Chapter 23

133 54 1
                                    

I USED to be brimming with passion, love and joy. I was once everyone's favorite, the kind that everybody wants.

But that was a long time ago, the time where I'm still me. Where I am special and innocent.

But everybody has its own constraints. Nobody can resist the sense of grief, sorrow and suffering.

When they reach their fullest pain, everyone changes.

"ATTORNEY!"

Nag-angat ako ng tingin kay Guy na ngayon ay masayang tumatakbo papunta sa'kin hawak ang isang envelope.

Tinagilid ko ang aking ulo tsaka siya pinagmasdan.

"Attorney! Attorney!" Sigaw pa nito.

Napataas ang isang kilay ko dahil sa pagsisigaw nito. Dinig na dinig iyon sa buong firm.

Sobrang saya naman niya, bihira ko lang siya makita nang ganito.

"Ano nangyayari sa'yo?" Tanong ko habang tinatanggal ang aking salamin.

"Attorney! Attorney! Galing sa korte! Galing sa korte! Birthday gift! Attorney!" Excited na sigaw nito.

Napahagikgik naman ako dahil ilang beses na niya ko tinatawag pero nanatili ang saya sa kaniyang boses.

"Mas excited ka pa sa'kin." Napatawa ako at kinuha ang envelope na kanina pa niya gusto ibigay.

Umupo ako sa'king swivel chair at binuksan 'yung envelope para makita ang laman no'n.

Motion to re-open and re-considered.




Approved.


I blinked twice, thrice.

Approve!!

Dahan-dahan akong napatingin kay Guy.

"APPROVE!!!" Masayang sigaw ko at iniyakap siya.

Sa wakas! Makalipas ang ilang beses na pag-uulit, na-approve na ang appeal ko!

"Omyghad!! Approve! Approve!!"

Napa-iyak ako sa sobrang saya at kagalakan. Hindi ko alam kung paano ko i-eexpress ang nararamdaman ko.

I can now fight for my step-father's case. I would clean his name and prove he's innocent.

"Congrats, Attorney!!" Masayang sigaw ni Guy.

We both hug each other.

Napatigil kami nang pumasok sa loob ng opisina ko ang isa naming co-worker.

"Attorney, kailangan niyo ito mapanuod."

Nagkatinginan kami saglit ni Guy bago itinuon ang pansin sa tv na nandito sa opisina.

"Isa pong kagimbal-gimbal na balita ang aming natanggap. Nangyari po ito kahapon pasado alas otso ng gabi, nakatanggap po ng ulat ang ating news channel. Ang new bilibid prison ay na-massacre. Nag-uulat, Herco."

"Maraming salamat po, isang kagimbal-gimbal na kaganapan ang nangayari sa loob ng bilibid prison, pasado alas otso nang may sumabog sa likod na bahagi ng nasabing bilibid kung saan naka-detained ang mga bigating tao katulad ni Jayson Calumag na isang drug lord."

"Marami rin ang nasawi dahil sa nangyaring ito, kagagawan lang ito ng isang tao mga kaigan. Iniimbestigahan parin ang pangyayari dito at ngayon ay nagkakagulo na dito sa labas ng sinabing bilibid."

"Maraming salamat sa paguulat. Kabilang sa mga nasawing nakakulong dito ay si Shin Romarez, Jules Sumara, at Astro Miranda, Kris san--"

Para kong binagsakan ng impyerno. Nanlambot ang tuhod ko at basta na lang bumagsak.

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon