04

655 44 2
                                    

CHAPTER 04

DESHA POV'S


"Thank you sa paghatid." nakangiting sabi ko kay Zian ng makababa ako sa kotse niya.

Ngumiti siya sakin at kinindatan ako. "No problem. Pasok ka na muna bago ako aalis." aniya. Tumango nalang ako bago pumasok sa gate.

Pagsara ko ng gate ay may nakarinig ako ng pagtikim. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Deme na nakasandal sa gate.

"Anak ng tinapa! Papatayin mo ba ako sa gulat?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Wow ah!  Ang harsh mo masyado teh! Mukha bang pang horror 'tong gwapo kong mukha para magulat ka!" mataray na sabi niya.

"E syempre Oo ganyang mukha pa naman ang makikita ko sinong hindi magugulat." buwerta ko.

"Ang sabihin mo nagulat ka sa kagwapohan ko." mataray na sabi niya sabay nag filled ng imaginary hair.

Napaka attitude!

"Dalian mo na dyan! Magluluto ka pa ng dinner." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Seryuso ba siya?

"Siraulo ka bang bakla ka? Ako nanaman palulutuin mo? Ano sa tingin mo sakin? Katulong?" mataray na tanong ko ng makapasok ako sa bahay.

Umupo siya sa sofa na akala kung sinong señiorita. Kumuha ako ng unan at binalak siyang paluin ng mabilis siyang nakatayo.

"Oh! Oh! Kapag Zian akala mo kung sinong maamong tupa ka!  Sakin napaka impokreta mo!" mabilis na sabi niya at nagpanangga gamit ang kamay na akala mo nangangarati.

Geez!

Kapag dalawa lang talaga kami lumalabas ang pagkakabakla at kumag niyang lalaki.

"Ikaw na ang magluto!" sigaw ko.

"Bakit ako? Ikaw na! Pagod ako sa trabaho para buhayin ang pamilyang 'to tapos ikaw sumasabay lang sa kabet mo."

Hanudaw?

(—___—)

Jusmeyo, paki lamon na ako ng lupa now na!

"Anong pamilya?"

"Mwhehehe biro lang." aniya at nag piece sign.

"Para kang tanga Deme."

"Para ka namang sira!"

"Ikaw na magluto!"

"Ikaw na!!"

"Isa!!"

"Marunong ako mag bilang."

King ina. (-,-)

Bakit nga ba ako nagka asawa ng bakulaw. Sarap ipabenta kay satanas 'yong kaluluwa niya. Bwesit.

Padabog akong tumungong kusina at nagluto.

"Ano naman lulutuin ko dito?" inis na sigaw ko.

"Ako nalang dinner mo." narinig kong sigaw ni Deme mula sa sala.

"Yuck! No thanks, mas pipiliin kong kumain ng sunog kesa na ikaw kainin ko." nandidiring sabi ko.

"Ah kaya pala si Zian gusto mo kasi sunog! HAHAHA."

Grrrr!

Hindi sunog si Zian!

Moreno lang siya!

Palibhasa koreanong hilaw ang balat kaya ang lakas manlait!

"Alam mo Demetrius, puro ka Zian. Don't tell me gusto mo siya?" saad ko at kinuha yong kutsilyo bago tinapat sa kaniya kahit na napakalayo namin sa isa't isa.

That Handsome Teacher is my Gay Husband ( On going - slow update) Where stories live. Discover now