Napagising ako ng maramdaman kung may mga maliliit na kamay na hinihimas yung mukha ko at mgaing sa paa ko na kinikiliti pa....Nanatili akong nakapikit at nagkukunwaring natutulog parin ako. Hanggang sa maramdaman kung pareho na nilang hinahalikan ang mukha ko at doon na ako kumilos.
" Got you. " nakangiting sabi ko at dabay silang ikinulong sa mga bisig ko. At sa umikot para magpalit kami ng pwesto.
" Makulit kayo ha. " nakangisi kung sabi sabay kiliti sa kanilang dalawa, dahila para tumawa sila.
" Hahahaha....Mommy...stop na po....hahaha..... "
" Mommy....hahaha....Mommy.... "
Kinikiliti ko silang pareho kasabay ng pagtawa ko. Ang sarap kasi nilang pagmasdan. Napatigil lang ako ng makita kung pareho na silang nanghihina.
" Good morning my Angels. " nakangiting bati ko sa kanila at pareho silang hinalikan sa noo.
Umalis na kami sa kama at lumabas ng kwarto saka pumunta sa kusina para ipagluto sila ng agahan. Nang matapos akong magluto pinagtimpla ko naman sila ng gatas nila at sabay na kaming kumain na tatlo. At pagkatapos naming kumain, pinaligo at inayusan kuna sila saka ko na rin inayusan ang sarili ko pagkatapos nila.
" Mommy, faster! Malelate na po tayo. " rinig kung sigaw ng anak kung babae sa labas ng kwarto ko.
Napapailing nalang ako habang nilalagay ko sa bag ko ang iba ko pang mga gamit saka lumabas ng kwarto. At bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ng anak ko. Napangiti nalang ako at umupo para magkapantay kaming dalawa.
" Ang aga-aga nakasimangot ka. " sabi ko sa kanya.
" Bakit kasi ang tagal mo Mom. " medyo inis nitong sabi sa aki .
Hinawakan ko yung pisngi niya sabay pisil doon. Hindi naman malakas, mahina lang. Ayaw ko namang saktan yung anak ko noh.
" Kasi po, Baby. 6:55 palang ng umaga, at 8:00 pa po yung pasok natin. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Natigilan naman siya sa sinabi ko at mukhang napapaisip pa. At maya-maya malapad itong ngumiti sa akin.
" Hehehe....Sorry po! Excited lang po kasi ako, Mommy. " cute nitong sabi sa akin.
Napangiti nalang ako saka binitawan na yung mukha niya. Baka kasi hindi ko mapigilan na diinan yung pagkakahawak ko sa pisngi niya. Nanggigil kasi ako sa kanya.
" Nasaan ang kuya mo? " tanong ko sa kanya ng kanina ko pa napapansin na wala sa tabi ang Kuya niya.
" Nasa baba po. Inuubos na naman yung yakult. " pagsusumbong nito sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako, at sabay kaming bumaba para puntahan yung kakambal niya na nasa kusina na naman....Pagpasok namin sa loob ng kusina, bigla akong napahilot sa batok ko ng makitang ilang bottle na ng yakult ang naubos niya.
" Henzo Clave! " pagalit kung sabi, dahilan para tumingin siya sa akin.
" M-mom. " utal nitong sabi at kita ko sa mukha niya yung takot na nakatingin sa akin.
" How many times I told you na nakakasama ang sobrang raming pag-inom ng yakult. " seryuso kung sabi sa kanya.
Pero bigla akong naguilty na makita kung mukhang natakot siya at idagdag mo pa yung paglungkot niya.
" I'm sorry, Mom. " nakayuko nitong sabi sa akin.
Dumukwang naman ako ng kunti para magkapantay kaming dalawa. Inangat ko yung mukha niya para iharap sa akin, kasabay non ang pagngiti ko.
" Son, hindi kita pinagbabawalan na uminom ng yakult. Pero ng makaubos ka ng sampung bote sa isang araw? Hindi na pwede sa akin yun, anak. 3 or 2 is enough....Naintindihan mo ba ako? " tanong ko na ikinatango niya naman.
" Alam mo namang makakasama yan sa health mo diba. Kaya ipromise mo sa akin na hindi na muulit toh. " sabi ko pa.
Deritso naman siyang napatingin sa akin.
" I won't promise, Mom. " sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako. Dahil kapag sinabi na nitong hindi niya maipapangako. Talagang hindi niya maipapangako ang isang bagay. Paano ba naman kasi, talagang paborito nito ang yakult na sadyang may pinagmanahan nga naman. Lagi ko siyang pinagsasabihan sa tuwing nahuhuli ko siyang marami ng iniinom. Kaya lang sadyang matigas talaga ang ulo ng anak ko.
" Claire! "
" Mom. "
" Stop that! And clean your face....Aalis na tayo. " sabi ko sa kanya.
Ang aga-aga pero parang sasakit ang ulo ko sa kambal na toh. Isa pa itong babae ko. Habang pinagsasabihan ko yung kuya niya, siya naman yung sige kain ng chocolate.....Kung ang kuya niya ay paborito yung yakult, siya naman ay yung tsokolate....Hindi ko na siya pagsasabihan dahil mukhang narinig niya naman kung ano ang sinabi ko sa Kuya niya....Kaya niligpit ko nalang yung pinagkainan nila at pinunasan yung mukha nila. Saka na kami lumabas ng bahay para sa pag-alis namin.
Inayos ko muna yung pag-upo nilang dalawa bago ako pumunta sa driver seat para magmaneho....Matagal na itong sasakyan sa akin, hindi naman siya nagmumukhang luma dahil lagi ko itong nililinisan. At may tumutulong din sa akin para sa maintenance ng sasakyan ko. Kaya nagmumukhang bago parin siya kahit na sobrang matagal na ito sa akin.
Nakarating ako sa school nila na walang sagabal sa pagmamaneho ko. Alam niyo nah, kung minsan kasi traffic o hindi naman kaya may mangyayaring hindi maganda sa daan....Inalalayan ko silang makababa sa sasakyan pagkapark ko, at saka ibinigay sa kanila yung mga gamit.
" Alagaan niyo yung isat-isa, okay. At umiwas sa gulo. " paalala ko sa kanya.
Maluko kasi itong kambal ko at ang kulit pa lalo na si Claire. Kaya talagang hindi maiiwasan na mapapaaway silang dalawa. Pero alam ko naman na hindi sila gagawa na gulo kung walang dahilan.
" Okay Mom. " nakangiting sabi sa akin ni Claire.
Napatingin naman ako kay Clave na tahimik lang. Kaya napaayos siyang tayo ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
" Clave! "
" I know, Mom. Dont worry, ako ng bahala kay Helliza. " sabi nito sa akin.
Itong mga anak ko, para ang tanda-tanda na kung umasta, eh ang bata-bata pa nila.
Hinalikan ko sila isa-isa sa pisngi bago ako nagpaalam na kanila na aalis na ako. Hindi muna sila ihahatid sa room nila, dahil kailangan kung maging maaga sa company na pinagtratrabahuan ko. Marami kasi akong trabahong dapat tapusin ngayon lalo na at end of the month.
BINABASA MO ANG
Still Loving YOU
ActionClouie Santos a single mom na kinayang buhayin mag-isa ang mga anak sa tulong narin ng mga kaibigan niya. Marami siyang hirap na dinanas simula pa nong nagbubuntis at lahat yun kinaya niya mabuhay lang ang mga anak niya! At gagawin niya ang lahat m...