Timikhim muna ako bago mag salita. "Pumapayag na ako sa desisyon mo" bigla kong sabi kaya agad siyang napatingin sakin.
"Pumapayag na akong tumira kasamaka"
Nakita kong napangisi siya. Tumayo siya sa inuupuan niya at lumakad papalapit sakin.
"Sigurado kaba sa desisyon mong yan?" Tanong niya sakin habang nakatayo sa harapan ko at naka cros arm.
Napalunok ako kasunod ng pag tangu ko. Wala na kong ibang maisip na desisyon dahil ang kailangan ko talaga ngayon ay matitirhan. Ni hindi ko inisip Kung anong magiging buhay ko kasama ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi na sumagi sa isip ko na baka masama itong tao basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang kalagayan ko.
"Bakit yan ang naisip mo? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka masama akong tao dahil hindi naman tayo mag kakilala." Takang tanong niya sakin.
Umiling ako "Ewan ko, Hindi ko rin naman to ginusto eh basta sa ngayon ay kailangan ko nang matutuluyan. Wag kang mag-alala pag nakaipon ako kusa akong aalis sa bahay"
"Okay, bukas ng umaga samahan moko sa manila para makausap na natin yung land lady tutal dalawa naman tayong titira doon e"
"Sige, itext mo nalang sakin kung anong oras tsaka kung saan tayo mag kikita"
Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil kailangan ko naring umalis.
"Mauna na ako " paalam ko sa kaniya sabay labas sa opisina niya ni hindi ko na hinintay ang salita niya dahil sa kabang nararamdaman ko.
Napag pasiyan kong mag Jollibee muna at doon mananghalian dahil kanina pa ako nagugutom umorder lang ako ng burger at fries dahil kailangan kong mag tipid. Pinapunta ko narin sina Ji at Kirby para masabi ko na sa kanila ang desisyon ko.
Nandito na sila Ji sa harapan ko medyo kinakaban pa ako dahil alam kong tutol si Kirby sa desisyon ko pero Wala naman akong paki sa kaniya kaya bahala na.
"So, bakit mo kami pinapunta dito" tanong sakin ni Ji habang nakasandal sa kinauupuan at magka krus ang mga kamay.
Si Kirby rin ay ganun ang posisyon nakasandal at magka krus ang kamay habang diretsong nakatingin sakin mukang nag aantay rin ng sasabihin ko.
"T-tungkol to sa bahay sa manila" nauutal ko pang sabi.
"Oh anong meron, ikaw naba ang titira doon?" tanong ni Ji
"O-o" sabi ko sabay kagat sa ibabang labi
"For real? Buti binigay sayo ng lalaking yon" namamangha pang sabi ni Kirby
"A-ano kasi hindi naman niya pinaubaya sakin" habang tumatagal lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, at nag uunahan naring tumulo ang pawis ko. Sobra akong kinakabahan.
"Eh ano lang?" tanong ni Ji
Napalunok ako "kasama ko siyang titira sa bahay" kinakabahan kong sambit
"Ano!!!?" "What!!!" Halos sabay nilang sabi. Napatingin pa samin ang ibang customer dahil sa ingay nila.
"WTF Lyle!!?, Ano ba yang pinagsasabi mo?" galit na sambit ni Kirby.