CHAPTER 02
DESHA POV'S
Badmood akong pumasok sa room. Nakasalubong ko naman ang best friend ko kaya para akong dinaanan ng bagyo. Sa lakas pa naman ng bunganga niya lahat mapapapiglas.
"Beshie!!" Masayang sambit ni Sera na best friend ko.
"Ka aga-aga Sera yong bunganga mo daig pa ang naka lunok ng sampong microphone." iritableng sabi ko.
Tinarayan naman niya ako. "Hindi ka pa nasanay. Ano na?" lumapit siya sakin at bumulong. "Kamusta honeymoon?" ngising sabi niya.
Mabilis akong ngumiwi sa tanong niya. "Nakakadiri ka sis. Hindi naman mangyayari 'yang iniisip mo." sabi ko at umupo sa upuan ko.
"Why not? Kasal kayo, natural sa mga bagong kasal 'yon." ani Sera.
"Sera naman, sa tingin mo papayag din ako mangyari yon? Alam mo change topic na nga. Lalo lang nasisira araw ko kapag napapagusapan 'yang tungkol sa kasal." inis na sabi ko.
She rolled her eyes. "Okay fine. Akala ko naman may naganap na honeymoon e ang aga niyo umalis sa reception kagabi." aniya pa.
Aba, hindi talaga titigil ang bruha kadadaldal.
(¬_¬)
"Ewan ko sayo. Ang daldal mo talaga." sabi ko nalang at kinuha ang mga notes ko at nag review.
"Nga pala, Akala one week honeymoon niyo bakit pumasok ka na agad?"
Pisteng yaw-
Kaibigan ko ba 'to siya!?
(.___.)
"Ayoko nga kasi mag honeymoon kaya pumasok na ako kaagad." pigil inis na sabi ko. Pigilan niyo ko baka masakal ko 'tong best friend ko.
"Pft halatang badmood ka nga talaga." ngiwi niya saka umayos ng upo.
Laking pasasalamat ko ng tumigil na siya katatanong about sa'min ni Demetrius. Inis na inis nga ako sa kumag na yon dahil makikita ko ang mukha niya araw araw. Sana naman kahit sa school lang hindi ko na siya makita.
Pero mukhang hindi talaga ako mapagbibigyan ng langit. Kasasabi ko lang ayaw ko makita ang bruhong 'to nandito na siya ngayon.
"Okay class, Take a seat." baritonong boses na saad ni Demetrius. Kapag nasa school talaga siya 'yong boses at kilos niya nag iiba. Pft.
"Good morning everyone." ngiting bati niya sabay tingin sa'kin. Inikotan ko lang siya ng mata. Naririnig ko naman ang pangungutya ni Sera sa'kin.
"Good Morning, Sir Deme." nakangiting bati nilang lahat maliban sa'kin.
I crossed my arms and legs. Bakit ko nga ba naging major teacher ang lalaking 'to. Nakakainis.
Nasimula siyang mag discuss habang ako nakatunganga lang sa notebook at naghihintay na matapos siya.
"Ms. Marines. Are you listening?"
Agad akong napapiglas ng marinig ko ang last name ko. or should i say dating last name ko.
Kinabahan naman ako ng makitang nakatingin lahat ng kaklase ko sakin habang si Sera ay palihim akong tinatawanan.
"Yes Sir. I'm listening." ngiting sabi ko.
"Make sure or else pupunta ka sa office ko mamaya." aniya at palihim ng ngumisi na kinainis ko.
YOU ARE READING
That Handsome Teacher is my Gay Husband ( On going - slow update)
RomanceDarknessPenn Start: Feb 25, 2021 End: All Right Reserved. Cttro of the pic in book cover I used.