Secret

1K 45 21
                                        

Ipinacheck up ko si Kath sa psychiatrist ngayon wala si Tita Min, well what do you expect? Artista eh. As of now wala pa akong project, except dun sa pinaplanong Crazy Beautiful You na gaganapan ko, wala pang lead girl. Kath would fit the role kung artista lang sya naisip nya din yun pero may nangyare nga samin noon diba?

She'll fit the role because she's CRAZY and very BEAUTIFUL.

Sabi nung doctor, mild trauma lang. It will pass and she'll get over the incident. Hindi pa muna sya pinapasok pati ako para magpagaling. Okay na din para maayos ko yung gusot namin ni Kath. For the past 2 days okay naman kami. We eat together, talk together, play stupid things together, like WE USED to. Masaya na din pero baka pag wala ng problema she'll push me away again.

As for Nadine ayun balitang balita sa TV yung nangyare sakanya. Pinalitan din sya as a choice na maging ambassador kasi pangit daw ang image nya ngayon, hindi na daw role model. I saw her cleaning the restroom yesterday when I excused Kath for all our subjects. Hindi pa sapat para sakin yung parusa ni Nadine pero okay na din. Yung mga lalaki din nakita ko, sinamaan ko nga ng tingin eh akala mo kapogian. Di hamak na mas gwapo ako.

"DJ, san tayo pupunta?"

"Kain tayo kwek kwek"

"Huh? Ano yun?"

"Eto para kwek kwek lang di pa alam."

"Ay sorry ha?! Galing mo eh!"

"Galit ka na nyan? Basta magugustuhan mo yun*wink"

"Pag hindi lang, alis ka na sa bahay!"

"Tapos mamaya tatawagan mo akong pumunta sa bahay nyo."

"So iiwan mo ako? Asan na yung "I'll stay with you Kath" mo" she looked at me annoyed. Ang cute lang :)

"Sabi ko nga kahit umusok pa ilong mo di kita iiwan. Chill ka lang. It's around here. Pag nagustuhan mo kikiss mo ako ah"

"Manyak ka!"

"Pogi ako ano!"

"Pag panget manyak,pag pogi dapat ko pang ikapasalamat? Kapal mo kaiyak"

I placed my hand in her chin

"Wala akong sinabi pero salamat kasi sinabi mong pogi ako" and I laughed hard Hahahaaha her facial reaction is priceless. We used to be like this at unti unti ng bumalik.

"Feeling mo Padills."

"Masama daw kasi magsinungaling eh" I winked at her at nagpark sa side ng daan nakita ko na kasi si Manong na nagtitinda ng paborito kong pang normal na taong pagkain. Madalas kasi fine dining at high class restaurants pero minsan tumatakas ako na kumakain sa mga ganito, mura na masarap pa. Saka mas nakakatulong sa mas higit na nangangailangan, yung mga restaurants na yan? Mayayaman na mga yan eh tong katulad ni Manong kahit malaki ang kinikita di pa sapat sa pamumuhay nila yun. Andami ko ng hugot, author naman kasi e.

"San jan? Wala namang tables ah!" Natawa nalang ako, sabagay di sya palalabas. Eto palang nakakain kong streetfood e, fishballs at kwekwek.

"Its a rolling store Kath, lika na" sabay hawak ko sa kamay nya.

Sarap kumanta ng fireworks kaso pambading eh. Parang may fireworks kasi pag hawak ko kamay nya e :)))))

"Manong!"

"Uy Suki! Pumopogi lalo ah"

"Kaya gusto kita kuya eh! Nga pala manong, si Kathryn po pala. For sure magiging suki nyo din sya."

"Napakagandang dalaga! Nakakain ka na ba nito iha?"

"Uhm. Hehe hindi pa po eh" ang cute lang

Hindi ako kilala ni Manong kasi ayon sakanila wala silang TV at pambayad sa kuryente pagnagkataon. Hindi pa ako ngayon tutulong pero pagplaplanuhan ko pa kung paano.

His SUPER Hater (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon