XXXII

70 11 42
                                    

Chapter 32: Thoughtful

Naparami ako ng inom.

Everyone hyped me up since I rarely go to bar. This is my first time to get very wasted. Medyo madami ang napapatingin sa table namin dahil sa sigawan at tawanan namin. Even Daphnie, who was very red, pushed me for another drink.

Hindi naman ako nagdalawang-isip na inumin 'yon. Wala rin akong ikakabahala dahil sabay naman daw kaming lahat sa service na uuwi.

I had never been this drunk before. Ganito pala ang feeling kapag lasing ka. Masaya at nakakabaliw. My vision was kinda wavy that I couldn't even think straight right now. Medyo naaapektuhan na rin ang mata ko sa lightings na mula sa itaas. This is driving me crazy.

"Woooh! Go, Attorney! I-shot na'tin yan!" I heard people around me shout.

I chuckled and shook my head after I drank a shot. Mukhang hindi ko na kakayanin. Nagpaparamdam na rin sa akin ang pantog ko. I'm pretty sure any minute, iihi na ako.

"Ayaw ko na! Mamaya naman!" I shouted and just laughed.

"Anduga! Ako nga nakailang shots!" si Daphnie habang nakanguso.

I shook my head once more. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Where's the CR?" tanong ko sakaniya.

"Iyng ano po!" pasigaw na sabi ni Daphnie at mukhang hindi ako narinig.

"CR. CR! Naiihi ako!" I said loudly.

Napatango-tango siya at tinuro kung saang direksyon. Agad ko naman nakita ang tinutukoy niya. I excused myself and started walking towards the comfort room.

May ilan akong nababangga ngunit wala na akong pakialam sa nakakasalubong ko dahil wala na ako sa tamang huwisyo para pansinin pa iyon. I just want to go straight to the CR.

Ngunit parang nawala ata iyon sa paningin ko kaya sinubukan ko muling suriin ang paligid. Puro tao naman ang nasa paligid ko. Mukhang tuluyan na nga akong nawala sa landas!

Bago ko paman mahanap ang CR ay may mainit na kamay na humawak sa aking pulsuhan. Nilingon ko kung sino iyon at nakita ang namumungay na mata ni Lucio.

"You're drunk and wasted. Kailangan na na'ting umuwi," aniya sa kritikal na boses.

Inirapan ko siya at marahas na binawi ang kamay ko mula sakaniya. "Umuwi? Na'tin? Sino kaba ha? Umuwi ka ng mag-isa kung gusto mo! Kaya ko ang sarili ko!"

Dahil sa ilaw ng tumama sa mukha niya, I saw how his jaw clenched with annoyance plastered in his eyes. "Your face is red. We need to go home, Sina."

"So, what if my face is red! Ngayon ka lang ba nakakita ng lasing? Saka hindi mo na ako kailangan ihatid kasi may service naman!" giit ko at naiinis pa rin sa pagmumukha niya.

Hindi ko na kontrolado ang bibig ko kaya hinayaan ko na lang ang sarili na sabihin kung ano ang gusto kong sabihin sa kaniya. Akala niya nakakalimutan ko ang paglalandian nila no'ng babaeng Lena na 'yon? Hindi ba alam no'ng Lena na may jowa si Lucio? Si Aji!

"Hindi ka sanay sa ganito. Does your lover know about this? Where is he? At bakit naglalasing ka?"

I glared at him. May nakikita ba siyang lover ko? Oh, baka si Sieres na naman ang tinutukoy niya?

"Wala ako no'n. Kaya huwag mo akong hanapan no'n!" singhal ko sakaniya.

"Are you only saying that so you can fool me again or you just love playing around with men? There's no need to deny it, Sina," ramdam ko ang iritasyon sa boses niya.

Drifting Memories (Negrense Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon