XXXIV

50 6 1
                                    

Chapter 34: Gone

Pagsapit ng gabi, tanging pagbabasa ng kaso lamang ang inabala ko. Nang matapos ay tumayo ako at tumungo sa bintana ng aking opisina upang pagmasdan lamang ang nagliliwanagang mga gusali.

Ilang sandali pa ay napatingin ako sa orasan sa pamamagitan ng repleksyon sa bintana na nasa aking harapan. It’s almost out.

I yawned and turned to my table to fix it. Inayos ko ang mga papeles at mga kalat ko sa lamesa. Wala na akong gagawin dito kaya mas mabuting umuwi na lang ako at doon na lamang magpatuloy sa pagbabasa.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Elise na abala sa pagtitipa ng kung ano sa kanyang laptop. Nang mapansin niya ako ay tumayo siya at pinasadahan ako ng tingin. Napansin niya siguro na bitbit ko na ‘yong bag ko.

“Hindi ho kayo mag-o-overtime ngayon?” bungad niya.

Napailing ako. “Sa apartment ko na ipagpapatuloy ang babasahin.”

“Ah sige po. Magtatawag po ba ako ng staff para hanapan kayo ng taxi?” she offered.

I shook my head. “Hindi na. Ako na lang ang maghihintay.”

She nodded hesitantly. “Sige po, Attorney.”

Bago ko siyang tuluyang lagpasan ay bigla na lang siyang nagsalita. Naging hudyat ito upang huminto at pakinggan siya.

“Dumaan nga po pala si Mr. Lacson kanina. Ang sabi raw ay magla-lunch sana kayo. Sayang at kaaalis niyo lang din.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Dumaan siya rito? Hindi ba’t…

Napailing-iling ako. Ayokong mapunta ang isip ko roon. Baka mali na naman ang pagkaka-intindi ko. I need to stop assuming things.

“Don’t inform me of something like this next time,” I firmly said, saving a bit of respect for my bruised ego.

“Pero hindi ba… siya po ba ‘yong hinihintay niyo kanina?”

I avoided her gaze before saying anything. “None of that matters now.”

Muling nabahiran ang kalooban ko ng pagka-badtrip kaya umuwi akong blanko ang mukha.

To shrug what I was feeling, I diverted my attention by resuming the other case I did not finish reading earlier. At nang hindi na makayanan ng mga mata ko ang pagbabasa, tumayo ako sa aking kinauupuan at kinaha ang cellphone sa bag. Nakalimutan kong baka tatawag si Ma’am Viciana ngayong gabi. Kadalasan niyang ginagawa ‘yon upang kumustahin. Mas lalo ngayon na ilang araw akong hindi napapadaan sa bahay.

As I turned on the phone, hundreds of messages flooded my inbox. Some came from my close client. Some also came from Ceres and Ma’am Viciana. And the rest were from Lucio.

Inisa-isa ko ‘yon lahat pwera na lamang ang sa kanya. I only opened our text space and read some of his messages.

From Lucio:

I got an urgent errand. I’m sorry, I might pick you up late.

It was sent 5 minutes after I turned off my phone earlier during lunch.

From Lucio:

Can I call? I’m sorry. I am driving my way there now.

From Lucio:

I’m here now.

From Lucio:

I went to your office. Your secretary told me that you have a meeting.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Drifting Memories (Negrense Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon