CHAPTER 01
DESHA POV'S
"Get ready." ngisi niya.
NOOOO!
Pumikit ako ng malapit na ang mukha niya sa'kin. Mga ilang segundo ang lumipas bago ko napagtanto na walang labing tumama sa'kin. Ang tanging narinig ko lang ay isang halakhak.
Minulat ko ang mata ko at nakita kong halos mag ugtas katatawa si Demetrius.
Sabi na e!
Pinagtitripan nanaman ako ng kumag na 'to!
Kinuha ko yong unan at binato sa kaniya at agad namang tumama sa mukha niya.
"Nakakainis ka!!" tiling inis ko.
"HAHAHA why? Umasa ka ba? Eww! Never namang may mangyayari sa'tin." maarteng sabi niya.
Tinarayan ko naman siya at padabog akong lumabas ng kwarto namin at tumungong guestroom. Hindi ako makakapayag na matulog kami sa iisang kwarto. Kapal naman niya. Pft!
Mabilis akong tumungong banyo at naligo. Maaga pa pasok ko bukas. Hindi ko sasayangin yong oras ko para sa baklang Demetrius na 'yon. Kahit kelan! Walang ginawag matino! Puro pangtritrip lang ang alam!
Makakaganti rin ako sayong kumag ka!
Humanda ka!
KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa kalampag ng kaldero. Wait? What!?
Mabilis kong minulat ang mata ko at tumingin sa taong kumakalampag ng sandok at takip ng kaldero sa mukha ko.
Ngumisi siya at nagpameywang. "Good Morning Honey! Gising na at paglulutuan mo pa ako." mataray na sabi niya.
Nalaglag naman ang panga ko. "Paglulutuan? Wow! Ano ako? Katulong mo?" inis na sabi ko.
Kay aga aga sinisira niya umaga ko! Lord! Kunin niyo na ako now na! (╥_╥)
"Wala tayong katulong remember? Spoiled brat ka kasing bruha ka!" mataray na sabi niya.
"Teka nga! Bakit naman naging kasalanan ko aber? Huh!"
"Baka nakakalimutan mo, sinabi ni Tito na kailangan mong matuto sa gawaing bahay kaya hindi siya nagpa hire ng katulong natin! At baka nakakalimutan mo rin! Ikaw ang babae satin. First day ng pagiging mag asawa natin kaya paglulutuan moko." madaldal na sabi niya.
Bakit ba kapag dalawa lang kami napaka arte ng boses niya. Pero kapag sa ibang tao akala mo kung sinong santo. Lalaking lalaki yong boses na akala mo gentlemen, baliko naman.
Sa lahat ng tao at gay sa mundo siya pinaka ayaw ko.
May mga naging friends naman akong gay at talagang gustong gusto ko dahil mga mababait sila. May naging crush pa nga akong gay dati si Ace dahil napaka sweet niya sakin. Pero 'tong lalaking 'to? Ugrrh never mind. Paki lamon nalang ako ng lupa, now na. -,-
Inis na tumayo ako dahil naiirita ako sa boses niya.
Magluluto? Ni hindi nga ako marunong mag saing.
Sampo katulong namin sa bahay kaya wala akong problema, Pero ngayon mukhang magkakaroon na.
Nang makarating sa kusina ay pinagtitigan ko ito. Paano ko ba sisimulan 'to? Napakamot naman ako sa ulo ko.
Lumapit ako sa rice cooker. Inaalala ko yong mga araw na pinapanood ko si Manang Saly magsaing. Nang matapos malagyan ng bigas at tubig ay pinindot ko na 'yong button.
YOU ARE READING
That Handsome Teacher is my Gay Husband ( On going - slow update)
RomanceDarknessPenn Start: Feb 25, 2021 End: All Right Reserved. Cttro of the pic in book cover I used.