Pagdating ko sa company na pinagtratrabahuan ko. Kaagad akong pumunta sa table ko at tinapos yung dapat kung tapusin kahapon. Hindi ko kasi natapos lahat kahapon sa sovrang raming dapat kung e incode at isa pa kailangan ko ring sumama sa mga meeting na dapat puntahan ni Sir at arrange yung schedule niya. Alam niyo nah, bilang secretary niya, kailangan ku ng gawin ng maayos ang trabaho ko. Para maging maayos lang ang takbo ng lahat.
Napatigil ako sa pagtitipa sa keyboard ng may biglang nagtext sa akin. Pagtingin ko yung pangalan ni Sir ang nakalagay, kaya agad kung binasa ang text niya. At ng matapos kung basahin yun at magreply sa kanya. Sinave ko muna yung naitype kuna saka inayos yung keyboard at tumayo.
" Excuse muna, Team. Itigil niyo muna yang ginagawa niyo....Papunta na dito si Sir para imeeting tayo. Kaya sa conference room muna tayo. " sabi ko sa kanilang lahat.
" Teka! Clouie. Bakit daw? Anong ganap? " nakangiting tanong sa akin ni Laila na co-workers ko/kaibigan ko dito sa office.
" Abat malay ko. Bakit hindi si Sir yung tanungin mo. " sabi ko sa kanya na ikinasimangot niya.
Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ang imemeeting sa amin ngayon ni Sir. Hindi porket secretary niya ako e kailangan ko na alam ang lahat. At isa pa, hindi ako chismosa noh.
Nagkwentuhan muna kami sa loob habang hinihintay namin si Sir. Hindi na kami magtataka kung bakit late na naman yun. E lagi naman, kaya sana na kami sa kanya.
" Good morning everyone. " seryusong sabi ni Sor pagkapasok niya sa loob.
Kaya umayos naman kami ng upo lahat. Seryusong naglalakad si Sir sa harapan saka humarap ito sa aming lahat....Matanda na si Boss, pero hindi parin maitatago dito ang taglay na kagwapuhan at kakisiga nito....Nong unang pasok ko pa nga lang dito sa company niya. Akala ko bata pa siya, pero nalaman ko nalang na may asawa na pala ito at may dalawang anak. At hindi rin maiiwasan na maraming lumalapit sa kanya dahil palagi siyang pinagkakamalan na binata. Pinababantayan nga siya sa akin ni Ma'am eh. Kahit na alam niyang hindi siya magagawang lokohin ng asawa niya.
" I call all of you, because I have an important to say. " pagsisimula nito.
At seryuso naman kaming nakikinig sa kanya lahat. Dahil mukhang importante nga, ang seryuso din kasi ng mukha niya eh.
" Next week, dadating na yung anak ko galing States. At siya ang pinili kung papalit sa pwesto o posisyon ko. And I want to all of you to welcome him gratefully. And treat him the way you treat me. Maaasahan ko ba kayo dyan? " tanong nito sa amin.
" Oo naman Sir. For sure kasing bait niyo rin ang anak niyo. " nakangiting sabi namang co-workers ko.
Ngumiti lang sa kanya si Boss na para bang ibang-iba ang sinasabi nito.
" Wait lang, Sir.....Kasing gwapo niyo rin ba ang anak niyo? "
Parang ang sarap sampalin ni Laila. Sa dami-dami ng dapat niyang itanong yun patalaga ang pumasok sa isip niya? Pasalamat lang talaga siya mabait si Sir. Kung hindi baka kanina pa siya nitong sinigawan.
" Malalaman mo ang sagot kapag nakita mo siya sa personal. " nakangiting sabi ni Sir sa kanya.
Nakangiti namang tumango sa kanya si Laila. At parang baliw na nag-iimagine.
Pagkatapos magmeeting si Sir, bumalik naman kaming lahat sa trabaho namin. At tinapos ang iniwan naming trabaho kanina. At isa pa, kailangan ko ding tapusin ang pinapagawang report ni Sir, dahil kailangan niya ito bukas.
Agad akong napatayo ng lumabas si Sir sa office niya.
" May kailangan kayo, Sir? " tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Still Loving YOU
ActionClouie Santos a single mom na kinayang buhayin mag-isa ang mga anak sa tulong narin ng mga kaibigan niya. Marami siyang hirap na dinanas simula pa nong nagbubuntis at lahat yun kinaya niya mabuhay lang ang mga anak niya! At gagawin niya ang lahat m...