Chapter 30

37 1 0
                                    

🐻 Chapter 30: Friend 🐻

Maye

Sumilip ako sa room. Wala pang teacher. Binalak ko kasi kahapong mag-cut kaso nahuli ako ni Polly. Eh absent siya ngayon kaya magcu-cut na lang ako.

I was about to open the door of the restroom nang biglang may lumabas at umiiyak. Bigla siyang tumigil sa gitna ng hallway. Then hawak niya yung paanan niya.

What is her problem? Kumukuha ba siya ng atensyon?

Tch. I hate those girls like her. Such a attention seeker


Papasok na sana ako nang makita ko si Janie na lumabas at nakatingin dun sa girl then nag-umpisa  nang magbulung-bulungan yung mga chismoso.


“Sinaktan ba siya nung girl?”

“Siguro. Mukhang inosente pa naman siya yun pala devil”

Tiningnan ko nang masama yung katabi kong mga chismoso. Si  Janie kasi yung sinasabihan nila. Kapal ng mukhang magsabi nun eh di naman nila kilala si Janie.

I was about to talk to Janie nang makita kong tumulo ang luha niya. Dun ko rin napansin na may kalmot sa mukha niya at dumudugo. Nakatingin siya dun sa girl pero pagtingin ko, nandun si Dylan at inaalayan yung babae.

Fuck, Dylan. Bakit mo pa naisipang gawin yan sa harap ni Janie?

Pinuntahan ko si Janie at niyakap siya. Nagulat naman siya nang makita ako.

“M-Maye?”

Nginitian ko nalang siya. Narinig ko naman siyang humihikbi habang paalis kami ng hallway.

“Hey, alam kong di ka okay. Pero saan mo gustong pumunta?” tanong ko sa kaniya. Nasa labas na kasi kami ng hallway. Bali nasa lobby na kami.

“K-Kahit saan. Wag lang dito sa s-school” sagot niya. Kaya pumunta kaming parking lot at lumabas ng SA. Di naman kami nasaway dahil kilala ko yung guard.

🍈🍓🍫

Dumeretso na lang kami sa Belgian Waffle saka um-order ng Ham and cheese and Chocolate waffle.

Balak ko sanang umuwi sa bahay kaso bubulyawan lang ako ni Prince kapag nagkataon. Ayaw namang umuwi ni Janie dahil mas marami daw ang magtataka.


Tumahan na si Janie sa kakaiyak pero tingnan mo siya ngayon,  nakatulala lang.


“Hey, tell me what happened. Ikaw ba yung nanakit dun sa girl?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin saglit saka na naman nag-umpisang umiiyak.

“Shh.. I’m sorry, okay? Ano ba kasing nangyari?”

Nagsinga muna siya. Tinawag naman yung pangalan ko kaya kinuha ko na yung order namin saka umupo. Pagka-upo ko, tapos na siyang suminga.

“Ganito kasi yun, Alam mo ba sinundo pa ako ni Kyle kanina sa bahay para lang mag-breakfast kami sa Mcdo? Ang sweet sweet niya sakin kanina. Pinagbuksan niya pa ang ng pinto at kumanta pa kami. And then, nagpaalam siyang magrest-room pag dating namin sa room” kwento niya saka suminga ulit.

“And then, anong nangyari?”


“And then pagbalik niya, kasama na niya yung Berry na yun”

“Berry? Shey Berry Sison?” tanong ko. Baka kasi ibang berry lang yun.

Mukhang nagulat siya sa tanong ko. So siya nga yun?

“Yeah. Kilala mo ba siya?”

“Yeah. Sasabihin ko sa’yo mamaya. Ano nang nangyari?”

“Yung berry, nilapit si Kyle at nakahatap sa kaniya. Nginitian pa nga niya ako e. Tinatawag ko si Kyle pero di siya lumilingon sakin hanggang sa kinalabit siya ni Hannah pero lumingo  siya kaya dun na ako naguluhan sa kaniya. Wala naman akong ginawang masama eh” sabi niya sabay iyak na naman. Hinaplos ko na lang yung likod niya para tumahan na.

“Tapos pumasok yung berry’ng yun sa restroom tapos nag-hi. Eh nabwibwiset nga ako sa kaniya eh kaya nireplyan ko siya ng ‘edi wow’. Tapos hinila naman niya ako sa braso at kinalmot ako sa mukha and then umiyak siyang lumabas”

“Sabi ko na nga ba eh. Di na siya nagbago. Di ko agad siya nakilala dahil mas pumayat pa siya saka nag-iba yung mukha niya” sabi ko. Nakinig lang si Janie habang umiiyak na kumakain.

“T-Tapos nakita ko si Kyle na inalalayan siya.” Sabi nya sabay kain, “Di ko nga alam kung bakit siya napilay eh! Tinapik ko lang yung braso niya tapos napilay na? Tiningnan pa ako ni Kyle nang masama. Siguro sinisisi niya ako.  Ako na nga yung nasaktan, siya pa yung kinampihan.”

“Ang sakit nung kalmot nung pabebeng yun e kasi, mas masakit yung nakita ko eh! Alam ko namang nililigawan palang siya pero, bakit mas nilapitan niya pa yung berry na yun kaysa saking tunay na nasaktan?” tanong niya. Napahagulgol na naman siya sa nasabi niya.

Di parin nagbabago yung lintek na yun! Mukhang may binbalak na naman siya. Mabuti na lang at nalabanan ko siya dati. Kungdi baka nasira na niya kami ni Jared. Pero bakit nag-iba yung itsura niya?

Nagpa-retoke ba siya?


I'm Secretly Loving You  [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon