In the past few days, naging busy yung schedule ko. Marami kasi akong inaasikaso sa darating na party ng anak ni Sir. At mabuti nalang naayos ko lahat, tinulongan din kasi ako ni Ma'am sa pag-aasikaso. Kaya medyo naging okay na ang lahat. At ngayong araw na ito gaganapin ang party dahil sa pagkakaalam ko ngayong araw naring dadating yung anak ni Sir.
" Wala ka bang balak magpahinga ngayon? " tanong sa akin ni Troy.
Nandito kasi ako sa pwesto niya ngayon, dito ko kasi makimita lahat ng mangyayari ngayong gabi. At isa pa, para may kausap din ako na kakilala ko. Yung iba ko kasing co-workers may kanya-kanyang ginagawa. Kaya mas mabuti ng dito nalang ako sa tabi ni Troy na talagang makakasundo ko.
" Ilang oras nalang dadating na yung anak ni Sir. Kaya kailangan kung siguraduhin na maayos na ang lahat. " sabi ko sa kanya.
Nagpaalam muna ako saglit kay Troy at pinuntahan yung mga bandalist na nasa gitna ng stage para kamustahin sila.
" Ate Clouie! " nakangiting sabi ni Hank ng makita niya ako.
Ngumiti naman ako sa kanya saka siya niyakap pagkalapit ko sa kanya.
" Kamusta? Maayos na ba ang lahat? " tanong ko sa kanya.
" Mas magiging maayos kung kasama ka namin Ate. " nakangisi nitong sabi sa akin.
" Oo nga Ate Clouie. Nakakamiss kang kasama. " sabi naman nong ka banda niya sa akin.
" Mga loko talaga kayo. Alam niyo namang may trabaho na ako ngayon. " nakangiting sabi ko sa kanila.
Isa si Hank at ang mga kasama niya sa banda na nasa tabi ko nong mga panahon na kailangan ko ng katulong o kasama sa buhay habang pinagbubuntis ko ang kambal ko. Isang tawag ko lang sa kanila, agad silang dumadating sa bahay para tulongan ako. Kahit na may gig sila. At naging sobrang close din sila ng mga anak. Lalo na kay Hank na talagang spoiled sa kanya ang kambal.
" Kailan ka dadalaw sa bahay? Hinahanap kana ng kambal sa akin. " tanong ko sa kanya
Napakamot naman siya sa ulo niya na para bang hindi alam kung ano ang isasagot.
" Sobrang busy kasi yung schedule namin Ate Clouie. Kaya hindi ko pa alam kung kailan ako makakadalaw sa inyo....Namimiss ko na nga rin sila eh. " sabi nito sa akin.
" Ganun ba. Pero make sure na makakadalaw ka sa amin ha. Kung hindi magtatampo ako sayo, lalo na yung kambal. " sabi ko na ikinatango niya naman.
Iniwan ko na sila doon at bumalik na sa pwesto ko kanina, dumating na daw kasi yung anak ni Sir.
Napatingin naman ako kay Troy na mukhang kababalik lang din na nakakunot na yung noo at parang hindi mapakali....Nilapitan ko siya at hinawakan yung balikat niya paharap sa akin para magrelax siya.
" Are you okay? " tanong ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. At doon ako nakaramdam ng kaba ng makita ko yung pag-alala sa mukha niya.
" We need to go. "
" Ha? Bakit? " kunot noo kung tanong sa kanya.
" Sinugod sa hospital si Claire. "
Pagkarinig ko non, ako na mismo qnh humila sa kanya palabas ng function hall. Kinuha ko naman yung susi ng sasakyan kay Troy at pumasok sa driver set at pinatakbo ng mabilis pagkapasok ni Troy sa passenger set.
Habang nagmamaneho ako. Ilang ulit kung dinadasal na sana walang mangyaring masama sa anak ko. Dahil kapag nagkataon, talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Still Loving YOU
ActionClouie Santos a single mom na kinayang buhayin mag-isa ang mga anak sa tulong narin ng mga kaibigan niya. Marami siyang hirap na dinanas simula pa nong nagbubuntis at lahat yun kinaya niya mabuhay lang ang mga anak niya! At gagawin niya ang lahat m...