Fastforward...
After 2 months masasabi kong I survived haha. Buhay pa din naman ako, dyosa padin naman ako . Kahit na aaminin kong napapagod nako kakalinis sa mga kung ano anong natatapon sakin. Lagi nadin akong may dalang gymbag, para incase na madumihan ako di ko na kailangang umuwi.
Natapunan na ako ng frappe.. Si babaeng utak hamog ang gumawa nyan
Bigla bigla nalang akong sasabuyan ng tubig at shampoo.. Atleast nakalibreng ligo ako haha
Itapon sakin yung spaghetti na binili ko
I-bully ako sa underground website
Yung upuan ako tinanggalan ng paa na nagcause para mapaupo ako at magkapasa yung butt cheek ko.
Yung bigla nalang may dugo ng baboy sa locker ko
Buhusan ako ng waterproof na pintura.
Lahat yan nadanas ko, di ko na ikwekwento yung iba. Buti nga at di pa umabot sa point na batuhin ako ng bato eh. Pero kahit ganun SOLID hater padin ako ni DJ. Minsan nakahoodie ako sa mallshow nya at nagtaas ng Banner na may I HATE YOU DANIEL PADILLA. Minsan naman sinulatan ko din yung armchair nya na "malaki eyebags mo pre" flinat ko na din yung pinakamamahal nyang dodge car at kung ano ano pa. So I guess quits lang kami.
Si Nadine naman lagi akong binubully, tinatawag akong "bitch" pero sino bang btch samin? Sya tong makasuot ng sobrang revealing na damit na kitang kita yung hiwa ng boobs nya lagi nya din akong pinapahiya at dahil matapang ako in the end sya yung napapahiya.
"Excuse me"
Lagi syang nageexcuse me, may pagkamagalang din si Nadine e hehe
"Ano nanaman?!"
"Can you step aside? Laki ng katawan mo"
"Ako din may favor Nadine"
"Ano?" She hissed
"Can you stop breathing? Nakakapollute kasi ng air yung hininga mo eh" I smirked at nagtawanan yung mga nakarinig.
K-1
N-0
"You bitch!"
"Baka Ikaw!"
"You're hitting a nerve Kathryn!"
"Di ko kasalanan kung Pikon ka. Hashtag No Pikon Allowed!" Sabay walkout. Psh she's so lame, panlaban nya sakin yung "bitch" na yun? Sanay nako. Sa twitter yan ang tawag sakin eh, wala e ikaw ba naman idikit sa pangalan ng DANIEL PADILLA na yan. Dahil nabadtrip ako pumunta nalang ako sa tambayan ko, inakyat ko yung bakod buti nalang nakapants ako.
"Ginagawa mo dito?" Sabi nung nakatalikod na nagbabass guitar. Kilala nyo na kung sino.
"Tambayan ko na to for like 3 years, ako ang nauna dito. Kaya ako ang dapat magtanong. Anong ginagawa mo dito?"
"Masama? Wala namang pangalan mo e"
Sa susunod papalagyan ko na ng pangalan tong lugar na to. Kairita, nakikiaagaw ng tambayan
"Tabi nga!" Sabay hampas ko sakanya. Nakahiga kasi sa sofa. Sofa ko yun noh!
"Sino nauna?"
"Ako. 3 years nako dito, saka mahiya ka naman babae ako oh"
"So?!"
"Bastos ka rin talaga sa babae e. Tss. Sana gentleman ka naman kahit papano, but thankyou nalang" Pumunta nalang ako sa side dun sa malapit sa may power outlet, free cut kasi today may meeting ang mga prof. Kung meron lang akong ibang mapupuntahan dun nalang ako. Hayy
"Pssst"
Ignore. Suot mo headset mo Kath
"Dito ka na."
Wag papansinin. Yaan mo lang retarded yan
"Kathryn. Dito ka na"
Cause one daaaaaaaaay, I'll have you beggin on your knees for me ! nagsasoundtrip ako ng bongga!
"Kath. KAAAAAAAAATH"
Wag mong pansinin Kath. Ipis lang yun na nagsasalita! TAMA! IPIS! Eeew
Matulog ka nalang Kath, kahit masakit sa likod keri na yan. May isang LALAKI kasi jan na hindi GENTLEMAN! So ayun Natulog nalang ako.
-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-
:-:-:-:-::--:-:-:-:-:-:-:-::-:-:-:-:-:-
DJ's POV
"Kath. Isa lika na dito"
Pero wala pading sumasagot
"Kath naman"
Wala padin. Nakakainis na ah. Anak ng meant to be nga naman oh! Nakaheadset naman pala, nakapikit pa. I walked towards her.
"Kath, tulog ka ba?"
Ay tangek DJ malamang di nya maririnig diba? #medyoshunga
Malalim na yung paghinga nya at I can hear her snore. Tulog na nga sya. Binuhat ko sya ng dahan dahan medyo madali syang magising eh. Nilapag ko sya sa kama.
Lapag? Para kasing papel eh Haha. Joke . Hinila ko yung swivel chair. Yung swivel chair na tinulak nya papunta sakin. Hindi ko alam na dito yung tambayan nya pero alam kong dito ang school nya. Inalam ko talaga.
I looked intently at her face. Nagmature lahat ng facial features nya. I can say na after 3 years nag grow talaga sya. And I'll admit she's prettier than before.
Tinatanong ko tuloy ang sarili ko kung hindi ko ba... Tss. Ang tanga ko talaga nung time na yun. I lost a friend, I lost Kathryn.
Hinaplos yung buhok nya, buhok nyang alagang rejoice.
Nung araw na nakita kong tinatapunan sya ng itlog at harina alam kong kasalanan ko yun. Gustong gusto kong bugbugin yung mga lalaking bumato sakanya ng itlog at gustong gusto kong iharang yung katawan ko sakanya.
Pero Naduwag ako eh...
Wala akong ginawa. Nagtanong lang ako kung ano bang nangyare. Alam kong gustong gustong umiyak ni Kathryn noong oras na yon. Pero matapang sya eh. Hindi katulad ko. Hindi duwag na kagaya ko.
Tanggap ko naman kung bakit nya ako hate, I messed up with her and our friendship. Itinapon ko lahat ng pinagsamahan namin. At alam kong nahihirapan syang patawarin ako. Pero sana.. Sana lang mapatawad nya ako ulet
"Im sorry Kath. Kathryn Ko sorry..." I kissed her forehead at umalis sa room na yon
Sana may tapang akong protektahan ka. Sana maayos ko na ang lahat.

BINABASA MO ANG
His SUPER Hater (EDITING)
HumorSa MILYONG MILYONG fans na nagsusumigaw ng "ILOVEYOU DANIEL PADILLA!!" Mangingibabaw yung sigaw kong "AYOKO SAYO DANIEL PADILLA! I SUPER DUPER HATE YOU!" -Kathryn Bernardo *wink