Kabanata 04

5 2 0
                                    

Kabanata 04

"Ewan ko sa 'yo, Hector." natatawang iling ni Papang nang matapos magbiro ng anak niyang si Tito Hector.

Tahimik akong nakikinig sa mga tawanan at kwentuhan nila. Masayang kumakain ang mga pinsan ko. Katabi ko sa left side si Daddy habang nasa right side ko naman si Theo na tulad ko ay tahimik lang din.

Minsan ay sumasali ito sa usapan kapag tinatanong nila Papang at ng mga Tito at Tita namin pero most of the time, he was silent as he eat his foods.

"Theo will take architecture at sinabi niyang gusto rin niyang maging engineer." kwento ni Tita Marisa.

Masayang tumawa si Papang at sumulyap sa katabi ko.

"Pagbutihin mo ang pag-aaral mo apo." anito.

Theo stopped eating and he smiled at Papang, he nodded, "of course, Pang."

"How about you Josh?" baling ni Tita Marisa sa maingay na si Josh katabi kasi nito si Trish na walang palya na dinadaldal siya kaya walang nagawa ang huli kundi ang kausapin ito. Tumikhim si Josh at magalang na sinagot si Tita Marisa.

"Business, Tita. Pero pinag-iisipan ko rin ang pagkuha ng accounting, kaso baka maaga akong mamatay kapag mag-a-accounting ako." anito at tumawa, Tita Marisa laughed with Josh gracefully. Sunod akong binalingan nito.

"How about you, Dawn?"

Binaba ko ang kubyertos na hawak at akmang sasagot nang matigil din agad. "Wala— "

"Sana naman ay may pangarap ka nang masuklian mo ang paghihirap ng kapatid ko sa 'yo, he invest a lot for you, he have high hopes for you, sana ay huwag mo siyang bibiguin." anito.

"Ate Marisa." si Dad.

I bit my lower lip. Wala pa akong sinasabi pero may nasabi na ang iba tungkol sa akin.

I laughed bitterly inside my head.

Halos lahat sila ay nakatingin na sa akin. Tita Marisa's statement is actually harmless, pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pang-iinsulto sa tindig at bigat ng mga salita niya, isama mo pa ang parang nang-uuyam na tingin nito sa akin kanina, I felt so small when it comes to her. I felt useless when she's around. I felt like I'm not part of the family at all when she starts to make her insulting words and moves at me.

"Sa totoo po ay hindi pa ako sigurado sa kurso na kukunin ko, pero maaasahan niyo po ako na babawi sa lahat ng paghihirap ni Daddy sa akin." Kahit hindi niyo po sabihin ay iyan mismo ang gagawin ko.

Gusto ko iyong sabihin sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko, I am trying to pleased her in my entire life pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin nito sa akin, it is still the same. She's kicking me down.

Ngumiti lang ito sa akin at nagpatuloy ulit sila sa pagkain at sa mga kwentuhan nila. Daddy turned to me and I smiled at him for him not to worry, sa ganitong bagay ay ngingiti ako kay Daddy para lang sabihin na maayos ako at kaya ko pa.

I am strong after all.

Hindi ko hahayaan na ang pamilya ko ang hihila sa akin pababa.

Kahit hindi ako nag-e-excel sa pag-aaral ay gusto ko pa ring bumawi kay Daddy kahit hindi nito iyon hinihingi sa akin, I want to make him proud, kahit siya lang ang maging proud sa akin ay ayos na ako.

He's the only person I got anyway.

Nang matapos kami sa pagkain ay nagkaniya-kaniya ang mga tao roon. Ang mga matatanda ay nagsama para ipagpatuloy ang pagku-kwentuhan, samantalang kami ng mga pinsan ko ay nag-umpisa ng gumawa ng apoy para sa bonfire namin mamaya.

Taking You Back (Boy Series #2) (On Going) Where stories live. Discover now