Kabanata 05

9 2 0
                                    

Kabanata 05

Everything fucked up that day. Kahit ano ang paliwanag ko na hindi akin iyon ay walang naniniwala sa akin.

Sinubukan kong hanapin ang scratch paper ko pero wala akong nahanap, nagbabasakali akong maari akong maisalba ng maliit na papel na iyon. Kung ano ang itsura ng loob ng bag ko no'ng araw na 'yon ay ganoon pa rin naman, pero pakiramdam ko ay parang may nangialam. Parang may mali.

"Miss, this is the truth, this paper is not mine. Miss please-"

"We have enough proofs Ms. Aguason. Bakit ba pilit mo pang tinatanggi ang kasalanan mo?" anito.

Gusto kong umiyak sa harap nito pero pinigilan ko.

Hindi ako matutulungan ng pag-iiyak sa ngayon, at alam kong kahit umiyak ako ng dugo sa harap niya ay hindi pa rin nito babawiin ang naging desisyon tungkol sa hindi ko pag-graduate.

"I am insiting it because this is not mine! Miss, paniwalaan niyo naman po ako. I studied hard for the exam, wala nga sa isip ko ang mangodigo. I want to show my result to my Dad, kung makakuha ako ng mataas o kahit average man lang, I wanted to brag my grades to him, iyong grade na pinaghirapan ko for the first time. Miss, please. I needed to graduate."

Ang matigas nitong tingin sa akin ay hindi man lang nagbago, she really made up her mind, huh?

Umiling ako.

"I'm sorry. This is my final decision. Now leave, Ms. Aguason."

Wala akong nagawa kundi ang umalis doon. No one believed me. I was telling the truth but they didn't believed dahil lang sa may hawak silang pruweba. Idinidiin nila sa akin ang kasalanang hindi ko naman ginawa.

Yes! I didn't care about my studies pero masasabi ko naman na alam kong magsumikap para makuha ang deserve ko. I didn't take my studies that much but I still want to at least get a passing grades! At kukunin ko iyon gamit ang paghihirap ko at hindi sa paraan tulad ng pangongopya o pangongodigo na idinidiin nila sa akin ngayon!

Tumakbo ako sa likod ng campus at doon muna namalagi. Wala na akong ganang pumasok. Nagsisimula na rin akong mawalan ng gana sa pag-aaral.

It doesn't mean that I've got a good thing for the first time doesn't mean I cheated!

It doesn't mean that I played dirty!

Mga paniniwala at pag-iisip nga naman ng mga tao oh, sobrang taliwas sa reyalidad at katotohanan.

Nilabas ko ang cell phone ko at sinubukang tawagan ang taong laging naniniwala sa akin. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag.

Sinalubong ako ng maligayang boses nito pero naging daan iyon para maging emosiyonal ako.

"D-Dad..."

"Oh, something is wrong?" he asked worriedly.

"I need you now, Dad." gamit ang maliit na boses, sinabi ko 'yan.

The next thing I know was I was in the car and I basically ditched my few remaining classes.

Tahimik si Daddy na nagmamaneho. Pagkatapos kong sabihin na kailangan ko siya ay binabaan niya ako ng tawag, at ilang minuto lang ay naka-receive ako ng text mula sa kaniya na nasa harap siya ng campus at hinihintay ako.

Taking You Back (Boy Series #2) (On Going) Where stories live. Discover now