/9/ The Lake

13 7 19
                                    

XYVE'S POV

Lalampasan ko na sana sila nang meron akong nakitang nakaagaw ng pansin ko mula sa babaeng pinagtutulungan nina Roxell ngayon at nang mga alipores niya.

Bago pa man mabuhusan ng pagkain ang babae ay agad ko namang pinag-snap ang dalawang daliri ko that caused her hand stop in the mid air. Narinig ko namang magsinghapan ang mga nanonood at tumahimik. Napansin siguro nila ang tensyon na namumuo ngayon ng dahil sa pag-interupt ko sa ginagawang kalokohan nina Roxell.

I just sighed mentally and almost roll my eyes. While maintaining the blank and cold expression on my face I faced Roxell at ang mga alipores niya na nagmumukha nang mga toro na nag-uusok sa galit.

"Is that how you get anybody's attention? Bullying? If that so, I pity you," sabi ko sa kanya ng deretsa sa kanyang mga mata. Mas lalo naman siyang nagalit. Nilibot ko naman ang paningin ko at tiningnan ang mga taong kanina pa siguro nakikinood lang.

"But, the ones that I pity the most are those people who just stand there watching other people getting bullied because they had the choice to help but choose not to. I call them cowards," dagdag ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Nagsiiwasan naman ang iba ng tingin at ang iba naman ay nakatungo. I also inflict something in them with one of my ability. Intimidation ability. My intimidation ability is one of the main reasons why hanggang ngayon wala pang sino man ang lumalapit sa'kin. Ang ability kong ito kasi ay kayang makapaginflict sayo ng fear habang kasama o kausap ako. Nagiging cheerful at bubbly lang ako kapag si Mamu ang kausap ko and now, kasama na din si Swiper sa exception.

Alam ko namang sinusubukan nina Roxell na gamitan ako ng celes nila pero sorry ka nalang kasi I have the power to nullify your celes whenever I want to. Babalik lang ang powers nila the day before the leveling exam.

Tiningnan ko naman ang babae na pinagtutulungan nila at tinulungang tumayo. Pasimple ko ring sinulyapan ang sugat niya sa binti. I have a hunch kung saan ito nanggaling.

I teleported her into the infirmary at iniwan lang sa doon sa nurse na nakatanga. Hindi parin makaimik.

Napagpasyahan ko nalang na maglakad papuntang dorm ko. Hindi na din ako kumain. Mamaya nalang siguro. Nang makarating naman ako sa dorm ko ay may naabutan naman akong bata sa sala na merong fox tail at ears. Mga 8-10 years old. Lumingon siya sa'kin at nang makita niya ako ay tumakbo siya at niyakap ako.

"Swiper?" Tanong ko. Tumango naman ito.

"How?" Dagdag ko.

"Hehe, pasensya na master kong hindi ko sinabi sayo agad," sabi nito na pakamot kamot sa kanyang batok at nagpout pa. Kyeopta~

"It's okay. Here," inabot ko sa kanya ang pagkain na nasa paper bag at parang nagtwinkle twinkle naman ang mga mata niya. I ruffled his hair with a smile.

"Thank you Master!" He beamed.

"Just Ate Xyve," pakiusap ko naman dito.

"Okay po!" He enthusiatically answered. Bumalik naman siya sa sala at ipinatong sa mesa ang mga binili kong pagkain at nilantakan na. Nakangiti ko naman siyang pinanood at kapagkwan ay umakyat na sa kwarto. Its only 7 in the evening. Masyadong pang maaga at nabuburyo ako. I sighed. Kinuha ko nalang ang flute ko at bumaba na ng makaisip ako na magtungo na muna doon sa may Placid Lake.

"Saan po ang punta niyo Ate Xyve?" Takang tanong naman ni Swiper ng nakita niya akong pababa.

"Magpapahangin nalang muna ako. Huwag kang lalabas okay?" Paalam ko sa kanya at nakita ko namang tumango ito.

Tahimik ang hallway ng lumabas ako hanggang sa makababa at makalabas na ako ng dorm. Siguro andoon pa sila sa dining hall o cafeteria taking their dinner.

I stealthly entered the forest. Actually dalawa ang forest na naririto. Ang isa ay ang Forbidden Forest which is sa likod ng school na ito na matatanaw mo mula sa bintana ni Headmaster. (Nabanggit ko ang about dito sa Chapter 2?)

Ang forest naman na kung saan ako ngayon at nasa likod lang ng dorm ng girls. Sa may West side.

Nang makarating naman ako ay winelcome ako ng napakagandang ilog na kung saan the moon illuminates its light making the water at the lake glisten and sparkles. Napakalinaw din ng tubig. The tree at the center of the lake adds na kung saan parang isa itong floating island. Hindi pa ako nakapunta dyan sa gitna. Dito kasi ako always sa paanan lang na kung saan merong puno na medyo malaki at matabang sanga na kung saan matatatuban ng sakto ang sinag ng araw.

Napangiti naman ako sa senaryong nadatnan ko dito. Alam ko nasa mundo ako kung saan magical ang bawat bagay. Ang bawat lugar but I never thought that this scenery in front of me will be this breathtaking. Dagdagan mo pa ng mga Alitaptap na sumasayaw sa salin ng hangin. Beautiful.

Kinuha ko ang aking flute and started singing a song. Habang nagtutugtog ako ay nakakaramdam ako ng ginhawa. I felt peaceful everytime I played my flute.

-30-

N/A: Nasa multimedia po ang flute ni Xyve. I just got it from pinterest. Credits to the owner.

HAPPY READING!

The Chosen One [ON GOING]Where stories live. Discover now