X

171 24 122
                                    

Chapter 10: Avoid 

Nakarating ako sa eskwelahan nang maaga. Nakita kong wala pang masyadong tao at tanging kami lang ata ni Sean ang nandito. He’s leaning against the wall like he’s bored or something. Hindi naman bago 'yon, palagi namang bored ang mukha niya.

Lumapit ako sakaniya ngunit hindi niya ako napansin. I tilted my head to find out what he’s doing. Mukha kasing nakatingin siya kung saan. Agad naman siyang nagulat nang mapansin ako kaya may tinanggal siyang kung ano sa dalawa niyang tenga. It’s his ear pods. I guess I interrupted whatever he’s listening to.

“Good morning, nasaan iyong iba?” bati ko.

Tipid siyang ngumiti. “Good morning, wala pa sila pero nasabi sa akin ni Sir Alfredez na pumunta ka raw muna sa opisina niya.”

Wew. That was long. Nakakapanibago ngunit tunog pa rin robot naman ‘yon. Parang pinaghandaan ng isang linggo kasi mukhang sauladong-saulado.

Pero sabi niya ay pinatawag daw ako. Bakit kaya?

“May ideya kaba kung bakit niya ako pinatawag?” taka kong tanong.

He shrugged his shoulders. Tinanguan ko na lang ang naging sagot niya at tumungo ro’n sa opisina ni Sir Alfredez. He’s one of the advisers who suggested me to take a scholarship. I knock twice when I reached infront of his office’s door.

“Come in,” ani Sir Alfredez mula sa loob.

Pinihit ko ang pinto at dahang-dahan pumasok sa loob. Agad na nakuha ng aking atensiyon iyong mga nagkakalat na mga papeles at mga boxes sa kaniyang opisina. Nakaupo siya sa kaniyang silya habang abala sa pag-aayos ng mga nakatambak na papers sa lamesa niya.

Inangat naman niya ang tingin niya sa’kin. “Oh, you’re here. Perfect timing.”

“Good morning, Sir. Pinatawag niyo raw ho ako.” Bati ko sakaniya.

“Goodmorning, nasaan si Sean?” dagdag nito.

“Uh, nasa labas po siya…”

“Call him please. Sinabihan ko siya kanina na hintayin ka bago tumungo rito. I think he didn’t get what I said.”

Agad naman akong tumango. “Sige, sir.”

Nang makalabas ako sa opisina ni Sir ay agad na hinanap ng mata ko si Sean. Good thing he didn’t left, kundi ay mahihirapan akong hanapin siya. Hindi pa naman kami close para magtanong sa iba kung nasaan siya. Kinalabit ko siya dahilan upang iangat niya ang ulo niya sa’kin.

“Kasama ka sa pinatawag. Tara raw sa loob,” aya ko sakaniya saka sinabayan siya patungo sa opisina ni Sir Alfredez.

Nang nasa loob na kami ay agad kaming inatasan ni Sir Alfredez na ayusin iyong mga papeles at ilagay sa stock room. Tahimik namin sinunod iyon ni Sean. Hindi nagtagal ay nakita kong tumayo si Sir at parang nagmamadali.

Nilapitan niya kaming dalawa, “I’ll leave the two of you here. Is that okay with you? May aasikasuhin lang ako sa kabila. I’ll be back an hour.”

Nakita kong sabay kaming napatango ni Sean. “Sige po, sir.”

Pagkatapos nun ay naiwan kaming dalawa ni Sean. Pinatuloy namin ang ginagawa namin. Buong umaga kaming abala roon. Walang may nagbalak na makipag-usap ang isa sa amin. And he’s wearing ear pods kaya hindi ko siya makakausap. Mas lalong hindi siya magandang kausapin.

Kasalukuyan kaming naghihintay sa dating ni Sir. Saktong katatapos lang namin nang bigla namang dumating si Sir Alfredez. Lalapit sana ako sakaniya upang balitaan siya ngunit laking gulat ko nang tumumbad din si Lucio mula sa kaniyang likuran.

Drifting Memories (Negrense Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon