Kanina pa kami walang kibuan habang nasa sasakyan, isang tanong isang sagot lang ang nangyayari sa amin dahil siguro ay naiilang pa kami sa isa't Isa. Agad akong nakaramdam ng pagka-ihi kaya bigla akong kinabahan, nanginginig na ang hita ko kaya nag pabaling baling ako ng pag upo baka sakaling makaya ko pang mag pigil. Mukang nakaramdam si Liam sa kakulitan ko sa pag upo dahil panay ang lingon niya sa akin.
"Are you okay?" Tanong niya habang ang paningin ay nasa daan.
(Shit! Sasabihin ko ba?!) Pati ang isip ko ay kinakabahan
"Ahm...ayos lang ako, gutom lang to." Pag sisinungaling ko kahit na ihing ihi na ako.
Bahagya siyang lumingon sakin " that fast? Kakakain lang natin bago tayo umalis ha." Natatawa pa ang loko.
"Pakielam mo! Mabilis akong magutom e" ramdam kong pinag papawisan ako kahit na naka air con naman ang sasakyan. Mukang hindi na makapag pigil ang ihi ko kaya bahagya akong gumalaw para maiwasan ang lalong pag ka ihi pero mukang galit ata sakin si lord dahil naramdaman kong may konting ihing lumabas dahilan para mabasa ang panty ko.
(Damnn!!!! Bat ngayon pa) galit kong singhal sa isip.
"L-liam!" Pag tawag ko kay Liam ramdam ko ang pag tulo ng pawis ko sa leeg ko, at nag iinit narin ang katawan ko.
"What? Gutom ka na ba talaga?" Nag tatakang tanong niya
"H-Hindi ko na pamigilan" nakahawak na ako ngayon sa puson ko para lang mapigilan itong lumabas.
"Hindi na talaga? Okay mag drive thru tayo" akma niyang ililiko ang sasakyan pero sumigaw na ako.
"NAIIIHI NA AKO!!" Parang gusto ko ng umiyak. Nilingon niya ako ng may halong pag tataka pero mukang naintindihan niya naman ang sitwasyon ko dahil bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa puson.
"Damn woman! Bakit hindi mo agad sinabi?!" Ramdam ko ang inis niya, buti nalang ay may malapit na gasolinahan at agad siyang lumiko doon. Pag ka hinto ng sasakyan ay agad agad na akong bumaba at tumakbo papuntang C.R muntik pa akong maligaw.!
Pag ka baba ko ng jeans ko ay nakita ko ang basa kong panty, (baka kung anong isipin niyo ha! Dahil ito sa ihi hindi sa kuna ano!). Pag ka tapos kong umihi ay pinalitan ko ang panty ko dahil baka mamanghi iyon. Lagi akong may dalang under wear at napkin sa bag for emergency buti nalang ay girls scout ako nung elem. Inayos ko narin sa sarili ko dahil ang dugyot kong tignan, itinali ko ng bun ang buhok ko at nag lagay ng kaunting lipstick. Pag ka labas ko ay nakita kong nasa labas si liam habang nakasandal sa kotse niya at umiinom ng beer.
"Are you done?!" Tanong niya na may halong ngisi sa labi.
"Ano sa tingin mo?!" Sarkastiko kong sagot at saka sumakay sa kotse. Pumasok narin siya at ibinato ang lata ng beer sa back seat at nag seat belt na.
"Btw, I bought you this" iniabot niya sa akin ang paper bag na may lamang siopao, burger at tubig. "Ayaw mo ba? I'm sorry yan lang kasi available sa convenience store" Hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya dahil naka focus ako sa siopao. Hindi ko namalayan ay umiiyak na pala ako.
"What happen? Are you okay?" Narinig ko kinalas niya ang seatbelt at lumapit sa akin, kinapa niya pa ang noo at leeg ko. Agad kong pinunasan ang luha ko at umayos sa pag kakaupo.
Tumango ako "Ayos lang ako, naalala ko lang si mama" nakatingin ako ngayon sa labas dahil ayokong ipakita sa kaniya ang namumula kong mata.