Chapter 18

1.6K 37 2
                                    

Rosana’s Pov:

Pagdating ng 6:00 ng gabi nakatapos ako sa pagluluto kaya agad akong naghain at tinawag sila agad akong pumasok sa kwarto upang gisingin si Kyade

Pagpunta ko sa kwarto ko  umupo ako sa kama hindi ko maiwasan hindi titigan ang kanyang mukha kaya hinaplos ko ito dati ay nangangarap lamang ako na kami ng anak nya sana ang piliin nya ngunit di ko lubos akalain na pipiliin nya kami laban sa kanyang mga pangarap

“tapos ka na bang kabisaduhin ang buong mukha ko?”biglang tanong ni Kyade at dahil sa gulat napatayo ako

“pasensya ka na Ky-kyade ano kasi eh kakain na kaya gigisingin sana kita eh”utal na sabi ko kaya napailing ito habang nakangisi pa at tumayo sa kama

“susunod ako maghihilamos lang”sabi nito at dumaretcho palabas ng kwarto pero muli itong huminto “kung gusto mong hawakan ang mukha ko sa susunod magsasabi ka lang ha”nakangiting sabi nito sabay kindat at lumabas na ng kwarto kaya hindi ko maiwasan hindi kiligin dahil sa kanyang mga kinikilos mukha syang tunay na lalaki

Palabas na sana ako ng kwarto ng bigla akong makaramdam ng kirot sa kaliwang dibdib ko kaya napaupo ako sa kama at sinapo ko ito at nilabas ang dibdib ko at dun ko nakita ang matagal ko ng bukol dito matagal ko na rin itong iniinda ngunit binabaliwala ko lang dahil dagdag gastos lang kung ipapatingin ko pa ito sa doctor

Tumayo na ako ng mawala na ang kirot sa aking dibdib at lumabas sa kwarto ng makarating sa kusina nakita ko ang dalawa na naghihintay sakin kaya nginitian ko sila

“ate bat ba ang tagal mo?”tanong ni Ross

“wala may inayos lang akong gamit ko hali  na magdasal na tayo para makakain na masamang pinaghihintay ang pagkain”sabi ko kaya nagdasal na kami at ng matapos ay kumain na kami agad ko naman sinandukan si Kyade ng kanyang pagkain

“ate may kamay yan atsaka matanda na yan para ipaghain pa”biglang sabi ni Ross kaya napatingin ako dito

“your brother is right Ana I can manage this don’t worry alalahanin mo ay ang sarili mo remember your pregnant”sabi sakin ni Kyade ngunit umiling ako at nagpatuloy

“hayaan nyo na ako gusto ko tong gawin”sabi ko at binigyan ng kanin si Kyade pati na rin si Ross kaya napailing nalang sila ng  matapos ko silang paghainan ay sumandok na ako ng pagkain ko at akmang kakain na ng mapansin kong hindi pa kumakain si Kyade at nakatingin lang sa kanyang plato kaya hinawakan ko ito sa kamay dahilan para mapatingin ito sakin

“ayaw mo ba ng ulam Kyade?”tanong ko dito na kaagad nitong ikinailing

“no it’s not like that it’s just  that I’m not familiar with the food”sabi nito kaya sasagutin ko na sana ito ng biglang sumabat ang kapatid ko

“sardinas yan in english SARDINES kung ayaw mo nyan walang problema wag kang kumain tutal naalibadbaran ako sa presensiya mo”sabi nito at sumubo kaya agad ko itong binatukan

“wag mo nalang pansinin yan Kyade kung ayaw mo ng ulam magsabi ka lang at ipaghahain kita ng ibang putahe”

“no it’s ok gusto ko syang matikman”sagot nito sakin at tumikim ng sardinas sabay pa nmin hinintay ni Ross ang kanyang reaksyon “amm not bad but too salty”sabi nito kaya napangiwi nalang ako at si Ross ay napailing nalang

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng bigla akong may naalala “ahhh ehh Kyade may dala ka bang damit?”tanong ko dito kaya napatigil ito sa pagsubo

“actually wala eh hindi ko naman kasi napaghandaan”sagot nito kaya napatingin ako kay Ross upang sabihin na pahiramin nya muna ng damit si Kyade ngunit agad itong nagsalita

My Gay Boss Made Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon