/2/ The Crest

34 11 15
                                    

XYVE'S POV 

As our car get nearer, isa lang ang masasabi ko. 'Wow' just wow. The gates' towering heights welcomed us extendeng on how far will it go, I don't know, basta parang Great wall of China ang peg.

Kusa na lamang bumukas ang gate at dere-deretso nalang na inimaneho ni Mamu ang sasakyan hanggang sa makapasok. Pero bago pa man kami makapasok ng husto eh meron akong naramdaman na kakaiba, parang force siya na napagtanto ko'y ito ang barrier that protects the academy most especially the students that is residing here for the whole school year.

Nagpalinga-linga ako at konti nalang para malaglag ang panga ko. This is not a school! This is a city! Merong mga nagtataasang mga building ang naririto. May mga malls, fine-dining restaurants, and more. A city behind walls.

"We're here," seryosong ani ni Mamu ng pinarada niya ang sasakyan sa harap ng isang building. A four-storey building. Wala akong makitang mga estudyante sa daan, nasa kani-kanilang dorms siguro. Saturday kasi ngayon kaya malamang walang klase. Sa Monday pa mag-uumpisa ang school year. Noong 15 years old pa sana ako mag-aaral dito kaso that nightmare happened. Kaya na-delay. I am 17 now, incoming 18 three months from now. January ngayon at April naman ang birthday ko.

Yeah, you heard it right, nauna ang school days dito kesa sa Mortal World na June ang pasukan, advance dito eh. Bumaba na kami sa sasakyan dala ang mga gamit ko at merong sumalubong sa amin na isang butler in his mid-50's I think? He has this smile plastered on his face that compliments his eyes na singkit. Hala, nawala ang mata ni Kuya. Si Mamu naman ay sinalubong din ito ng ngiti na tipid at agad na sumeryoso habang ako naman, I wear my blank expression, as always. It's just that na kay Mamu lang ako nagiging clingy and sweet and caring and such.

"Welcome, Ms. Sora and hello there young lady. Headmaster Vince is expecting you. Follow me," aniya.
Tinanguan namin siya ni Mamu at sinundan.

Nang buksan nito ang pinto ay napahanga ako nito sa simpleng disenyo lamang, isang bulwagan ang sumalubong sa'min na meron chandelier na 'di kalakihan sa medyo may kataasan nitong bubong. Sa unahan naman namin ay merong hagdan na nasa kanan at meron namang elevator sa kaliwa. Gets niyo? Kung hindi, hindi ko na problema 'yun.

Lumiko siya sa kaliwa at ayun nga, elevator ang bagsak. Sabagay, mahihirapan naman kasi ako kapag sa hagdan pa eh meron akong maletang dala. Sumakay naman kami sa loob ng elevator at pinindot nito ang button kung saan merong nakalagay na HM, which is the top floor.

'Di nagtagal, naka-apak na kami sa floor na patutunguhan namin. We went to the West wing and stop on the second door. The Butler knocks three times before opening it.

"Headmaster, they're here," saad nito nang makapasok kami.

"You may leave, take her laugage in her room," sabi nito habang nakatingin parin siya sa bintana at nakatayong nakaharap doon na pinagmamasdan ang tanawin.

Tumango at nagbow ang Butler tsaka nito kinuha ang gamit ko at lumabas na. Ngayon tatlo na lamang kaming natitira dito. I just kept my belt bag with me.

"Long time no see Vince," bati ni Mamu kay Headmaster.

"Yeah, haha. Wala ka paring pinagbago Sora. Still serious as ever. Haha," sagot nito kay Mamu at humarap na. Oh! Mukhang ang bata pa ni Hm ah, parang magkasing-edad lang sila ni Mamu. By his looks, his hair is brushed up well that matches his blue polo na nakatuck-in pa at ang necktie niyang stripe na maroon and black, then black pants at black shoes. His eyes is brown that turns into green in a span of 30 seconds. Nasa mid-30's na kasi si Mamu. Siguro ganun din siya.

The Chosen One [ON GOING]Where stories live. Discover now