Kabanata 2

4.8K 122 16
                                    

Kabanata 2

Time

"Bakla ano na namang gagawin mo?"

Inis kong binalingan si Perlita. Shit, sana pala hindi ko nalang siya sinama dito! Nakakainis ah! Kanina pa siya daldal ng daldal!

"Wag ka munang maingay, Perlita!" mahinahon kong sabi.

She protruded her lip.

"Hindi kita maintindihan! Ang init-init tapos lakad tayo ng lakad. Sino ba kasi sinusundan natin?"

I sighed heavily. Napatingin ako kay Cavios habang kaharap si Lachelle. Nasa isang fine restaurant sila at nagdi-date. Ingit na ingit ako dahil gusto kong ako yung kasama niya ngayon. Kumuyom ang palad ko habang galit na tinignan ang babaeng umaangkin sa pagmamay-ari ko! Kapag talaga makahanap ako ng ibang paraan para makuha siya, hinding-hindi ko na ibibigay pa.

"Nasa restaurant na iyan si Cavios at Lachelle, Perlita. Guguluhin ko sila para mawala ang kasiyahan sa kanilang date!" batid sa boses ko ang masamang balak.

Napahinga ng malalim si Perlita.

"Shekky, tigilan na natin 'to. Nasasaktan ka lang e! Hayaan mo na siya sa ibang babae. Tanggapin nalang natin na hindi talaga kayo para sa isa't-isa." she said honestly.

My heart stop from beating when I heard it. I know, she's right! She's right because that's the reality! I am no good to him! Lupa ako at langit siya. Mahirap ako at mayaman siya. May babaeng magandang nobya at ako ay pangit. Kaya sino sa amin ang pipiliin niya? Siguradong hindi ako 'yon! Kasi alam kong wala akong makukuha sa kanya. Pero bakit nandito ako ngayon? Bakit sinusundan ko sila? Bakit parang mukha akong tanga dito na naghihintay sa kanila?

"Umuwi nalang tayo. Baka malaman pa 'to ni sir Gavino at ma'am Glenda." she said.

Umiling ako at nagpupuyos sa galit na tumayo. No way! Kailangan kong lumaban! Kailangan kong ipakita sa kanila na hindi ako basta aatras! Na lalaban ako kahit pa ganito lang ako! Na gagawin ko ang lahat para sa kanya. Hindi ko na pinansin si Perlita at mabilis akong naglakad papasok sa restaurant. Hapon na iyon at uwian na. Mabilis akong lumapit sa pwesto nila at walang alinlangang inabot ang baso ng juice at binuhos sa babaeng kinagagalitan ko.

Napasinghap ang mga tao sa ginawa ko. Naramdaman ko ang mariing kamay sa braso ko, napabaling ako kay Cavios at halos manglumo dahil sa madilim niyang mata. Naghihingalos na lumapit si Perlita at hinawakan ako.

"What the fuck are you doing!?" he said furiously.

Si Lachelle ay hindi makapaniwala sa ginawa ko. Umpisa palang ito! Umpisa palang sa gagawin kong panggugulo! Hindi ako titigil hanggang sa hindi kayo maghiwalay!

"Ahh s--sir pasensya---"

"You damn hell! Fuck!" galit niyang sabi.

May lumapit na guard at hinawakan ako sa braso. Tumayo si Cavios at ganoon pa rin ang tingin sa akin. Si Lachelle naman ay tumayo na rin at inalalayan ng waiter papunta sa banyo. Napahinga ako ng malalim, natauhan sa ginawa ko.

"Sir, kilala niyo po ba ang babaeng ito?" tanong ng gwardiya.

Umiling si Cavios at malamig na tumingin sa akin.

"Hindi. Hindi ko kilala ang pangit na babaeng iyan. Take her out!" he said coldly.

I was about to protest when the guard pulled me out from the restaurant. Nakasunod sa akin si Perlita habang hingal na hingal. Napakurap-kurap ako sa nangyari, parang nawala ang sanib sa ginawa.

"Oh my goodness, bakla ka! Bakit mo ginawa 'yon? Shit ka gurl! Muntik na tayong makulong!" inis na sabi ni Perlita.

I sighed heavily. Hindi pa ako kuntento! Kulang pa ang ginawa ko! Babalik ako at babawi! Guguluhin ko silang dalawa!

Costiño Series 10: Forgetting You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon