XYVE'S POV
Tumunog na ang bell at hudyat na tapos na ang klase ni Prof Jean.
"That's all for today class," pagpapa-alam niya at umalis na.
Nagsimula nang mag-ingay ang klase. Inub-ob ko naman ang ulo ko sa mesa at matutulog na sana ng biglang tumahimik ang buong classroom na para bang may dumaang anghel. Meron naman akong nararamdamang papalapit sa'kin na isang bagay kaya mabilis ko itong sinalo ng kamay ko kahit nakaupo pa ako at nakaubob parin sa mesa. Tsk, tsk, I smell trouble.
Nakarinig naman ako ng pagsinghapan sa paligid.
Agad ko naman inangat ang ulo ko at tiningnan ang bagay na muntikan nang tumama sa'kin. Ng tingnan ko ito ay isa itong shuriken. It looks like this.
(A/N : Photo not mine. Credits to the rightful owner.)
Kulay dark blue ito na may kalakip na kaunting yellow. It's blades looks like a leaf at merong parang needle sa pagitan ng blades nito. Hmm, its fancy. Water type.
Tiningnan ko ang may pakana nito at halata ang gulat sa mukha niya pero agad din naman itong nakabawi at pumunta sa kinauupuan ko. She crossed her arms while glaring at me.
"You!" Sigaw niya sa'kin habang dinuro-duro pa ako. Hindi ko siya pinansin at konti nalang uusok na siya.
"Is this yours?" Bored kong tanong sa kanya. Sinabayan ko pa ng paghikab.
Napasinghap naman ang mga nanonood. Aba, andami palang audience.
Tumayo na'ko para magkapantay kami, inilagay ko naman sa bulsa ng kanyang coat ang shuriken niya at umalis. Ng malapit na ako sa pintuan ay nag-iwan ako ng salita that left them dumbfounded. Naramdaman ko kasing parang nag-iba ang kulay ng mata ko. Sht!
"Messing with me is like entering hell," I said with conviction and with a hint of warning.
***
Andito ako ngayon sa garden. Dito ako napadpad pagkatapos ng eksena kanina. Hindi na rin ako pumasok sa sususnod kong klase. Natulog nalang ako dito sa isang sanga ng puno.
Naalipungatan nalang ako ng makarinig ako ng isang kanta kasabay ng pagtunog din ng gitara.
Bumaba ako ng puno at sinundan ang tunog. Patagal ng patagal ay nagiging mas maliwanag na ang tunog ng musika kasabay ng pag-agos ng tubig. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang payapang ilog na napakalinis at napakalinaw. Meron ring falls sa di kalayuan. Hinanap ko ang tunog at nakita ko ang isang lalaking nakasandal sa isang puno na nakalean at nakatanaw sa ilog malapit sa falls.
The way he sings the song, I can feel that his missing someone because there is longing at the same time, love, in his voice. Damang-dama niya ang kanta.
YOU ARE READING
The Chosen One [ON GOING]
Fantasy[TAG-LISH] MOONSTONE SERIES #1 "Welcome to my humble abode," Xyve. 𝐆𝐞𝐧𝐫𝐞: Fantasy/Mystery-Thriller/Romance/Action Start: September 15, 2021 End: ???