Chapter 24

1.4K 43 0
                                    

Rosana’s Pov:

“Ana wake up gising na you need to eat”rinig kong sabi sakin ni Kyade ngunit na natili lang akong nakapikit dahil pakiramdam ko ay puyat na puyat ako

“ate bumangon ka na dyan umaga na kagabi ka pa walang kain”sabi naman ni Ross

“ANA GISING!”sigaw naman ni Kyade kaya sa sobrang gulat ko nasampal ko ito

PAKKK

Kita ko ang gulat sa mukha ni Ross lalo na sa nakatabing mukha ni Kyade nakita ko rin ang kamay ko na bumakat sa kaniyang pisngi

“a-ate ba-bakit mo sinampal si kuya?”gulat at takang tanong ni Ross kaya napatutop nalang ako saaking bibig

“so-sorry Kyade ha ikaw kasi sumisigaw ka pa”sabi ko dito ngunit nakatagilid lang ang mukha nito sakin at nakahawak sa kanyang pisngi

“bat parang kasalanan ko pa?ginigising lang naman kita eh para makakain na kayo ng mga anak naten dahil kagabi ka pa walang kain pero bakit mukhang kasalanan ko pa?”sabi nito at lumabas na ng kwarto habang hawak ang pingi na nasampal ko

“Kyade!”tawag ko dito ngunit nakalabas na ito kaya napabuntong hininga na lamang ako

“magsorry ka kuya ate ha sge na mauna na ako may klase pa ako eh…bye mga pamangkin school muna si tito pogi”paalam ng kapatid ko at humalik sa tiyan ko

“osya magingat ka ha wag magpapalate ng uwi”sabi ko dito kaya tumango ito at humalik sa aking noo bago lumabas ng kwarto

Ng maiwan ako sa kwarto saka naman bumalik ang mga alaala ko sa nangyare kahapon na may cancer ako hindi ko alam ang gagawin sa totoo nyan natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin pero kakayanin ko lahat para sa mga anak ko kahit buhay ko pa ang maging kapalit

Ng makapaghilamos ako at nakapagayos ako ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Kyade na nakaupo sa lamesa hawak pa rin ang pisngi nya

“Kyade pasensya ka na ha wag mo kasi akong sisigawan pag tulog yan tuloy nasampal pa kita”sabi ko dito ngunit nanatili lamang itong tulala at nakahawak sa pisngi nito

“ang sama mo”tulalang sabi nito

“sorry na nga eh”

“ang sama mo”tanging sagot nito muli sakin kaya napangiti nalang ako at tumayo upang kumuha ng yelo at bimpo

Ng makakuha na ako ay tumabi ako sakanya at inabot ito sakanya

“oh ilagay mo diyan sorry ulit ha”sabi ko dito kaya napatingin ito sakin at sa hawak ko kaya kinuha nya ito

“sge na kumain ka na dyan”sabi nito kaya tumango ako at kumuha ng pagkain

“ikaw kumain ka na ba Kyade?”tanong ko dito bago sumubo nakita ko naman ang pagtango nito

“oo sinabayan ko si Ross kanina”sagot nito habang dinadampian ang pisngi nito kaya tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain

Ng matapos na ako ay agad akong tumayo at niligpit ang pinagkainan ko huhugasan ko sana ito ng pinigilan ako ni Kyade at kinuha sakin ang hugasin

“ako na rito baka mapagod kapa inumin mo nalang muna yang vitamins mo at baka makalimutan mo pa”sabi nito kaya hinayaan ko nalang sya dahil hindi naman ako mananalo sakanya

Nandito lang ako sa bintana ng kwarto ko nagiisip kung ano ng mangyayari sakin kapag lumabas na ang resulta ng biopsy ko napatingin ako sa mammogram ko at dun ko nakita ang tumor sa kaliwang bahagi ng dibdib ko

Halos magsisi ako kung bakit ba naman isinawalang bahala ko lang ito noon kung sana hindi ko ito isinawalang bahala edi sana hindi ito lala ng ganito

My Gay Boss Made Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon