chapter 5

50 9 2
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng likod ko Kaya agad akong bumangon napahawak pa'ko sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. Ipinalibot ko ang tingin sa silid dahil mukang hindi Ito pamilyar at napamaang pa'ko ng makitang hindi Ito ang silid ko. Agad kong inalala ang mga nangyari kagabi pero sumasakit lang lalo ang ulo ko. Ang naalala ko lang ay nag punta ako sa bar at nag lasing ng nag lasing pagka tapos non ay wala na'kong maalala pa. Bigla nalang akong kinabahan sa naiisip kaya agad kong tinignan ang sarili, nakadamit pa naman ako at hindi rin masakit ang pagka babae ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Inayos ko ang sarili ko at kinuha lahat ng gamit ko, tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintok nagulat pa ako nung makita kung sino ang pumasok.


"Gising ka na pala" agad siyang nag tungo sa pwesto ko at may inilapag na paper bag sa lamesang katabi ng sofa.


"Nasan ako?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Umupo muna siya sa katabing sofa at nakataas kilay na tumingin sakin.

"In my office" bahagya siyang sumandal sa sofa pero ang paningin ay nasa'kin parin.

"B-Bakit ako nandito?" ngunot noong tanong ko sa kaniya

"Hmmm....bakit ka nga ba nandito?" Binalik niya lang ang tanong sa'kin at naiinis ako dahil umaakto siya na parang nang aasar.


"Pumunta ba'ko dito ng kusa???" kinakabahan ako dahil baka nga pumunta ako dito ng kusa dahil sa kalasingan ko.


Bahagya siyang tumawa "kumain ka muna, mamaya na natin pag usapan ang ginawa mo" pag katapos nun ay umalis na siya sa kinauupuan niya at lumabas ng pinto.


Napasabunot ako sa buhok dahil Wala akong maalala kagabi kahit isang detalye. Binuksan ko nalang ang paper bag na dala niya kanina at nakitang may soup Ito may sticky note pa na nakadikit dito at may nakasulat na- "Babayaran mo'to" agad kong nilamukos ang papel dahil sa nabasa. Nabibwiset na'ko dahil alam kong pinag titripan niya lang ako. Nakaramdam na'ko ng gutom kaya wala akong choice kundi kainin ang pagkain na nasa harap ko.


Pagkatapos kong kumain ay lumabas na'ko ng silid at nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at may binabasang kung ano. Mukang naramdaman niya ang presensiya ko kaya agad siyang lumingon sa direksiyon ko.


"Aalis na'ko" paalam ko sa kaniya, akma sana akong lalabas ng bigla siyang mag salita.

"May sinabi ba akong umalis ka?" Sabi niya dahilan para mapalingon ako

"Ha?" Takang tanong ko sa kaniya


"Maupo ka, usap tayo." Hindi ko alam pero kusang kumilos ang katawan ko para sundin ang utos niya. Naupo ako sa mahabang sofa katabi ng table niya, tinapos niya muna ang ginagawa bago tuluyang bumaling sakin.


"Anong pag uusapan natin?"

"Yung ginawa mo kagabi." Ngumisi siya at pasimpleng humawak sa labi.


Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba dahil sa ginawa niya. Pilit kong inaalala kung anong ginawa ko kagabi pero Wala talaga.


"Ahm.. may ginawa ba'kong kakaiba kagabi?" Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya pero alam kong naka titig siya sa'kin.


"Hmm...pinahirapan mo lang naman akong buhatin ka kagabi at sinukahan mo ang kotse ko and lastly hinalikan mo'ko" naintindihan ko naman lahat ng sinabi niya pero ang nag sink in talaga sa utak ko ay yung HULI NIYANG SINABI!!!!!!!


Unexpected Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon