Chapter 4

3K 68 1
                                    

"Ugh..."

Namulat ang mata ni Jia sa boses na yun. Nung gabi ng incidente ay nanatili siya sa Hospital kasama ang Nanay ni Bea para magbantay, gusto niya rin kasing hintayin ang pag-gising ng dalaga.

Pumasok ang Nanay ni Bea na may dalang pagkain nang makitang gumagalaw ang katawan ng Anak, lumapit siya at umupo sa tabi nito, "Bea, this is your Mom."

Tumingin sa kanya si Bea at nag-blink muna ng ilang beses habang tinitiis ang sakit ng tama niya, "Nasan ako?" Tanong niya matapos pagmasdan ang kanyang paligid.

"Hey..." Mahinang tawag ni Jia sa kanyang kaliwa, hinawakan niya ang kamay ni Bea, "Nasa Hospital tayo."

Medyo nalilito pa si Bea at pilit na pumuwesto ng pa-upo pero inalalayan siya nina Ji, "Ba't nandito ako?" Agad niyang tanong at kumunot ang noo, "Didn't I just..."

"You survived, Bei."

Na-realize niyang Mama niya ang nagsalita kaya't bumlangko ang mukha nito, "W-What a-are you doing here?" May halong inis niyang tanong kaya't hinawakan ni Jia ng mahigpit ang kamay niya.

"Look, I'm sorry for what--"

"Yung magaling mong Asawa? Nasaan? Sabi na nga ba, mas gugustuhin niya akong mamatay."

"Anak, wag na nating pag-usapan ang Ama mo. Mahalaga, ligtas ka. Ang daming nag-alala sa'yo, kami."

Bea softly laughed, "Maiintindihan ko sana kung sila lang..." Referring to her friends and teammates, "Pero ikaw? Kailan ka ba nagkaroon ng pake sa akin? Ah! Nung hindi pa ako nag-come out."

"Bei, this is not the right time--"

"She has to know, Ji!" Napasigaw si Bea at naramdaman ulit ang sakit ng sugat kaya napatigil siya sa susunod na sasabihin.

"Let her, hindi namin siya masisisi. It's all our fault."

"Pareho kayo ni Dad, mga walang pake. Sarili niyo lang inaalala niyo samantalang ako, ginagawang sunod sunuran. I've never even tasted the slightest bit of my freedom."

"Bea! Ano ba! Dapat magpapahinga ka at hindi yung sasabog ka sa galit." Tulalang nakatingin sa kanya si Bea at napalunok ng malalim si Jia. Hindi niya sinadyang taasan ito ng boses. Hinawakan niya ang mukha nito, "I'm sorry, ayoko lang uminit ang ulo mo." Walang reaksyon si Bea at inalis ang kamay ni Jia, napayuko na lang siya at hindi nagsalita.

"I guess, I should leave." Sabi nung Mommy niya at hinalikan si Bea sa noo, "Get well, if you only know. I'm really sorry." Huling sabi niya at pinunasan ang tumutulong luha bago tumalikod at umalis.

"Ba't niyo ako niligtas? Dapat patay na ako, it's the only way to end my suffering. Pagod na ako, bakit ganito? Sana hinayaan niyo na lang, mas okay pa yun. Ayoko na magdusa." Pagkatapos ni Bea magsalita ay niyakap siya ni Jia, "Pabigat lang ako eh." Umiiyak na din siya nun, hinigpitan niya ang hawak kay Jia at pinikit ang mata.

Makalipas ang ilang linggo ay bumalik sa dati ang lahat, may tampuhan parin sa pagitan ni Bea at ng kanyang Daddy kaya pinili niyang wag muna umuwi sa kanila. Malapit na ang UAAP Season pero kwestiyonable ang pagsali ni Bea dahil sa mga personal na problema, ini-engganyo naman siya nina Jia na sumali para makalimutan ang ibang problema at maka-focus sa paglalaro at pag-aaral.

