XII

161 26 182
                                    

Chapter 12: Boyfriend

Napalingon kaming dalawa roon at laking gulat ko na si Lucio iyon. Naglalakad na siya ngayon patungo sa amin. Napansin ko rin na nasa amin ang tingin noong mga tao. Ramdam ko iyong hiya ko ngayon.

“What happened here, Zacharius?” tanong sa malamig na boses.

Zacharius? Why does it sound familiar…

Nakita kong ngumiti siya kay Lucio. “Nothing much, Kuya.”

Kuya?

My eyes widened with sudden realization. Kaya pala pamilyar siya! Kung hindi ako nagkakamali, nakababatang kapatid niya ito!

Nakita kong nanliit ang mata ni Lucio. Tinignan ako saka binalik ulit ang tingin kay Zacharius. “What do you mean nothing? You’re holding her sensually.”

Kumunot ang mukha ni Zacharius sa sinabi niya. “What? I didn’t! Tinulungan ko lang siya, Kuya. Why are you saying something odd?”

I saw how annoyance flashed in his face. “Then what are you doing now? Isn’t that odd too? You’re harassing her.”

Mas lalong namilog ang mga mata ko pagkatapos kong marinig ‘yon. He misunderstood it!

“H-hindi! Tinulungan niya lang ako,” agap ko bago pa sila tuluyang magtalo.

Agad namang nabura ang iritasyon sa kaniyang mukha nang marinig ako. Nilipat niya ang tingin sa’kin. “Really?”

I was about to respond when someone interrupted us. This time it’s the waiter.

“Pasensya na po talaga, Ma’am! Sir!” paghingi nito ng pasensya habang nakayuko.

“Hindi, ayos lang po. Kasalanan ko rin kasi hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko,” kagat-labi kong paghingi ng pasensya.

“You saw what happened?” tanong ni Lucio sa waiter.

“Opo! Hindi ko rin kasi nakita si Ma’am buti na lang po at nahila kaagad siya ni Sir,” tukoy niya kay Zacharius.

Tumango lang si Lucio habang seryoso ang mukha. “Be careful next time. You may go. Thank you.”

Natahimik kaming tatlo nang yumuko at umalis na iyong waiter. Bago paman magtagal iyon ay nauna ng magsalita si Lucio.

“You can go too, Zacharius.”

Nakita kong tamad na tumango iyong kapatid niya at iniwan kaming dalawa. Pinanuod ko si Zacharius kung paano siya tumungo sa kaninang kausap ni Lucio na mga lalaki. Napansin ko ring nagsibalikan na iyong mga tao sa kanilang sariling paki.

“Stop looking at him,” aniya sabay harang sa harapan ko.

Anong problema ng isang ‘to?

“K-kapatid mo?” I asked him the obvious. Gusto ko lang talaga hindi maging awkward yung pag-uusap namin.

“Yeah? Why?” habang nanliliit ang mata.

“W-wala naman,” saka iniwas ang tingin.

Kung nandito lang si Elfie, paniguradong hihimatayin siya sa kilig ‘pag nakita si Zacharius.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang kilay. “He’s immature. You won’t like him.”

Napaawang labi ako sa sinabi niya. Kaya ba naman siraan ang kapatid niya sa harapan ko? At akala niya gusto ko ang kapatid niya? Saka immature daw? Eh, mas mukhang siya pa nga immature sakanilang dalawa e.

“You two are the same age but, he’s very childish and annoying.”

Whatever. Akala naman niya gusto ko yung kapatid niya.

Drifting Memories (Negrense Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon