Kabanata 09

1 0 0
                                    

Kabanata 09


"Sandali!"

"Oo na! Huwag nananapak!"

"Atat ka kasi e! Alam mong kausap pa ni Theo si Aunt Marisa!"

"Hindi ko naman nilabas!"

"Tumigil nga kayo!"

"Shhh!"

Natigil sa pagtatalo si Josh at Criza nang pumasok si Aunt Marisa sa room namin. Nakasunod dito ang dalawang anak. Tumingin sa amin si Trish at sumenyas na manahimik. Agad naman naming nakuha ang gusto nitong sabihin kaya palihim kaming tumango sa kaniya.

'I won't tell her'

She mouthed.

"Ilang bote 'yan, Josh?"

"Dalawa lang po, Aunt—" agad na natikom ni Josh ang bibig at gulat na tumingin kay Aunt Marisa.

My other cousins groaned in annoyance because of Josh.

"Iisa na nga lang ang buhay tatanga-tanga pa." My other cousins commented.

Umiling-iling si Theo habang nakangiti.

Bumuntonghininga si Aunt Marisa. "Just know your limitation, kids," anito sabay tingin sa anak na si Theo at ngumiti. "I'll  go ahead." Lumabas ito at iniwan ang mga pinsan ko na nakatanga sa pintong nilabasan nila ng bunsong anak na si Trish.

Kinalabit ako ni Josh. "Anong sabi?"

"Know your limitation daw." sagot ni Raven.

"Ibig sabihin...?"

Napatakip ako ng tainga nang maghiyawan ang mga pinsan ko. Sumampa ang mga ito sa kama at nagtatatalon pa.

Akala mo naman ito talaga ang unang pagkakataon nilang uminom ng alak.

"Shut up na nga, mga pilengera kayo, parang hindi pumupuslit ng inom kapag walang nakatingin, ha."

"Nakaka-offend 'yong 'kids' ha, pero I'll make it past!" Si Ate Aleeza at sumabay na sa pagsasaya ng mga pinsan namin.

Lumabas na kami ng kwarto namin. Sakto naman ang pagbukas ng katabing kwarto kung saan mamamalagi ang mga kaibigan ni Theo na inimbitahan niya. Matamis ang ngiti sa akin ng isang kaibigan ni Theo na lalaki. He got earring.

I didn't smiled back, though. Sa circle of friends ni Theo, siya lang ang nag-iisang walang rumors of cheating, nor dating.

Theo's been single for years, ang last nitong ex ay napaka-toxic na maski kamag-anak ni Theo ay pinagseselosan.

Kumapit ako kay Josh at sabay kaming tumakbo sa dalampasigan. Tulad ng nakasanayan namin ay gumawa ng apoy si Theo sa ilalim ng mga puno ng niyog. Naupo ako sa isang duyan doon. Umusog ako nang sumiksik si Josh sa tabi ko.

"Epal." I rolled my eyes. He laughed.

Bumalik sa hotel room si Ate Aleeza at ang iba pa para kunin ang mga pagkain at inumin. Nagpaalam ang dalawang tatlong babae na kaibigan ni Theo na may kukunin din sa room nila. Binulungan ng isang lalaki ang isang babae, tumango ito bago sumunod sa dalawang kasama.

Mag-isa akong babae na naiwan doon. Abala si Theo sa paggawa ng apoy. Si Josh na nasa tabi ko na abala sa pagkuha ng mga pictures. Ang tatlong lalaki na kaibigan ni Theo na naging abala sa pag-aayos ng mesa, at ako na pinapanood ang mga ito.

Hindi sa ayaw kong tumulong, ayaw ko lang na mangialam, at understandable naman ang rason na iyon.

"Anong pangalan no'ng nakaputing damit?" tanong ko kay Theo nang lumapit ito sa akin.

Taking You Back (Boy Series #2) (On Going) Where stories live. Discover now