"Sige na nga, sasali ako. Lakas niyo sa akin eh!"

Lumapit si Ella kay Bea, "Rinig niyo? Sasali siya?" Sabay binatukan ni Amy tapos nagtawanan silang lahat.

"Kailangang sampung beses niyang sabihin?" Ganti ni Amy at nag-kamot ulo tuloy si Ella.

Nakita nilang ginawi ni Bea ang kanyang tingin kay Jia. Umubo kunwari si Ayel at nag-whistle naman si Karen, at nalipat sa dalawa ang atensyon ng iba. Pinanuod lang nila ang eksena ng dalawa na masayang nag-kwentuhan, lambingan at tawanan hanggang sa mapa-sigaw si Marge na tumigil sa ginagawa ng dalawa.

"Lang hiya 'to! Panira naman!" Kamot ulong sabi ni Jamie.

"Ay! Eh kasi, magtetraining na po tayo?" Ngiting patanong na sagot ni Marge at tinuro si Coach Tai, nagsisimula na siyang magbato ng bola sa court.

"Mamaya na landian, Lovebirds!" Asar ni Maddie sa dalawa.

"Baka!" Sabay nilang sabi at hinila ni Jia si Bea para tumayo.

"Yes! Kailangan manghila pa."

"Siyempre naman, Mareng Karen! Kailangan magpa-lambing 'tong si Pareng Bea kay Mareng Jia." Pabirong sabi ni Therese tapos tumawa nang sabunin siya ng tuwalya ni Maddie sa mukha, "Ano nanaman?!"

"Training na 'te!" Mataray na sabi ni Maddie at umiling si Karen kay Therese.

"Pasensyahan mo na yan sila, may topak eh." Natatawang sabi ni Bea.

"Sanay na ako." Ngumiti sila pareho at di namalayang nagkatitigan na hanggang sa pumalakpak si Alyssa sa kanilang harapan.

"Kids? Okay na titigan?" Tanong ni Alyssa at mabilis na lumakad patungo sa magkaibang direksyon ang dalawa.

Pagkatapos ng training ay sabay lumabas si Bea at Jia, nakasalubong nila si Miguel, kaibigan ni Jia.

"Hi! Hi, Jia!" Ngiting bati nito at binati siya pabalik ni Jia. Straight face lang si Bea at tumango kay Miguel. Bakit kay Jia binanggit ang pangalan? Wala ba akong pangalan? "Uhm, Ji?"

"Bakit?"

"Gusto sana kitang yayain for lunch? Pwede ka ba?" Aba 'tong monggi na 'to! 'Di ba niya nakitang may kasama si Jia? Isip ni Bea at mas sumeryoso ang mukha pero ngumiti kunwari nang tignan siya ni Jia for approval.

"Bei, ayos lang ba sa'yo? Gusto mong sumama din?"

"HINDI!" Malakas niyang sabi kaya napatingin sa kanya si Miguel, "I-I mean, sige! Go ahead, sama na lang ako kay Karen tutal magkaklase din kami." Halos mapamura sa inis si Bea at patagong sinamaan ng tingin si Miguel. Ayaw niya din magmukhang bastos kaya pumayag siya.

"So, Ji... let's go?"

Let's go ka pa dyan! Arte! Pwede naman i-Tagalog! Huminga ng malalim si Bea habang pinanuod ang dalawa na lumayo sa kanya. Kilala niya si Miguel, balita nga na may lihim na pagtingin ito kay Jia. Hindi maiwasan ni Bea ang selos pero tinatago niya rin para hindi malaman ng iba.

"Great! Bea! Freakin' great!" Tinaas ni Bea ang dalawang kamay niya sa pagka-irita bago umiba ng daan, dapat sila ni Jia yung mag-lunch kasi. Secretly, she's hoping na sana mabilaukan si Miguel dahil matakaw ito kumain para mailang si Jia sa kanya.

It didn't happen...

At the end of the day, tinawanan lang siya ni Karen sa pagka-badtrip niya.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon