Chapter 26

134 53 2
                                    

"HELLO?"

Kuno't noo akong napatingin sa'king telepono. Kagigising ko lang, ilang araw na akong ganito. Kain, tulog, kain, tulog. Simula nang pandandaliang pagkumpiska ng aking lisensya, ako ay nag-lay low muna.

Nagpalumbaba ako habang nakatitig sa bulaklak na nakadesenyo sa sentro ng lamesa. I forgot to message Dev.

["Where are you?"]

"Sergei?"

["Are you all right? I'm on my way back to Manila."]

Oh, I forgot. Nasa business trip nga pala siya.

"I'm fine. Nasa bahay lang ako."

["Wait for me."]

"Ang gulo mo kausap."

Hindi ako pwede makakitaan ng ano mga kahina-hinalang bagay. Baka mawala na ng tuluyan lisensya ko. Pagkatapos kong linisin ang buong bahay namin ni Mancini, hinarap ko ang Tv.

"Matutuos ulit tayo."

Kinapa ko ang remote sa gilid ng sofa, nang makuha ko ito agad kong pinindot ang Netflix tsaka naghanap ng kung ano-anong K-drama.

"Piste. Natapos ko na lahat 'to." Wala sa sariling kong naiusal.

Busy pa rin ako sa paghahanap ng mapapanuod hanggang sa nahanap ko na ang para sa'kin.

Napangiti ako nang maalala ko ang kaisa-isang tao na naniwala sa'kin. "Hotel Del Luna? Parang si Lav, mainitin ulo."

My smile faded. Mabilis akong napatayo at napa-akyat ng aking silid.

Kinuha ko lahat ng files sa kwarto ko na nagkalat. I'm sure meron akong testimony dito galing sa isang pulis.

Inilagay ko sa mga kahon ang mga nakita kong case files tas mga nagkalat na papel sa kwarto. Tatlong box na puno ng mga files and naipon ko, isa-isa ko iyon binuhat sa sala.

Magkakalat na naman ako. Kakalinis ko lang eh!

Sinimulan kong tanggalin ang mga files sa unang kahon tsaka ito inilagay sa mesa. Itinali ko rin ang aking buhok, sumalampa sa lapag tsaka nag-play ng kanta sa yt.

Inumpisahan kong ng halungkatin ang mga files sa harapan ko, mahigit ilang libo ang mga case file na inuuwi ko dito sa bahay dahil hindi rin ako agad-agad na makakatulog.

Napasabunot ako sa'king sarili, napakatanga ko. Why would I waste my time watching TV when I can now study my step father's case?

Its been a lot of years when my motion or re-consideration is approved, I can do it again this time. This is my long time goal.

"Sa'n ka ba? Pakita ka na." Naiinis na saad ko habang binabasa bawat isang pahina ng mga papel.

Hindi ko alam kung sa'n ko iyon nalagay dahil makalat ako'ng tao. 'Yung testimony ng pulis na 'yon ay pwedeng maging susi sa kaso ni Daddy.

"Piste 'yan."Inis na saad ko at tumayo.

Sa mga nakakaraang araw nahihirapan akong mag-focus sa isang bagay dahil sa nangyari sa korte. Si Prosecutor Jazz ay naka-detained ngayon pinaghahanap din ang mga kasapi niya sa organization pero mukhang bigo ang Gobyerno.

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon