NL

1.1K 41 14
                                        


Wala pa akong POV para kay DJ sorry na.

:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:

Parang wala akong ganang pumasok..

Naalala ko parin yung kahapon. Parang nung isang araw lang kakabugbuog lang sakin ng mga barkada ko which is fine with me pero yung dramang Me against the whole FU (Fandom University). Naging human pancake pa ako. Okay lang basta wag bato yung ibato nila sakin, buti nalang si ate Pamu lang ang naabutan ko kahapon dito at kilala nya si DJ kwinento ko lahat ang nangyare sakanya kahapon. Inis na inis sya kay DJ, ako din naman pero hinayaan ko nalang.

Nagtweet nalang ako..

"You can keep a Good Girl Down #MightyKathryn"

Parang gusto ko tuloy ng Swift Mighty Meaty Hotdog haaay.. Kaya ayun bumangon na ako at naligo fighting lang dapat tayo. Ano nanaman kaya mangyayare ngayon? Inhaaale Kathryn... Exhale.. At sana wag magkukrus landas namin ni DJ, mapapatay ko yun swear. Magdadala ako ng gunting tapos karayon iaacupunture ko sya.

"Ate Pamu.. Anong breakfast?"

"Yung favorite mong Hotdog saka BAE" sabay kindat sakin

"BAE?"

She rolled her eyes

"Bacon and Eggs. Para yun lang eh"

"Eh kasi ate andaming alam eh *chuckled. Nasan pala si Mommy at Daddy?"

"Tulog pa sila anong oras na dumating"

I just sighed, bilang lang sa daliri ko yung times na sabay kaming nagbreakfast. Sa schedule nilang hectic di na nila ako maisingit well kikita ba naman sila ng pera sakin? Magartista nalang kaya ako? Hay panigurado taob ang mga leading ladies haha.

Habang ninanamnam ko yung Sarap ng Mighty Meaty Hotdog.. Oops Oyyyy nagreen ka noh? Aminiiiiiin:D Hahaha. Naisip ko yung mga nangyare 3 years ago. Andami kong dapat ikahate kay Daniel pero secret ko na yun. Wala akong mapagsabihan kundi si Ate Pamu lang saka yung puno jan sa may pool side. Haaay erase thoughts. After ko kumain nagready na ako for school. Kaya yan Kathryn! Aja!

:-:-:-:-:-:-:-:

Pagkadating ko sa school syempre mawawala ba yung pagtingin nila sakin? Malamang hindi! Ang ganda ko kaya hahah, imbes na negative dapat positive.

"Tapang nyang pumasok ha!?"-Girl 1

Pumasok ako para magaral at para sa baon. Saksakin ko throat mo e

"Hindi man lang ba sya nagkatrauma sa pagiging human pancake nya? Oh talagang hindi man lang sya nahiya?"-Girl 2

"cZs!gHuR0o kHüL4n6 pH4 Y0own p4aRa sKhAn3a?!"-Girl 3

May problema ba yun sa ngalangala? May naintindihan ba kayo? Ako wala e. At dahil matapang talaga ang lola nyo

"Hindi ako pumasok para sa Daniel nyo, saksak nyo sa mga baga nyo. At ikaw! Heller!? 2015 na jeje ka pa din, may problema ba yang ngalangala mo? Ayos mukha ha girls!"

Sabay talikod sakanila. Kainis.

"May problema ba kayo sa bestie ko?" and I saw Arisse with our gang.

"Wala" sabay irap at walkout

"Akala mo kagandahan! Utak hamog naman!"-Kiray

At tumawa lahat ng nakarinig, at tumakbong paalis yung girl kasama yung abubot nya.

"Dapat pag papasok ka kasabay ka namin girl, para umaga palang nawawarm up na kami"- Mara sabay akbay sakin

"Mga warfreak talaga kayo" ngiti kong sabi sakanila. Im still thankful I have them as friends.

His SUPER Hater (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon