka nga." Sabi ni Jia matapos i-kwento ni Bea ang magaganap ngayong Bagong Taon.
"Kaya nga, excited na ako. Also, Ate Ly, Ate Ayel, Ate Ella and Synj will join us. Sayang kayo, lahat asa kanya kanyang outings din."
"Nakakainggit kayo, I really wanna go back there." Jia pouts that made Bea laugh.
"Cute!" She pinched Jia's cheek, "And... I have good news!" Jia kept quiet to listen, "Bati na kami, it's so unexpected pero ang saya! Tapos, dito na ulit si Kuya sa Pinas." Hinawakan ni Jia ang kawalang pisngi ni Bea at ngumiti.
"See? I told you, trust lang." Masayang sabi ni Jia at tumango si Bea.
"He accepted me for who I am, and I am very happy. Sa wakas, wala na yung gulo."
"Sabi ko naman sayo." Jia smiled tas inakbayan si Bea.
"Only one problem left." Bulong ni Bea sa kanyang sarili at tumingin kay Jia na nakatingin pala sa kanya.
"Problem?" Tanong ni Jia.
"Wala, joke lang." Mabilis na sagot ni Bea at ngumiti, "Bukas na alis namin, mamimiss nanaman kita."
"Ilang araw ka lang naman dun. Sabagay, ako rin. Isipin mo na lang na kasama mo ako."
"Iisipin ko din na akin ka." Biglang sabi ni Bea at kumunot ang noo ni Jia, "Isipin mo na kasama ako sa outing niyo. Hehe!" Agad niyang binago ang sinabi tapos ngumiti si Jia, bumuntong hininga si Bea at halos pawisan.
"Antok na ako." Sambit ni Jia.
"Hatid na kita sa inyo." Bea said and pulled Jia to stand up.
Hawak kamay silang lumabas ng Oval papuntang Parking Lot. Pagkarating sa tapat ng bahay nina Jia ay binuksan niya ang pinto para makalabas ang dalaga, at pagka-sara ay hinalikan ang noo nito.