CHAPTER 09
DESHA POV’S
Hindi ko namalayan ang oras dahil nakatulog ako habang pinapakinggan ang tibok ng puso ni Demetrius kanina. Agad kong minulat ang mata ko dahil late na ako sa next class.
Tatayo sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwal nito ang nakangiting si Demetrius.
He smiled well.
“Good Evening, My love.” he greeted me.
My eyebrows furrowed. “What? Evening?”
He nodded. Tumingin ako sa wristwatch ko. O my gosh! I skipped my 2 major classes! How silly I am.
“Chill, this afternoon the deans announced that's there no class after the lunch. Maaga pinauwi ang mga estudyante. Nagkaroon kami ng meeting para sa darating na Christmas break next week.” sabi ni Demetrius na ikinahinga ko ng maluwag.
Lumapit siya sa'kin at may inabot na pink hoodie.
“ano 'yan?” iritableng tanong ko.
“hoodie?” he said confused.
“I know. I mean ano gagawin ko dyan?”
“Isuot mo alangan naman kainin mo? Tanga mo naman kung kakainin mo 'yan.”
Arggh!
Kahit kailan talaga hindi mawala wala pagiging mukong ng lalaking 'to!
Inabot ko ang hoodie na binigay niya at sinuot.
“Kagigising mo lang ang taray-taray mo na. Halika na. Wala ka pang kain.” ani Demetrius at inabot sa'kin ang palad niya.
Ngumiwi ako at inabot ito. Magkahawak kamay kaming lumabas ng building nila. It's 5pm already. Wala na ngang katao-tao sa school, maliban sa mga janitor na nadaanan namin sa wild space na naglilinis.
“Magkakaroon ba ng program sa gaganaping Christmas party?” bahagyang tanong ko habang naglalakad kami.
He hold my hand tightly and kiss it. “Meron yata.” he answered.
Now he acting sweet again. tss.
Nang makarating sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse niya. “Sa'n tayo kakain?” excited na tanong ko.
“Secret.” nakangising sabi niya.
“Siguradohin mong masarap kakainan natin ah, kundi... ”
He look at me confused. “Kundi ano?”
I smiled evilly. “Kundi ikaw kakainin ko.”
Halos maluha ako katatawa sa isipan ko ng makita ang reaction ni Deme sa sinabi ko. He shocked and he choked on his own saliva.
“Don't tease me, My love. ” he sounds serious kaya natahimik ako.
Gagi joke lang naman e, ba't ang seryuso niya.
“Kung ganyan lang 'din naman consequences, dadalhin nalang kita sa 'di masarap na restaurant.” nakangising sabi niya na kinagulat ko.
Pinalo ko ng mahina braso niya na ikinatawa niya. “Oh bakit?” tumatawang tanong niya.
Argh! Kelan ba ako mananalo sa lalaking 'to sa pambuburaot.
“Tumigil ka nga, dalian mo na at nagugutom na ako puro ka kalokohan.” inis kong sabi.
“Sus, sinusubukan moko tapos ikaw pala takot.” aniya ay bumubungisngis habang nagmamaneho.
I crossed my legs and arms. He's so annoying.
Ilang minuto ang lumipas ng makarating kami sa isang beach resort. May ilang staff na nakaabang sa pinto ng hotel nila. Bumaba kami sa kotse and they smiled at me.
“Greetings couple, welcome to Fysla Beach Resort” they greeted us. May kwentas silang inilagay sa leeg namin. It's made by sea shells. I smiled sweetly and thanked them.
Humawak si Demetrius sa beywang ko at iginaya ako papasok sa loob.
Nang makapasok, My eyes filled with amazement. This place is so beautiful.
It's not usually a kind type of hotel. Not high class but a peaceful type one. Hawai na Hawai ang istilo na talagang marerelax ka kaagad sa unang tingin palang. Mula sa mga furniture na ginamit nila, sa tiles and glass. Unique!
“It's beautiful right?” Demetrius ask while looking at me.
“Super!” I said and looked at him.
I suddenly stunned when he touched my faces. “Beautiful, Just like you.” he said and kissed my forehead.
Para nanaman akong hinahabol ng zombies dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Mabilis akong umiwas ng tingin ng maramdaman kong uminit ang pisngi ko.
Pinalo ko ng mahina ang dibdib niya. “H'wag ka ng echosero.” saad ko.
He chuckled. “Sus aminin mo na kasing crush mo rin ako.” aniya na kinalaki ng mata ko sa gulat.
“Wow ah! Ako? Crush ka? Kapal mo.” mataray na sabi ko at naunang maglakad sa kaniya. Narinig ko pa ang tawa niya bago hinila ang beywang ko paliko sa kaliwa.
Nakarating kami sa restaurant nila. Napansin kong madami rin ang kumakain sa loob. Kung titingnan mo sa loob, it's look like a high class restaurant.
“Name sir?”
“Demetrius Ace Albrecht.”
“Please follow me sir.” nakangiting saad nung stuff at ginaya kami sa table namin.
“The food is already ready just wait for a moment we will serve it. Thank you. There's anything you want Ma'am and Sir?” ani stuff.
I pouted. “I want ice cream.”
Demetrius suddenly look at me while smiling. Parang na a-amaze s'ya sa nakikita niya sa'kin ngayon. Bakit? Masama ba?
“My wife want ice cream, do you have a ice cream?” Demetrius asked na staff. Hindi maalis alis ang ngiti niya sa labi. Nang aasar.
Sana pala hindi nalang ako humiling, pft.
“Yes sir, We have. Excuse me for a moment and I'll serve it.” saad nung stuff at umalis.
Umiwas ako ng tingin ng patitigan ako ni Demetrius.
“Ano ba! Tigilan mo nga katitig mo sa'kin.” inis kong sabi.
“Minsan ang sarap mo nalang halikan kapag nagpapa cute ka.” natigilan ako sa sinabi niya.
Ako? Nagpapacute? I'm not!
“Tss, puro ka kalokohan.” i said and i rolled my eyes on here.
“Ay kaloka, arte mo teh.” aniya at ginaya ang pagtataray ko sa kaniya. Hindi ko naman maiwasang matawa.
He really good at it.
“Yan, mas bagay kapag nakangiti ka.” he said and reached my hand.
“Even though you didn't like me yet but Desha always remember my feelings for you will never change. I won't force you but please let me allow to show my feelings and pure intentions to you.” he said with a serious tones.
Napalunok ako at napatingin sa kamay naming dalawa.
Hindi ko alam isasagot pero kung nagpapakatotoo siya ngayon, magpapakatotoo narin ako.
“Deme, I think... I started to like you too.” nayukong saad ko. Alam ko hindi pa buo 'yong pagkakagusto ko. Pero alam ko sa sarili ko unti-unti narin akong nahuhulog sa kaniya.
Napatunayan ko 'yon dahil sa mga nararamdaman ko. He is the reason why my heart bet so fast. He can make me blush, and He is the reason why the butterflies in my stomach were rumbling.
I only know one thing...
I'm starting to like Demetrius.
Ang baklang inaayawan ko sa lahat.
_______________
Darknesspenn
YOU ARE READING
That Handsome Teacher is my Gay Husband ( On going - slow update)
RomanceDarknessPenn Start: Feb 25, 2021 End: All Right Reserved. Cttro of the pic in book cover I used.