* Henry POV *
Kanina pa nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa labas ng office. Unfortunately sa mismong desk ni Ms. Santos. Mag 1:30 in afternoon na pero hanggang ngayon wala parin siya sa desk niya. At kanina pa tapos ang lunch break niya. Kaya saan na naman nagpupunta ang babaeng yun. Maraming dapat gawin, pero hanggang ngayon wala pa siya. Nang hindi ako makatiis, lumabas ako sa office para itanong kung nasaan siya.
" Ms. Laila. " tawag ko doon sa babaeng mukhang kaibigan niya yata dito.
Agad naman iting tumayo at nakangiting tumingin sa akin.
" Yes Sir. " nakangiting nitong sabi.
" Alam mo ba kung nasaan si Ms. Santos? " tanong ko sa kanya.
Tumingin muna siya sa desk ni Santos. At napansin ko yung pagbuntong hininga niya bago siya tumingin muli sa akin.
" Gusto niyo bang ako na lang ang tumawag sa kanya, Sir. " sabi nito sa akin.
" No. Just tell me kung nasaan siya. " malamig kung sabi sa kanya.
May tinatago ba ito sa akin? Mukhang nagdadalawang isip kasi itong sabihin kung nasaan si Ms. Santos.
" B-baka po nasa rooftop na naman po si Clouie, Sir. " mahinang sabi nito na rinig ko naman.
Rooftop? At ano naman ang ginagawa ng babaeng yun doon.
" Okay. Go back to your work. " sabi ko sa kanya na ikinatango niya naman.
Bumalik ako muli sa loob ng office ko. Ilang minuto akong naghintay doon. At ng makita ko siyang dumating na, balak ko sanang pagalitan siya ng mapahinto ako ng mapansin ko yung mukha niya. Parang may malaki itong problema at halata sa mukha niya yung lungkot. Nasa hindi malamang dahilan, parang may tumusok sa dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya.
Napapikit ako at napahinga ng malalim saka tumayo sa kinauupuan ko at naglalakad papunta sa kanya... Agad naman itong napatingin sa akin pagkabukas ko ng pinto ng office. Pero bahagyang napakunot ang noo ko ng mapansin kung muli ang pagbabago ng mukha nito. Alam ko noon palang matapang na ito. Pero ngayong naging mas matapang pa ito at naging palaban. At aaminin ko, talagang nagulat ako sa inasta nito sa muli naming pagkikita. Dahil akala ko, tulad parin siya noon. Kaya talagang masasabi kung may nagbago sa kanya. At hindi ko yun inexpect.
" Yes Boss.. may kailangan kayo? " tanong nito na hindi nakangiti at seryusong nakatingin sa akin kahit na hindi ko na nakita sa kanya ngayon ang nakita ko kanina ng nasa loob ng office ako.
Tumikhim ako at seryuso siyang tiningnan. Yung tingin na matatakot siya. Pero hindi ko iyun nakikita sa mukha niya.
" Gusto ko lang sabihin na huwag muna akong hintayin mamaya. " sabi ko sa kanya.
Sandali ako nitong tiningnan. At ng wala itong sinabi, tatalikod na sana ako ng marinig ko yung sinabi niya.
" Kailan pa ba kita hinintay? " pabulong pero narinig kung sinabi niya.
Huminto ako at lumingon sa kanya dahilan para mapaayos siya ng tayo ng tumingin sa akin.
" Hindi mo ako hinintay. Pero ikaw yung naghahabol sa akin. " sabi ko sa kanya.
Kung ibang babae siguro ang kaharap ko at tulad pa siya noon. Sigurado akong namumula na ito sa hiya. Pero itong babaeng kaharap ko. Ngisi lang ang tinugon nito sa akin na para bang nang iinsulto siya at para bang wala siyang pakialam sa sinabi ko.
Kaya inis akong tumalikod at pabagsak na isinara yung pinto... Bwesit na babae yun, ano ba ang problema niya? Malaki ba ang sapak non sa utak?
Gabi na ng makaalis ako sa company. At tulad ng sinabi ko, hindi nga ako hinintay ng babaeng yun. Napansin ko pa nga kanina na nagmamadali siyang umalis na para bang may hinahabol ito.
BINABASA MO ANG
Still Loving YOU
ActionClouie Santos a single mom na kinayang buhayin mag-isa ang mga anak sa tulong narin ng mga kaibigan niya. Marami siyang hirap na dinanas simula pa nong nagbubuntis at lahat yun kinaya niya mabuhay lang ang mga anak niya! At gagawin niya ang lahat m...