Kabanata 15
Makatakas
Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ngayon. Halos hindi niya ako pansinin kahit nung kumain kami ng hapunan. Nagluto lang siya ng pagkain tapos hindi na ako pinansin. Nakakainis, pakiramdam ko'y sobrang laki ng nagawang kasalanan sa kanya. I feel so guilty and at the same time, afraid that he might leave me now. Hindi naman sa gusto kong i-abort o mawala ang anak namin, ang tanging ibig sabihin ko lang naman ay baka hindi pa kami handa. Pero ayon sa kanyang sinabi kanina, handa naman siya kaya bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin.
Shit, hindi pa naman ako sanay na hindi niya pinapansin. Para akong mababaliw na gusto ko nalang umiyak dahil sa frustration. Kanina pa e, hanggang dumating nalang ang gabi ay ganoon pa rin. Hindi niya pa rin ako kinikibo. Sumasabay pa itong emotional feeling ko dahil sa pagbubuntis. Mabigat ang damdamin, maraming iniisip at sumasakit ang puso dahil sa ginagawa niya.
Nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng TV. Hindi naman ako makalapit dahil natatakot ako. Baka kapag lumapit ay lumayo naman sa akin kaya ayoko at kinakain agad ako ng takot. Nakatayo lang ako malayo sa kanya, hawak ko ang popcorn at juice para sana ibigay at gawin peace offering ngunit hindi ko naman magawang lumapit. Goodness, I feel so coward now! Malaki nga yata ang kasalanang nagawa ko kaya kung bakit hindi niya ako pansinin. Napahinga ako ng malalim, inisip ng mabuti ang gagawin. I have to be strong! Kung hindi ako gagawa ng paraan para magka-ayos kami, then everything will be worthless.
Naisip kong lumapit sa kanya at yakapin siya agad ng mahigpit. Siguradong kapag nagawa ko 'yon, hindi siya papalag at yayakap din pabalik sa akin. In that way, we will be okay again. Tsaka ko ibibigay ko ang popcorn at juice tapos uupo sa tabi niya para manood kami ng sabay. That's right! My idea is bright! Ang talino ko talaga! Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko bago naglakad palapit sa kanya. Nakatalikod siya sa akin, focus na focus sa pinapanood na horror. Nilapag ko ang popcorn at juice sa lamesang nakita at mabilis siyang niyakap sa likod. He stiffened when I hug him tightly.
Ang akala ko'y yayakap siya pabalik ay gumuho ng tinanggal niya ang braso ko sa kanya at tumayo ng walang lingon-lingon sa akin. Shit! Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, para akong sinabuyan ng asido sa mukha sa sakit at hapdi. Natuod ako at gustong umiyak. Dulot ng kapaguran at sakit na nararamdaman, sumigaw ako.
"Ano ba kasing problema mo, Bidong? Ano ba? Nakakainis ka na huh! Wag mo akong talikuran ng ganito!" I said frustratedly.
Huminto siya ngunit hindi humarap sa akin. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya, kumuyom ang kamao at huminga ng malalim. Wala siyang sinabi at lumakad na ulit. Gosh! Ganito na lang ba kami habang buhay? Hindi niya ba talaga ako papansinin? Kahit sa pag-anak ko ay ganito siya? Siguro…may ibang babae siya kaya ganito na ang akto sa akin! May ibang babae siya at ito ang paraan niya upang palitan ako! Upang iwan ako at pumunta na sa ibang babae niya! Tama! Kaya niya 'to ginagawa upang sabihin nilang ako ang may sala kaya mas pinili ni Cavios na palitan ako.
Bumuhos ang luha ko habang iniisip iyon. Sobrang sakit isipin na meron siyang ibang babae. Gago siya, bakit niya pa ako pinakasalan kung may ibang babae naman pala! Walanghiya siya! Kung ito ang paraan niya upang alisin ako sa buhay ay magsisisi lang siya. Ayaw na niya sa akin dahil buntis na ako! Ayaw na niya dahil hindi na ako maganda at birhen! Ayaw na niya dahil mas maganda ang babaeng tinatago kaysa sa akin. Hayop siya! Ngayon pa talaga niya ako ginagalit huh!
Pinulot ko ang popcorn at juice, umupo sa sofa at umiiyak na nanood nalang ng TV. Hindi tuloy ako natatakot dahil sa nararamdaman, at parang comedy ang horror na pinapanood ko. It was A Quiet Place two, and the movie become comedy for me. Pinalis ko ang luhang tumulo kahit nanonood. Umiling sa sarili at mababaliw na sa inis at galit. Nag-desisyon akong patayin nalang ang palabas at umakyat sa taas upang matulog. Maingat akong pumasok sa loob ng kwarto namin, hindi ko nakita si Cavios kama kaya nagtaka na ako. Where is he?
BINABASA MO ANG
Costiño Series 10: Forgetting You (HANDSOMELY COMPLETED)
Roman d'amourCavios Archilles Costiño, a handsome son but a serious type of man. There is a girl who is having a crush on him. That girl is always saying the word that make him irritated and anger. Isang hamas na anak ng kasambahay lang naman ang babaeng gustong...