Chapter 36

29 1 0
                                    


🐻 Chapter 36: October 19 🐻

Nilapag ko siya sa kama at nilagyan siya ng bimpo sa noo. Napansin kong mainit yung suot niyang damit kaya tinawag ko si Yaya para palitan siya ng damit. Dahil di ko makakayanan kung ako ang gagawa nun.

Pinunasan ko lang siya sa kamay niya at tiningnan siya nang maiigi.

Mukha siyang inosente. Di man siya ganun kainosente pero kaya niyang ipagpaban ang kahit na sino nang di nananakit. Mukha siyang anghel. Mapuputi ang balat niya, mayangos na ilong saka ang mga mapupula niyang labi.

Ang laki kong tanga dahil mas pinaniwalaan ko pa si Berry kaysa sa babaeng nililigawan ko at mahal na mahal ko. Nagsisisi akong nasigawan ko siya at napahsabihan siya nang kung ano-ano kahapon. Nasaktan ko siyang lalo sa pinaggagawa ko.

Naisip ko tuloy kung sasagutin niya pa ako sa lahat nang nagawa ko sa kaniya. Papayag pa kaya siya?

🍈🍓🍫

“Ya, where’s Marie?!”  bumababa ako nang sala para makita si Yaya

“Naku, umalis na kaninang umaga. Tulog na tulog ka daw kasi e”

Ganun? Siguro galit pa siya sakin. Pero kailangan ko pang mag-sorry sa kaniya sa lahat nang nagawa ko sa kaniya.

Naligo na ako at nagbihis ng maayos saka pumunta sa bahay nila. Bumungad naman sakin si Kuya Renz. Mukhang galit na galit siya dahil sa nangyari nung nakaraang araw.


“Bakit ka nandito?”

“Pwede po bang pausap kay Marie? Hihingi po ako ng tawad sa nasabi ko sa kaniya nung nakaraang araw”

Tiningnan muna niya ako saka binuksan ang pinto.

“Natutulog pa si Biscuit, kaya tayo muna ang mag-uusap”

Pina-upo niya ako sa sofa saka tumabi sakin.

“Bakit mo nagawa kay Biscuit yun? Di mo ba alam na iniingatan namin siya dahil siya ang bunso namin? Alam mo ba na sa tuwing dumadaan ako sa kwarto niya naririnig ko siyang umiiyak? Nung araw na nagsigawan kayo, tinangka niyang magpakamatay dahil di pa daw kayo ay nag-aaway na kayo? Mabuti na lamg at naagapan namin” nanlaki yung mata ko sa huli niyang sinabi.

“Nagtangka siyang magpakamatay?!” pagsisiguro ko, tumango naman siya.


“Fuck! Kasalanan ko ‘to! Kasalanan ko!”

“Kaya nga dapat humingi ka sa kaniya ngayon ng patawad dahil bukas ay birthday na niya. Ni hindi nga niya naalala na debut na pala niya bukas eh. Naghahanda na kami"

Kaya, usapang lalaki naman.  Dylan, wag mong sasaktan ang biscuit namin ah? Dahil kung hindi, bugbog sarado ang abot mo samin”

“Wag kang mag-alala, hinding hindi ko na siya sasaktan” sagot ko.


“Kyle? Anong ginagawa mo dito?”

Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay agad akong pinuntahan siya at niyakap.

“K-Kyle, di ako makahinga” bulong niya. Napahiwalay naman ako sa yakap. Sinapo ko ang noo niya. Di na mainit.

“Okay ka na ba? Bakit ka umalis sa bahay?  ” tanong ko sa kaniya.

“Yeah. I’m okay. Nakakahiya na kasi sayo e. Ikaw na yung nag-alaga sakin magdamag” sabi niya. Napangiti naman ako. Mukhang di na siya galit sakin.

“Marie, I’m so sorry. Please? Forgive me?” tanong ko sa kaniya. Tumingin0 siya sakin saka ako hinila sa kwarto.

“Napatawad na kita, Kyle. Simula nung narinig ko yung sinabi mo kay berry. Alam mo naaasar na talaga ako dun. Ayoko pa naman sa mga pabebe.” Inis na sabi niya. Natawa naman ako sa ekspresyon niya.

“Pinagsisihan ko na mas naniwala ako sa kaniya kaysa sayo. Napakalaking tanga ko at inakala kong nagbago ka na. Akala ko mabait yung berry na yun, di pala. Pasensiya na kung di kita napagtanggol. Kahit na babae yun, masasaktan ko yun!” sabi ko. Siya naman ang natawa.

“Pero sa lahat nang nagawa ko, sasagutin mo pa ba ako?”

Nginitian niya ako saka unti-unting lunapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin.

“Oo naman. Ngayon” sabi niya. Inaantay ko yung sunod na sasabihin niya.

“Anong, ngayon?” tanong ko. Hinampas naman niya ako sa balikat ko.

“Loko! Sinasagot na kita ngayon! Ano ka b---

Now, turn ko naman para halikan siya.

Napakasaya ko! Ang saya-saya ko dahil nangyari na rin yung pinaka-aasam ko nung third year palang kami. Wala nang humadlang. Sinagot na niya talaga ako!

Tiningnan ko yung phone ko,

“ 10,19. 11:30 P” sabi ko. Kumunot naman yung noo niya.

“Ang date na sinagot mo ako. Thank you, Marie! Thank you talaga” niyakap ko siya at ginantihan naman niya ito.

“I love you, Kyle”

“I love you too, Marie”

“Wag mo na ulit pagtangkaang magpakamatay ah? I swear, susunod ako sayo pagnangyaro yun” sabi ko. Napakalas naman siya sa yakap ko.

“Magpakamatay? Hindi ah! Sinong nasabi sayo niyan?” tanong niya. Eh sabi ni Kuya Renz..

“EHEM!”

Napalingon naman kami. Nandun silang lahat. Sila Tito at Tita pati narin ang mga kapatid ni Marie. Nagulat naman ako nang makita ko sila Mama at Munchkin.

“What are you guys doing here?!”

I'm Secretly Loving You  [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon