Epilogue

2.3K 50 0
                                    

Third Person's Pov:

8 years later..

Nakatanaw ang babae sa labas habang nakasakay sa loob ng sasakyan habang nakangiti hindi akalain ng babaeng ito na darating pa ang araw na ito ilang buwan at taon na lumaban, 4 taon nanatiling natutulog habang pilit na gumigising hindi niya akalain na isang araw makakaya nya gumising para sa mga taong mahal nya

Pagmulat ng kanyang mga mata marami ng nagbago ang mahal nya na dati ay bakla ngayon ay maikli na ang buhok tulad nya na gupit lalaki dahil sa chemotheraphy,ang mga anak nya na huli nyang nakita pagkatapos nyang isilang ngayon ay lumaki na at gumwapo pa,at ang kanyang kapatid na dati ay nagaaral pa ngayon ay ganap na piloto na

Gusto niyang magpasalamat sa mga taong hindi sya sinukuan lalo na sa kanyang asawa na kahit sinulatan nya na na handa na sya ay hindi bumitiw at patuloy na naghintay at hinawakan ang kanilang salita na

Whatever it takes...

Rosana's Pov:

Pagkalabas ko sa sasakyan ay agad akong inalalayan ng babae at inayos ang gown ko

"congratulations po ma'am"nakangiting bati nito sakin

"salamat po"sagot ko dito at napatingin sa dagat tinupad ni Kyade ang gusto kong kasal kahit ilang taon ang lumipas tulad ng pagtupad ko halos 5 taon akong lumalaban sa sakit ko 4 na taon din akong nabalot ng dilim gusto kong sumuko ngunit pagnaririnig ko ang boses ni Kyade at ng mga anak ko ay nagkakaroon ako ng sapat na lakas upang lumaban

Himala raw kung matuturing sabi ng mga docktor na sa 4 na taon na pagkacoma nagising pa ako

Do you love the rain, does it make you dance
When you're drunk with your friends at a party
What's your favorite song, does it make you smile
Do you think of me

Nagsimula na akong maglakad sa red carpet at nakita ko si Kyade na nakakagat labi habang hinihintay ako napakagwapo nito at kisig sa edad nitong 35 habang ako ay 28 na tumanda na ako ngunit pandak pa rin hehe

When you close your eyes, tell me, what are you dreamin'
Everything, I wanna know it all

Napatingin naman ako kay Ross na ngayon ay nakangiti sakin hayy ang bilis lumipas ng panahon dati ay uhugin pa ito pero ngayon aba gwapo na piloto pa tinanguan ko ito at ganun din ang ginawa nito sakin

I'd spend ten thousand hours and ten thousand more
Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours
And I might never get there, but I'm gonna try
If it's ten thousand hours or the rest of my life
I'm gonna love you

Napatingin naman ako kay Kyadel na kakambal ng asawa ko na ngayon ay tumanda na rin ngunit wala pang asawa kung pwede pa siguro akong manganak baka na kailan na si Kyade sakin ngunit si Kyadel ay wala pa rin masyado kasi itong nagseryoso sa pagiging doktor magmula ng iwan nito ang modelling sa sobrang pagseseryoso na kalimutan ata nya na binata pa sya napailing nalang ako at sinagot nya naman ito ng iling

Do you miss the road that you grew up on
Did you get your middle name from your grandma
When you think about your forever now, do you think of me

"you look so beautiful aww iha"sabi ni mommy Cythia sakin kaya napangiti ako

"salamat po mommy"nakangiti sagot ko sakanya

"siguradong masusundan agad ang kambal sa ganda mo ngayon anak"birong sabi naman ni Daddy Draco sakin kaya namula ako agad naman itong hinampas ng pamaypay ni mommy Cynthia

"ikaw talaga Draco alam mo namang hindi na pwede dahil dalikado makontento ka nalang sa mga apo mo"sita ni Mommy natawa nalang ako at naiiling dahil sa kakulitan nila

My Gay Boss Made Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon