Chapter 30

140 54 1
                                    

PAGKA-UWI agad namin sa bahay nag-umpisa kong maglinis. I was really stressed because of that gathering.

Inisis ko ang sahig kahit na ito ay malinis, sa sahig ko ibinunton ang aking galit.

Hanggang sa makita ako ni Sergei na kababalik lang mula sa pagtra-trabaho habang si Mancini naman ay nag-iisis rin ng sahig.

"Ano nangyayari sa inyo? Ba't kayo naglilinis? Gabing-gabi na." Gulat na saad nito.

Ngumiti ako at nagpunas ng pawis. "Bored lang ako."

Tinawanan niya lang ako at inabot ang grocery na dala niya.

Kailan pa namili ang kumag na 'to?

"Madami pa tayong grocery." Nagtatakang saad ko.

Umiling ito at tinanggal ang kanyang coat. "Na-ubos na ni Lake."

"Antakaw mo naman, Lake." Saad ko at pinagpatuloy ang pagtatanggal ng alikabok.

"So, ano nga nangyari?" Pag-uusisa ni Sergei.

Ininguso ko si Lake. "Talk to him, mukhang natruma na 'yan."

Imbis na sumagot, biglang umalis si Mancini.

Nagkibit-balikat na lang ako at tumalikod. Umakyat na ako sa'king silid para makapaglinis ng katawan.

Matapos kong makapag-ayos ng sarili, tumingin ako sa orasan.

11 pm.

Gabi na pala, sa'n ba pumunta ang magaling kong kapatid.

I lay down in bed only to toss myself around.

Fuck that brat, where did he go?

Hindi na ako makatiis, bumangon ako at bumaba. Nadatnan ko si Sergei sa sofa, naka-upo habang hawak ang kaniyang telepono.

"Anong oras na? Bakit wala pa rin si Lake?" Tanong ko kay Sergei.

"11 o'clock." Pagsasagot nito matapos tingnan ang kaniyang telepono.

"Natawagan mo?" Tanong ko pa tsaka tumabi sa kaniya.

Umiling ito. "Patay 'yung telepono."

Napabuntong hininga ako at sumandal sa sofa.

"Hindi pa rin matatanggi na teenager pa rin siya." Wala sa sariling usal ko.

Mancini is only 19 years old, he's suppose to live a normal life but instead here he is, managing my firm.

Napahilot ako sa aking sentido tsaka tumayo.

Inilabas na ang aking telepono upang tawagan ang HQ para hanapin si Mancini nang biglang bumukas ang pinto.

Sobrang madungis ito, may bakas ng dugo na dumadaloy sa kaniyang ulo. May hiwa ang labi at tila kagagaling lang sa away.

"Anong nangyari sa'yo?" I asked him.

I immediately grab a towel to stop the bleeding in his head.

"Wala. Napa-away lang 'jan sa kanto. Niyabangan ako ni Champurado." Inis na saad nito habang tinatanggal ang puting long-sleeve na ngayon ay malapit ng maging pula.

Forced maturity ang nangyari kay Mancini. Hindi ko siya masisisi kung ganyan ang ugali niya, diyan siya inihulma ni Papa. Wala siyang magagawa kundi mabuhay sa inihulmang pagkatao ni Papa sa kaniya.

I slowly clean his face with another towel while Sergei called an ambulance.

"Anong ginawa sa'yo?" I asked him.

"Wala naman, nginudngod ko na lang siya sa kanal. Kakulay naman niya 'yun." Napatawa na lang ako sa sagot niya.

"Kahit na ba, sana tinawag mo ko para may resbak ka."

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon