VIII

170 27 182
                                    

Chapter 8: Another heartbeat      

We’re now in a very awkward atmosphere. Nagpapalitan lang kami ng titig ni Elfie. Natameme rin siya nang masilayan si Lucio sa malapitan. Nakatayo kaming dalawa ni Lucio ngayon.

What should I do? I cleared my throat. “This is Elfie… Uh, Elfie this is Lucio. My f-friend…”

Nakita kong tumango si Lucio at ngumiti ng bahagya. “You’re Sina’s friend?”

Wala sa sariling tumango si Elfie. Sino ba naman ang hindi magugulat kung makikita niya ang taong hinahangaan niya sa malapitan.

“I’ll join you two,” ani Lucio saka naunang naupo sa kinauupuan ko kanina.

Tumikhim ulit ako at tinulak nang bahagya si Elfie para matauhan. Hindi naman siya natinag doon ngunit nakuha ko ang atensyon niya. Nilingon niya ako habang nakakunot ang noo.

“Usog. Uupo ako,” mahina kong sabi.

Pinanlakihan niya ako ng mata at tila sinusuway pa na tabihan si Lucio. Umiling-iling ako at nagpumilit.

“Hindi na kasya, Sina. May dalawang bag na,” rason niya.

Halos umirap ako sa dahilan niya. Bag na pala yung umuupo ngayon?

Binigyan ko siya ng matalim na titig. It screams fight. Lagot ka talaga sa’kin pag tayong dalawa na lang mamaya, El!

“Sit here. I won’t eat you, Sina.”

I sighed, mukhang wala talaga akong magagawa. Tumungo ako at umupo sa tabi ni Lucio. Nakita kong nagpipigil ng ngiti ang gagang kaharap ko. Nakakainis!

Nanaig ang katahimikan sa aming tatlo. Nagtagal iyon ng ilang sandali bago ko naalala iyong bayad. Kailangan ko talagang ipilit ito sakaniya. Kaya nilahad ko ulit iyong kamay kong may pera sakaniya.

I heard him groan, “I said keep it.”

“Magbabayad kami,” pagpupumilit ko.

Binigyan ko siya ng masamang tingin ngunit hindi na niya ako pinansin. I drifted my gaze at Elfie. Hiningi ko ang tulong niya na pilitin si Lucio na tanggapin iyon gamit ang titig. Kumunot lang ang noo niya at mukhang hindi pa niya nakuha.

“It’s my treat.”

Nakita kong nanlaki ang mata ni Elfie at talang hindi nakuha sa tingin ko, “Ah… really? Iyon naman pala, Sina. Libre raw!”

“Salamat sa libre, Mr. poging friend ni Sina!” dagdag nito bago ako nilingon. Mukhang hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin at dinagdagan pa ulit. “Magpasalamat ka rin, Sina my friend!”

Halos batukan ko siya sa inis dahil hindi niya talaga nakuha iyong ibig kong sabihin! Napailing-iling na lang ako at hindi na nagsalita pa. Ayaw ko na itong ipilit pa at baka ano pa ang masabi ko sa lalaking ito.

Binalik ko naman iyong pera ni Elfie sakaniya. Pagkatapos noon ay kumuha ako ng sanitizer sa bag at nilagay sa kamay ko. Pinasa ko iyon kay Elfie kasi alam kong kailangan niya rin iyon. Pagkatapos niyang kumuha roon ay agad niya namang ibinalik sa akin. Bago ko paman ilagay sa bag iyon.

Ilang sandali pa ay dumating na iyong inorder namin. Himala itong kaibigan ko ang bait ngayon.

Nilapag iyon ng waiter. Agad ko namang namukhaan iyon! Siya iyong crush ni Elfie na cashier nung kumakailan. Lumipat ang tingin ko kay Elfie na nakangiti ngayon sa lalaking waiter. Nakita kong kinindatan niya iyong waiter. Ngumiti ako sa ginawa ni Elfie. I immediately shook my head. Nakita kong namula ang pisnge ni Kuyang waiter at tila nahihiya na.

Drifting Memories (Negrense Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon