BEA
You lift me up only to bring me down, again.
January 17, 2015 ang pinaka-hate kong araw ngayon, ito kasi yung araw na tatanungin ni Miguel si Jia, kung pwede ba manligaw. Pano ko nalaman? Sina Mich ang nagsabi sa akin, hindi pa nga ako prepared na malaman at malungkot ulit. Pakiramdam kong sinadya nila yun para magulat ako. Haha! Ito, nasasaktan na nga. Hay, ang buhay marunong manggulat.
Hindi rin ako pwedeng magalit dahil almost one year niya na palang pine-pursue si Jia. Hindi biro yung effort ng taong yun, bali-balita pa ang pagiging torpe niya. Siguro mas malala ako, at bestfriendzoned pa. Swerte niya dahil kahit sobrang nerbyos daw siya ngayon eh magkakaroon na ng progress ang love story nila. Yung sa amin, ano nga ba? Abot kamay ko na siya noon pero ni isang beses hindi ko nagawang ipaglaban ang nararamdaman. Pinapagdasal kong maging okay at ingatan niya si Jia. Kapag hindi, kakapalan ko talaga mukha ko para agawin siya.
Kung tatanungin niyo ang sitwasyon namin ni Jia ngayon, ganun parin. Walang pormal na paguusap. Nakaka-usap ko na siya pero hindi yung usap talaga. Tuwing may kailangan lang or pinapasabi sa kanya, dun lang ako kakausapin. Strange, but it's okay with me. Kuntento na ako kahit bihira lang kami mag-usap or pag may kailangan lang siya lalapit, atleast, nararamdan ko parin ang halaga ko sa kanya.
By the way, si Jho, siya ang napapadalas kong kasama ngayon. Main reason is my ankle sprain na almost 3 weeks bago mag-heal. For now, I'm doing fine at medyo nakakalakad ng maayos pero bawal pa mag-training for safety purposes. Gladly, Jho is there to assist me. Supposedly, sina Maddie nga pero nag-pumilit.
Napag-alaman ko rin ang pagiging maalaga niya, para ngang si Jia. I don't know why I contrast her with Jia, somehow they have similarities despite being two different persons. If I could remember, 2 days after my sprain incident occured, I tried playing Volleyball kahit Serving lang tapos nakita niya ako at pinaupo sa bench. Nataranta siya kasi namimilipit ako sa sakit dala ng pagka-wala nung adrenaline sa katawan ko. Tapos nanermon sa akin, na agad kong kina-konsensya. Akala ko nga mang-iiwan pero she sat beside me and apologized for heating off, ayaw niya lang lumala ang injury ko.
Since then, I always listened to her advices. Hindi ko siya sinusuway dahil para sa akin din naman. Really like Jia, lagi siyang nasa tabi ko tas aabangan after classes to help me walk around. Madami din siyang kine-kwento sa akin, pati nga yung love problem ko nadamay. I expected she'll get irritated whenever I insert Jia to the topic but no, siya pa yung interesadong malaman. It's relieving to have someone whom you can vent to, especially if they can relate. And Jho never complained, she repeatedly tells that I shouldn't give up just 'cause someone else is pursuing Jia. I should be challenged instead to do what I have to do rather than watch her drift away from me. Because there is still hope, she said.
Hope? I already gave her up. Alam niyo? Yan ang ayaw kong marining, yung may natitira pa namang pag-asa. Sumobra na ako sa pag-asa, lagi naman akong pinapaasa. Sinabi ko kay Jho na ayoko na, titigil na ako. Wala na ring saysay kung hahabulin ko siya, mukha lang akong katawa tawa. It only feels like I made my own romantic-tragic-comedy movie, that has real characters in it.
Sabi tuloy ni Jho, "Bahala ka, pag naging sila mas masakit yan." Dun, parang ginising ako sa sinabi niya. Oo nga, mas sasakit pala. Ano ang gagawin ko? Ayaw nga ni Jia sa akin... itong pagiging Bestfriends namin ay wala na rin. Truth hurts but we're back to being strangers again, with memories.
Bahala na si Lord. Yan na lang ang inisip ko. Pagod na akong mag-drama kaso hindi ko magawang pigilan ang pag-drama ko, pati pagkain ko ngayon hindi ko magalaw. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, pati pangangatawan napapabayaan na. Sina Mommy nagtataka sa kung ano ang nangyayari sa akin at ito naman ako't nagsisinungaling. Dyan ako magaling, ang magtago.