Kanina pa tapos speech ni Henry.. kaya ang naiwan nalang sa stage ay yung MC... Pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik dito si Henry sa upuan namin. Ang rinig ko may special partification daw sila kasama ng mga kaibigan niya.
Nagulat nga ako ng malaman kung nandito yung mga kaibigan niya. Hindi ko kasi sila nakita kanina at hindi rin nasabi sa akin ni Henry na nandito pala yung mga kaibigan niya.
Hindi naman ako nababagot dito sa upuan dahil kasama ko naman si Lucy at Troy dito. Kaya lang iba parin kapag nandyan si Henry. Hindi ko nararamdaman na nag-iisa ako dito.
" Mommy! "
" Hey! Saan ba kayo nanggaling? Pinag-alala niyo si Mommy. " sabi ko sa kanila habang inaayos yung damit nila.
Nagusot kasi yung damit nila.. at hindi ko alam kung saan sila nagsipupunta.
" I'm sorry Mom, pinuntahan lang po kasi naman si Tito Hanz. " sabi ni Helliza.
" Nandito ang Tito niyo? " gulat kung tanong sa kanila.
Hindi ko man lang kasi nakita ang kumag na yun. At hindi man lang ito lumapit sa akin!
" Yes po Tita. Tinuruan niya nga po kaming sumayaw. " sagot naman ni Lily.. anak ni Troy.
Kaya pala nagusot yung damit nila.
Pero bakit naman tinuruan niyang sumayaw ang mga ito? Hindi niya ba alam na may event ngayon ang kuya niya?
" Are you ready everyone!? " tanong nong MC sa crowd.
Nag-ingay naman yung mga crowd na halatang excited rin sa mangyayari ngayong gabi.
" Ngayon lang natin makikitang magperform ang sikat na businessman na si Mr. Henry Wilson... Kaya hindi na natin ito patatagalin pa! Let us welcome! Mr. Henry and his friends! " sabi nito at bumaba na ng stage.
Napatingin naman ako sa gitna. At kasabay ng paglabas nina Henry ay ang tilian ng mga babae.
Hindi ako nagseselos o nakaramdam ng inis man lang kapag may babaeng nagtutumili dahil sa kanya. Kasi alam ko naman yung lalakeng kinahuhumalingan nila ay pagmamay-ari ko na!
Hindi ko naman kasi masisisi kung bakit ganyan nalang magreact yung mga babae.
Gwapo makisig at talentado si Henry. At mas lalo kang maiinlove sa kanya kapag nagsimula na itong kumanta at sumayaw...
Kumaway at napangiti ako ng tumingin ito sa dereksyon ko.
I love you...
He mouthed... At hindi ko maiwasang mamula sa ginawa niya. Kasi naman lahat ng tao nakatingin sa dereksyon ko.
Bago ko pa man siya magantihan.. nagsimula ng tumugtog ang mga kaibigan niya at siya naman ang pagkanta nito.
Kasabay non ang pagtiliin ng mga babae at ng ikangiti ko kung ano ang itinugtog nila.
* Marry You *
It's a beautiful night, we're looking for something dumb to do
Hey baby, I think I wanna marry you
Is it the look in your eyes or is it this dancing juice?
Who cares, baby, I think I wanna marry youKahit matagal ko ng hindi naririnig ang pagtugtog nila? Wala paring pinagbago.. magagaling parin ang mga ito.
Halos lahat sila ay marunong kumanta.. pero ang main vocalist talaga sa kanila ay si Henry... Kaya halos magwawala na ang babae dito dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Still Loving YOU
ActionClouie Santos a single mom na kinayang buhayin mag-isa ang mga anak sa tulong narin ng mga kaibigan niya. Marami siyang hirap na dinanas simula pa nong nagbubuntis at lahat yun kinaya niya mabuhay lang ang mga anak niya! At gagawin niya ang lahat m...