Chapter 15

2.1K 71 3
                                    

Rosana's Pov:

Wala pang 6:00 ng umaga gising na lahat ng tao sa mansyon lahat talaga ay naghahands para sa kasal ni Ms.Tiana

4:00 ng umaga nagising na ako para makapagimpake ng dadalhin ko pauwi

Kinuha ko ang painting na ginawa ko para kay Kyade at kinuha ito para ipuslit sa kanyang kwarto

Paglabas ko ng aking silid dahan dahan akong lumakad papuntang taas kinakabahan pa ako na baka magtaka sila manang kung anong gagawin ko sa itaas ng ganito kaaga

Ng matapat sa pinto ni Kyade binuksan ko ito at sumilip muna ngunit may narinig akong lagaslas ng tubig kaya pumasok na ako

Sigurado ako na hindi sya dito aayusan dahil sa guest room nakalagay lahat ng make-up at wedding gown nito

Nilagay ko ang painting ko sa cabinet nito para king sakaling may pumasok man hindi nila makita at kinuha ang sulat na nasa bulsa ko

Bago ako lumabas napasulyap muna ako sa malaking frame nito at napangiti

Paalam Kyade...

Kyade's Pov:

Ilang oras nalang ang hihintayin ko at tuluyan ng mabubuo ang pangarap ko ngunit bakit ganun hindi ko ramdam na masaya ako

Patuloy na pumapasok sakin si Ana at ang anak ko sakanya hindi ko alam ngunit alam ko sa sarili kong nagdadalawang isip na ako

"Ms.Christiana lalabas po muna kame"sabi ng make-up artist ko tumango lang ako at bumuntong hininga simula kanina ay hindi ko pa nakikita si Ana kahit man lang sana sa huling pagkakataon makita ko siya

Alam kong ako ang may sabing umalis na sya sa araw ng kasal ko ngunit pakiramdam ko ako ang natatalo sa sarili kong laro

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto ng guest room at nakita ko si kuya na nakangiti ngunit di ko magawang ngumiti pabalik

"Alam mo siguro dahil magkakambal tayo at ako ang kuya kaya alam ko kung kailan may bumabagabag sa isip ng kakambal ko, bat parang di ka nman masaya?"tanong nito at umupo sa tabi ko

"Hi-hindi ko alam kuya nalilito na ako"sabi ko sabay buntong hininga

Agad naman nya akong inakbayan "alam mo Kyade kung ano ang mas sa tingin mong magpapasaya sayo dun ka,kung san sa tingin mong magiging komportable ka dun ka,kung san mas sa tingin mong magiging malaya ka at hindi mo kakailanganin makikibagay sa iba dun ka,kung san mas sa tingin mong pangmatagalan dun ka,at dun ka sa alam mong hindi mo kailanman pagsisihan.Minsan Kyade ang mga pangarap mali ang naiidulot sa atin,minsan naman ng dahil sa mga pangarap nauudlot ang mga gusto talaga natin gawin sa buhay hindi masamang mangarap ngunit ang masama kung hindi na ito mula sa puso"mahabang sabi nito

"Ayan nakasuot ka na ng magarbong gown,naka make-up,and you will end up marrying the man you always dream pero ang tanong masaya kaba?masaya ang isip mo siguro oo pero masaya ba ito?sumasangayon ba sya?"tanong nito habang tinuro ang dibdib ko

Umiling lang ako bilang sagot at yumuko ngunit napaangat muli ako ng narinig ko itong ngumisi

"Kyade matanda ka na alam kong alam mo ang sagot inilalaban mo lang ang pangarap mo may oras pa Kyade dahil sa oras na pinili mo ang maling desisyon maaaring pagsisihan mo buong buhay mo"sabi nito at tinapik muna ako sa balikat bago tuluyang lumabas ng kwarto

Hindi ko na alam ang aking pipiliin kung ang pangarap ko ba o ang ikakaligaya ko

Ilang sandali pa pumasok na ang mga make-up artist ko

My Gay Boss Made Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon