Bumaba na ako ng sasakyan matapos kung itong ipark sa parking lot. Hindi na ako nagmamadaling pumasok sa loob ng building, tutal kanina pa ako late. Kaya sulitin na natin. Ngayon lang din kasi ako nakapasok simula nong na hospital si Claire. Kahit na okay na kasi yung pakiramdam niya, kailangan ko paring siyang bantayan o silang dalawa ng mga ilang araw. Nahihiya na nga ako kay Lucy at kay Troy, dahil kung minsan sila yung nagbabantay sa kambal ko kung may trabaho ako. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa dalawang yun, dahil noon palang nandyan na sila sa tabi ko para tulongan ko.
" Laila si Boss? " tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa table niya.
Nakapamewang naman siyang tumingin sa akin na nakataas pa yung kilay niya.
" Bakit ngayon ka lang pumasok, Ms. Santos. At bakit late kapa ngayon! " pagalit nitong sabi sa akin.
" E kung iumpog ko yang ulo mo sa desk mo. " seryusong sabi ko sa kanya.
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at nakangiti pang napakamot sa ulo niya....Ang sarap talagang sapakin ng babaeng toh.
" Hehehe....Nasa meeting room si Sir, kasama niya yung anak niya. "
Sasagot lang din naman ng maayos, marami pang sinabi....Tumango naman ako at aalis na sana sa harapan niya ng tinawag niya ako.
" Nga pala, Clouie. Pinasasabi ni Sir na pumunta kana lang daw sa meeting room. " sabi pa nito sa akin.
Tumango lang din ako ulit at nagpaalam na sa kanya saka pumunta na sa may meeting room.
Pagdating ko doon huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung pinto at pumasok sa may loob. At mukhang kakatapos lang din ng meeting nila, dahil nililigpit na yung mga gamit sa mesa. Napatingin ako kay Sir na ramdam kung nakatingin din siya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at pabulong na humingi ng sorry na ginantihan niya lang din ng ngiti.
Pero biglang nawa yung ngiti ko ng mapansin at makilala ko kung sino yung katabi niya. At halata sa mukha niya yung pagkagulat ng mapatingin siya sa akin....Its been a long years, pero mukhang wala paring pinagbago sa mukha niya. Tulad parin ito ng dati. Dati kung saan maraming babae ang naghahabol sa kanya.
Mapakla akong napangiti ng makita ko sa mga mata niya yung galit habang nakatingin sa akin. Matagal na panahon na yun, huwag niyang sabihin hindi niya parin nakalinutan ang bagay na yun.
" Clouie. "
Napaayos ako ng tayo ng marinig ko ang boses ni Sir ng tawagin niya ako. At hindi ko man lang napansin na nakaalis na pala yung ibang mga tao dito sa loob ng meeting room. Kaya ang naiwan nalang ay ako si Sir at yung anak niya.
Napatingin ako sa kanya at nakangiting lumapit sa kanila.
" Good morning, Sir. Sorry po kung ngayon lang ako pumasok. " sabi ko sa kanya.
" It's okay, Clouie. Naiintindihan kita kung bakit absent ka. " sabi ni Sir sa akin.
" Thank you Sir. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa katabi niya saka inakbayan ito. Bigla namang napataas ang kilay ko ng mapansin kung nakatingin parin siya sa akin.....Nasobrahan naba ang ganda ko ngayon, kaya hindi maalis-alis yung tingin niya sa akin?
" By the way son. Siya yung sinasabi kung magiging secretary mo. Mabait na bata si Clouie, kaya sana maging mabait ka rin sa kanya. " nakangiting sabi ni Sir sa kanya.
Parang hindi naman pinansin nito ang sinabi ng ama niya. Nakakunot noo parin kasi itong nakatingin sa akin.
" And Clouie, these is my son. She will be your Boss for the long years. "
Dapat ba akong magulat sa sinabi ni Sir sa akin? O dapat ako kabahan dahil siya na ang magiging boss ko.
" Nice to meet you Boss. " pormal kung sabi sa kanya.
Pero ang gago hindi man lang tinanggap ang kamay ko. Sa halip may kung ano pa ang sinabi nito.
