Chapter 11

56 6 0
                                    

"WE already inject normal saline 200 cc per hour and gave her fever reducer. It's a syncope, she's showing symptoms of serious dehydration. Let's just hydrate her for now. She will feel better after a good sleep."

I heard the doctor says. Agad kong pinikit ang mata ko at kunwaring nagtulog-tulugan.

"Also, fatigue and fever is not a very good combination. She over worked herself, I suggest that she won't drink coffee for two weeks and eat a proper meal." Dagdag pa nito tsaka tumingin kay Dev.

"Ano ba ang nangyari? Bakit siya nagkaganyan?"

Tumikhim si Dev bago nagsalita. "Kagagaling lang namin sa detention center. Masyado siyang nai-stress sa kaso ni Miss Manzana kaya napabayaan niya siguro ang sarili niya."

Wait... Hindi ko naman kamag-anak 'tong si Selvantes. Plus, bakit parang ka-close na niya mga kaibigan ko?

"Ganon ba? Sinabihan ko na siya, 'di talaga nakikinig. Mauuna na 'ko may iba pa kong aasikasuhin na pasyente. Pwede na natin siyang i-move sa ward pagkagising niya."

"We'll take a private room."

"Ah, private room. Sige ikaw po masusunod lods, aayusin ko lang ang lilipatan niya. Excuse me."

Nang makaalis siya agad kong naramdaman ang presensya ni Dev na papalapit na sa'kin.

"Alam kong gising ka buksan mo na mata mo."

I rolled my eyes and sat down.

"Attorney, slowly."

Napangiwi ako ng maramdaman kong masakit ang katawan ko pinilit ko'ng tanggalin ang swero sa kamay ko.

"May trabaho ako, Attorney Selvantes." Saad ko.

"You cannot work in this kind of state."

Napangiwi naman ako ng tumawag siya ng nurse para ipa-ayos ang tinanggal kong swero.

"Pwede na ba kong umuwi?" Tanong ko sa nurse.

"Naku! Hindi pa po, Ma'am. Masyadong mahina pa ang katawan niyo."

Napangiwi naman ako tsaka sumandal naglakad naman pabalik sa'kin si Dev.

"Kami na lang muna gagawa ng trabaho mo, Attorney. Wag mo pong tangkain tumakas!" Singhal niya.

Napanguso naman ako. Matapos no'n ay inilipat nila ko sa isang private room, pagkatapos ay sunod-sunod na silang pumasok sa kwarto ko.

Umayos ako ng pagkaka-upo tsaka sila hinarap ngumiti muna ko bago magsalita.

"Ahm, tutal hindi ako makagalaw ngayon kayo muna ang magiging kamay at paa ko. I want you guys to gather some evidences for me."

"Paralegal Storm, go to Mr. Joshlee Escasinas. Do everything for him to testify and gather that he evidences he mentioned."

"Investigator Jaspher Lazaro, go to Ms. Ophira Ibañez ask for her testimony. And for you Iñigo, I want you to go to Mr. Arceo, Lavinia's husband, ask him to testify or gather evidences from him."

Tumango naman sila at sabay-sabay na umalis ngumiti ako tsaka humiga tinulungan naman ako ni Dev para kong may alila, HAHAHAHA nakakatuwa naman.

Ilang oras lang ay bumalik 'yung nurse para i-check 'yung lagay ko napangiti naman ako nang makita kong nakamasid si Dev parang may gagawing masama sa'kin ang nurse.

"Attorney Selvantes?" Pagtatawag ko sa kaniya na ngayon ay naka-upo sa sofa may hawak na mga papeles at nakadekwatro.

"Yes?"

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon