XYVE'S POV
Bago pa man ako makatayo ay meron nang tumayo sa harap ko pero hindi ko nalang pinansin. Nauna na din ang ibang mga kaklase namin at kami nalang din ang nakatira dito sa loob ng classroom. Kasi naman eh, hindi pa ako makaget-over doon sa naganap sa ilog na iyon. Ikaw ba naman kasi halikan nalang basta basta. Sh!t talaga kasi naman first kiss ko 'yon eh. Huhu.
Boogshhhhh!
At bago pa man na makapagsalita ang bawat isa sa amin. May narinig naman kaming pagsabog. Meron din akong naramdamang masamang aura at isang mabigat na masamang aura. I quickly looked up to him and with a knowing look, we both nod and hurried to where we heard the explosion.
Natagpuan na lamang namin ang aming mga sarili sa harap ng academy. Nandoon na din ang mga Astarlians at ang ibang mga professor at si headmaster.
Naglalaban sila at meron na ding mga estudyanteng mga nasugatan. The healers help them out sa pamumuno ni Sofia. Naglalaban na din ngayon si Eydan sa mga deviants. Deviants are creatures that looked like roots that came to life. They are apex predators that there are no higher predators than them that can hunt and kill them. They feed on flesh of every being that they can sense that has powers just like us galads.
Bigla nalang akong naalerto nang may sumugod sa akin. I quickly summoned my katana and kill the deviant that is ready to devour me. Tumalon ito papunta sa akin like a hungry wolf that has hunted its prey. Mabilis naman akong umilag at pumunta sa gilid and smashed its side. Natamaan ito at umungol sa sakit.
Tumingin siya sa akin ng nanlilisik na mga mata at sinugod na naman ako. Sinalubong ko siya ng takbo at nang halos magkatapat na kami ay nagslide ako sa ilalim niya and sliced it in half mula sa ilalim. Umungol uli ito at bigla na lamang bumagsak.
Nagpatuloy lang ako sa pakikipaglaban. Nakita ko din ang mga kasamahan ko na mukhang pagod na pagod na dahil hindi basta basta nilang napapatay ang mga nakakaharap nila. I admit deviants are really hard to kill because they are at the top of the chain in the predators list. Pero para sa akin ay sisiw nalang din silang patayin kasi back in mortal world, I used to train using them in our training room in the simulation.
Sa una nahirapan ako but as time goes by, its easy as pie.
Hindi ko na alam kung anong oras na ba dahil nagsisimula na ding dumilim ang paligid. Lumayo na muna ako sa kanila at nagtago sa isang sulok to change into my other form.
☽︎ THIRD PERSON POV ☾︎
Pilit pa rin nilalabanan ng mga Astarlians at ibang guro pati na rin si headmaster ang mga deviants. Hindi nila maaring gamitin ang kanilang mga kapangyarihan kasi wala din namang silbi. Kagat lang kasi ng sisiw para sa mga deviants kapag natatamaan sila nito. Kaya hayun, ang kanilang mga sandata ang kanilang ginamit.
Patuloy lang sa pagbaril si Tyler sa bawat sumusugod sa kanya. Ang bawat matatamaan ng kanyang mga bala ay nagiging yelo na tinatapos naman ni Laire ng hiwa gamit ang kanyang scythe.
Ganon din ang ginagawa nina Reign at Dred. Pinupuruhan na muna ni Reign ng saksak ang kalaban at tinutusta naman ito ng tuluyan ni Dred gamit ang kanyang lightning bow and arrow.
Sina Kalix at Sofia ay ganon din, tumulong na din kasi si Sofia sa pakikipaglaban pagkatapos magamot ang mga estudyanteng sugatan na malubha, ang ibang estudyante na din ang gumamot sa iba. Kung kanina nanggagamot siya, ngayon naman ay kabaligtaran ang ginagawa ni Sofia. Imbes na pinapalakas ay pinapahina niya ang mga deviants, syempre naman di ba, alangan namang gamutin niya pa eh kalaban nga.
Pinapahina niya ang mga ito at doon naman papasok si Kalix na tinutuluyan niya ng saksak ang mga nanghihinang deviants gamit ang kanyang sword na nilagyan niya ng poison.
Sina Claire naman at Kyle ay salit salitan sa pagatake. Pero paminsan minsan ay sinasabayan ni Claire sa pagatake si Kyle sa kalaban. Gamit ang bow and arrow ni Claire ay pinapatamaan niya sa malayo ang deviants at sumusugod naman sa malapitan si Kyle. Hindi naman sila nababahalang pareho na maaaring matamaan ni Claire si Kyle kasi sa pagiging air manipulator ni Claire. Sa kanilang mga Astarlians si Claire kasi ang tinagurian nilang silent assassinator. Sa bilis ng kanyang mga pana ay hindi mo ito mamamalayan at sa bawat pagtama ng pana niya sa iyo ay mahihirapan kang huminga at hinihigop din niyon ang lakas mo kaya paniguradong manghihina ka.
Si headmaster ay abala din sa pakikipaglaban gamit ang kanyang espada na nakakapagparalisa sa mga kalaban na matataman ng patalim nito. Isa kasi siyang weapon summoner. Yeah, pamangkin niya si Roxell kaya malakas ang loob kasi tiyo niya ang headmaster ng eskwelahan.
Si Eydan naman ay madali din niyang napapatumba ang mga kalaban. Bawat tamaan ng kanyang spear ay nasusunog at nagiging abo kasi ang patalin nito ay pinalibutan niya ng inferno fire na siyang pinaka mainit na klase ng apoy sa lahat ng klase ng apoy. Ang kulay nito ay abo na siyang pinaghalo ang puting apoy at itim. Kaya sisiw lang din sa kanya. Kanina pa siya palinga-linga kasi hinahanap niya ang dalaga na kanina ay kasama niyang pumunta. Ngunit nalingat lang siya sandali ay nawala nalang ito. Naiinis na siya kasi sobra ang pag-aalala niya dahil baka napano na ito.
Where the hell are you? Galit na ani sa isip niya.
Ng sa hindi inaasahan ay meron silang naramdaman na malakas na kapangyarihan.
Nakasuot ito ng maskara at nakablack pants, maroon crop top na siyang pinatungan ng puting cloak na may hood. Ang buhok naman ay nakalugay na kulay itim na paalon alon. Nakaboots din ito na merong takong. Kita din ang kanyang crest sa ilalim ng kanyang kaliwang mata. Ang mask niya kasi ay kalahating ng kanyang mukha ang natatakpan, sa madaling salita, only her right cheek and eye lang natatakpan. Kulay ginto ang kanyang maskara. It is a feathery like mask na kinocompliment ang matang ginto ang sa kaliwa at asul na may halong ginto sa kanan. Meron din itong quiver sa likod at bitbit naman niya ang kanyang pana na kulay puti na merong mga dyamante na kulay asul.
Sandaling natigil sa pakikipaglaban ang lahat.
Ganyan na ba ako kaganda kaya ganyan na din silang napatulala? Tsk. Saad ng dalaga sa kanyang isipan.
Headmaster I know that you know me so keep your mouth shut or I'll slice your tounge. Saad ng dalaga gamit ang isipan kay Headmaster Vince na ngayon ay nagulat kasi hindi niya akalain na ganito kalakas ang aura niya. Tinanguan niya lang ito.
Inilibot ng dalaga ang kanyang tingin at mabilis na inasinta ang kalaban na siyang malapit ng sunggaban si Eydan mula sa likod nito. Hindi ito naramdaman ng binata kasi nabighani siya sa dalaga. May ideya siya sa kung sino ito base na rin sa crest na kanyang nakita sa ilalim ng kaliwang mata nito. Naramdaman niya ding umilaw saglit ang kanyang marka sa pulupulsuhan.
Naging hudyat din na nagsimula ang laban ng dahil sa pagkilos ng dalaga. Nakarecover na din sa pagkagulat at pagkabighani ang mga prinsesa at prinsepe at bumalik na din sa pakikipaglaban.
☽︎☯︎☾︎
A/N: Sana po na-enjoy niyo ang chapter na ito. Pasensya na din po sa lame na action scenes. Hehe. Di ko nga alam kung bakit ganon iyon kasi mahilig naman akong manood at magbasa ng mga action scenes eh. Tsaka nasa multimedia na din ang mask at pana si Xyve. Credits din sa may ari. Salamat~ Mwah!
YOU ARE READING
The Chosen One [ON GOING]
Fantasy[TAG-LISH] MOONSTONE SERIES #1 "Welcome to my humble abode," Xyve. 𝐆𝐞𝐧𝐫𝐞: Fantasy/Mystery-Thriller/Romance/Action Start: September 15, 2021 End: ???