" I dont like her to be my secretary Dad. Ayaw ko yung taong lagong late at umaabsent sa oras na kailangan ko sila. " sabi nito na madilim ang tingin sa akin.
Tinago ko yung nakakuyom kung kamao. At pinipilit ko ang sarili ko na huwag siyang tingnan ng masama.
" Hindi mo ako kailangan magustohan bilang secretary mo Mr. Wilson . At isa pa, may importante akong ginawa kung bakit absent at late ako. " sabi ko sa kanya.
Napakunot ang noo ko ng makita kung pagkagulat sa mukha niya. Na mukha bang nagulat siya sa inaasal ko ngayon.
" Mas importante pa ba yun kaysa sa trabaho mo? " parang galit nitong tanong sa akin.
" Yes Boss! Its very important than my job. At kung talagang ayaw niyo sa akin? Wala na akong magagawa don. " nakangising sabi ko sa kanya.
Kita ko naman sa mata niya yung matalim na tingin niya sa akin. At magsasalita pa sana siya ng biglang pumagitna si Sir sa pagitan naming dalawa.
" Thats enough! Hindi niyo kailangan na magtulang dalawa. And son, please! Magpakabait ka kay Clouie. Dahil siya lang yung secretary ko na pinagkakatiwalaan ko. " sabi ni Sir sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin kasabay non ang pagngisi niya na alam kung may ibig sabihin yun.
Nauna na akong lumabas sa meeting room at iniwan na silang dalawa doon. Dahil baka magkakaroon ng world war III sa pagitan namin ng anak niya.
Pumunta na ako sa may desk ko na nasa labas lang ng offuce ni Sir na ngayon ay magiging office na ng anak niya. Sakto naman ang pag-upo ko na siyang paglapit sa akin ni Laila.
" Ganyan ba ang mukha mo pagkatapos makakita ng gwapo? " sabi nito.
Kunot noo naman akong napatingin sa kanya.
" What are you talking about? At sinong gwapo ang pinagsasabi mo dyan. " nagtataka kung sabi sa kanya.
Gulat naman itong napatingin sa akin na para bang hindi ko alam ang sinasabi ko.
" OMG! Clouie! Huwag mo sabihing hindi ka nagwagwapuhan kay Sir Henry? "
Napaaahh nalang ako. Siya pala ang tinutukoy nito.
" Hindi. " pagsisinungaling ko.
Bigla akong napaaray ng hampasin ako nito sa kamay. Sinamaan ko siya ng tingin na agad namang nawala ng makita ko na nasa harapan namin ang bagong boss namin.
" Oras ng trabaho pero nagawa niyo pang magchismisan na dalawa? " galit nitong sabi.
Nagulat naman si Laila at bigla itong napatayo sa harapan niya na namumutla pa na para bang nakakita ng multo.
" I-I'm sorry Sir. " nakayukong sabi ni Laila sa kanya.
" Go to your respected area, Ms and do your work. " galit nitong sabi na kulang nalang ay sumigaw siya.
Napangisi na lang ako ng nagmamadali itong umalis sa harapan ko si Laila. Ito ba ang sinasabi niyang gwapo? Gwapo nga....pangit naman ang ugali.
" And you Ms. Santos! "
Nawala yung ngiti ko ng tumingin ako sa kanya.
" Yes Boss. "
Sandali ako nitong tiningnan saka umiwas ng tingin.
" Ipagtimpla mo ako ng kape. " sabi nito at pumasok na sa office niya.
Noon palang talagang ganyan na ang ugali niya. At kung hindi ako nagkakamali, mas lalo lang itong lumala.
*****
Hi po! Bitin po ba kayo? Kung gusto niyo pong basahin ito ng complete. Follow niyo po ako sa dreame. Nandon po lahat ng stories ko na hindi complete dito sa wattpad.
Username: GoldenMaia
Thank you!!!🥰🥰🥰
BINABASA MO ANG
Still Loving YOU
ActionClouie Santos a single mom na kinayang buhayin mag-isa ang mga anak sa tulong narin ng mga kaibigan niya. Marami siyang hirap na dinanas simula pa nong nagbubuntis at lahat yun kinaya niya mabuhay lang ang mga anak niya! At gagawin niya ang lahat m...