Kabanata 06

3 2 0
                                    

Kabanata 06

Tumigil ako sa paghuhugas ng mga kamay at mariin na pinikit ang mga mata. Huminga ako ng malalim at inulit pa iyon ng ilang beses, nang hindi mapakalma ang sarili dahil sa umuusbong na inis dahil sa mga naririnig mula sa ilang cubicle sa loob ng ladies restroom kung nasaan ako ngayon.

Kanina ko pa rinig ang mga bulungan ng mga ito, kung pwede lang na pasukin ko ang isang cubicle at ingudngud ang isa sa kanila sa inidoro ay kanina ko pa ginawa.

Alam ko naman na ako ang pinag-uusapan ng mga ito, hindi man nila binanggit ang pangalan ko o ilang detalye tungkol sa akin ay mahahalata na agad na ako ang usapan nila.

Hindi naman kakalat ng mabilis ang mga issue sa campus na ito kung hindi no'n bitbit ang maganda kong pangalan.

Well, maliban na lang kung bigla na lang nag-drop out ang isang estudyante dahil buntis o ano, o kaya nakipagtanan pero sa kabilang sityo lang naman namalagi.

Mga tao nga naman ngayon, mas inuuna pa ang makiusisa at magbigay ng mga opinion.

"What a petty." I heard them whispered.

Mariin kong hinawakan ang faucet at gigil na pinihit iyon pasara. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at hindi ko maiwasang dumapo ang mga iyon sa dalawang babae na sabay lumabas ng cubicle at agad na dumeretso sa tabi ko para maghugas ng kamay. Nagkumpol silang dalawa at patuloy pa rin sa pag-uusap tungkol sa issue ng isang estudyante na nag-cheat sa exam para lang makapasa. At ako 'yon, wala naman akong nababalitaan na may gumawa rin no'n sa ibang section o ibang grado.

"Kung ako iyon, hmmm, ano nga ba ang gagawin ko? Ahh! I'll definitely drop out, nakakahiya!"

"Same. Nangodigo ka para lang makapasa?"

Daldal ng dalawa saka lang yata napansin ang presensiya ko nang maramdaman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Tumikhim sila at pasiring na inalis ang tingin sa akin bago ulit nagpatuloy sa naudlot na usapan.

"Well, sabi ng prof ko no'ng grade school ako, kung mangongodigo ka, siguraduhin mong hindi ka muhuhuli."

Marami pa ang mga sinasabi ng mga ito sabay tingin sa akin.

I took a deep breathe and calmed myself. Inayos ko ang buhok ko bago ako humarap sa mga babaeng kasama ko sa restroom na kung akala mo ay wala ako rito at malakas ang loob nilang pag-usapan ako.

Hindi ko alam kung kilala ba nila ako o talagang makapal lang ang mukha ng dalawang ito na pag-usapan ako sa harap ko mismo.

Sa dami ng offence ko dala ng pakikipag-basag ulo, hindi lang sa mga kaklase o kapareho ng grado, kundi pati na rin sa lower and higher grade level, minsan nga ay umaabot pa ako sa kanto-kanto at ilang paaralan malapit sa amin, kaya 'di na ako magtataka kung matunog ang pangalan ko sa kanila.

Siguro nga pinaglihi sa pwet ng kaldero ang pagmumukha ng dalawang ito. Maitim at makapal.

Look who's talking.

Aminadong makapal ang mukha pero hindi maitim ang budhi.

"Bakit? Ano ba ang nangyari sa estudyante na nangodigo raw?" pagsasali ko sa usapan ng mga ito.

Taking You Back (Boy Series #2) (On Going) Where stories live. Discover now