Liam's POV
"Saan ang punta mo?" tanong sakin ni Carl
"May imimeet lang ako" Sabi ko habang inaayos ang butones nang polo ko
"May date ka!?" Gulat na tanong niya dahil alam niyang wala naman akong dinidate at wala pakong balak mag girlfriend dahil marami pakong inaasikaso.
"Tss.. Wala, yung babae kahapon sa apartment siya yung imimeet ko kailangan namin pag-usapan kung kanino mapupunta yung apartment.
"Ahh yung magandang babae, bakit di mo nalang kase hayaan sa kaniya yung apartment, madami ka namang pera bumili ka nalang.
"Kailangan ko rin yung bahay Carl atsaka hindi siya ganun kaganda para pag-bigyan"
Bigla nalang siyang tumawa at umiling-iling "Ang ganda kaya niya kita mo yung grey niyang buhok tas brown niyang mata, kahit sino mahuhulog sa kanya no, parang gusto ko na nga siya e" he said while laughing
"Wala namang panget sayo e basta payag sa kama pupurihin mo ng husto" asar ko sa kanya
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha nakita kong nag text na sakin si Lyle na nandun na siya sa coffee shop kung saan kami mag kikita.
"Alis nako" paalam ko kay carl dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa si Lyle doon.
"Good luck" he said while tapping my shoulder.
Lyle's POV
Nandito nako ngayon sa isang coffee shop Kung saan kami mag-tatagpo ni Liam. Nakasuot ako ngayon nang white shirt at maong shorts tinernohan nang flat shoes at sling bag. Sinimplehan ko lang ang suot ko dahil hindi naman ganun ka GWAPO ang imimeet ko.
Umayos nako nang upo dahil natanaw ko na siya sa entrance, Hindi ko alam pero bigla nalang tumahimik ang loob ng coffee shop pagka pasok niya lahat ata nang tao ay nakatingin sa kanya kahit ako ay hindi ko maiwasang iiwas ang tingin ko sa lalaking papalapit sa table ko. Gusto kong bawiin ang sinabi Kong hindi naman ganun ka GWAPO ang lalaking imemeet ko dahil sa tanan nang buhay ko ngayon lang ako nakakita nang ganito ka perpektong lalaki. At Hindi sapat Ang salitang gwapo para idescribe ang lalaking ito. Nakasuot siya ng black polo shirt at jeans hindi rin nakaayos ang buhok niya pero mukang sinandiya niya iyon.
Dahil sa sobrang pagka titig Hindi ko nanamalayan na naupo na pala siya sa harapan ko.
"Tsss." bigla niyang sabi na nagpagising sa diwa ko. Nahihiya kong iniwas ang paningin ko sa kanya dahil baka mag assume siya na may gusto ako sa kanya.
"Ehem" Sabi ko sabay inom ng juice na inorder ko dahil parang bigla akong nainitan nang maupo siya sa harap ko.
He smirked " sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil konting oras lang ang ilalaan ko sayo"
"Yung apartment, kailangan na kailangan ko talaga yon kaya pwede bang hayaan mo nalang sakin iyon." Diretsong sabi ko sa kanya
"Hindi pwede" nakasandal siya sa upuan habang magka krus ang kamay at diretsong nakatingin sakin. Hindi ko alam pero naiilang ako sa mga titig niyang iyon.
"Bakit hindi pwede, eh mukang mayaman ka naman kayang kaya mong bumili nang sarili mong bahay o kaya mag condo ka nalang" naiinis kong sabi sa kanya, pero kalamado parin siyang nakatingin sakin .Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano.